UMUWI muna si Ashton sa kanyang condo para maligo at magpalit ng damit. Pagkatapos ay babalik din siya sa bahay ng kasintahan upang samahan itong magbantay sa kanyang pamangkin. Dahil hindi naman siya papasok sa kanyang trabaho ngayon ay may oras siyang makasama nang matagal si Autumn kasama ang pamangkin niyang si Blythe. Bago siya umalis ay bitbit niya ang kaninang pinaglagyan ng kahapong damit niya na ibinigay ni Autumn na paper bag. Nilagyan niya iyon ng damit na pamasok pati ng damit niya pantulog. Ayaw niya kasing iwang mag-isa si Autumn kasama ang bata dahil gusto niyang masigurong ligtas ang mga ito. Napagdesisyonan din niyang pa-imbestigahan ang magulang ni Autumn dahil may hinala siyang may dahilan ang mga ito kung bakit nila kinuha ang titulo ng lupa at bankbook ng lola ng k

