PASADO alas-diyes ng dumating sina Zion, Alona at Blythe sa bahay ni Autumn dala ang ilang mga gamit, at isang maleta. Hindi mapigilan ni Autumn ang magtaka kung bakit may mga dala itong mga gamit. "Ate Alona, anong nangyari? Bakit kayo may mga dalang gamit?" Tanong ni Autumn pagkatapos ay dinala sila sa sala para umupo. Si Ashton at Zion naman ay tahimik lang na nakamasid at nakikinig habang nakaupo sa sofa katabi sina Alona at Autumn. Si Blythe naman ay pinapunta na muna ni Alona sa garden para doon maglaro at para malaya silang makapag-usap. "Autumn, natatandaan mo ba noong namatay sina lolo't lola may binigay sila sa 'yo?" Tanong ni Alona sa kanyang kapatid. "Oo ate! 'yong titulo ng lupa pati bankbook nila iniwan nila sa akin." "Alam mo ba kung saan nakalagay? Subukan mong ting

