HABANG nasa garden ay nanghihingi ng payo si Ashton kay Zion kung ano ang puwede niyang gawin kapag nag-propose siya kay Autumn. "Pareng Zion, tulungan mo naman akong gumawa ng surprise kay Autumn. Gusto ko sanang mag-propose na sa kanya. Ano kayang puwedeng gawing sorpresa sa kanya?" Humihingi ng tulong na sabi ni Ashton sa kaibigan at kumpare. "Pare, ikaw ang nakakaalam kung anong puwede mong gawin para mag-propose sa kanya."Sagot ni Zion na ang tinutukoy ay si Autumn. "Maging natural ka lang sa gagawin mo. Aba hindi porket mayaman e gagastos ka pa ng isang daang libong piso sa pag-propose." "E anong gagawin ko p're? Kung hindi ako gagastos ng pera?" Nakakunot ang noong tanong ni Ashton. "Bumili ka ng singsing pero isama mo si Autumn sa pagpili." "P're bakit isasama ko si Autum

