AGAD dinilat ni Autumn ang mga mata nang marinig ang mga pamilyar na boses. Pagkabukas niya nang mata ay nakita niyang nakatayo lang ang lahat ng crew, kasama ang Ate Alona, Kuya Zion, Bylthe, pati na ang pamilya ni Ashton. Awang ang bibig ni Autumn at kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkagulat dahil nakita na niya ng personal ang pamilya De Vera. Ang Mommy Agatha, Daddy Lindon, bunsong kapatid na si Allison, asawang si Keith at ang anak nilang si Conor. Akmang lalapit sana siya sa mga ito ngunit nakailang hakbang lang siya ay agad natuon ang atensiyon niya sa taong pinakamamahal niya. Bigla na lang nanlabo ang kanyang paningin nang dahil sa biglang pamumuo sa kanyang mata pagkatapos ay unti-unting dumaloy ang mainit na luha sa kanyang pisngi nang dumako siya sa chocolate c

