NASA kasarapan pa ng tulog si Autumn at ang nasa panaginip niya ay ang kinakasal sila ni Ashton sa simbahan ngunit biglang nakarinig siya nang malalakas na katok. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang mag-propose si Ashton sa kanya. Disyembre 18, 2019 ang buwan at araw na ipinasya nilang ikasal sila. Hanggang ngayon ay kasama niya pa rin sa bahay si Ashton dahil ayaw niyang iwan siya nito mag-isa. Minsan naman ay ang Ate Alona niya at si Blythe ang kasama niya. Agad na napadilat siya nang totoong nakarinig siya ng katok sa pinto ng kanyang bahay. Tiningnan niya ang orasan sa pader ng kanyang kuwarto. Nakita niyang alas-sais pa lang ng umaga. Hindi mapigilang mapaisip ni Autumn kung bakit ang aga-aga ay may kumakatok na sa pinto ng kanyang bahay. Agad siyang tumayo sa

