CHAPTER 3-4 YEARS AFTER

1179 Words
Family is like branches on a tree, we all grow in different directions yet our roots remain as one.  APAT na taon ang lumipas mula ng umalis ako sa bahay ng magulang ko. At tumira kasama sina Lolo Iñigo at Lola Fausta na magulang ni Mama Ashlin. Nalaman ko kay lola na nagpadala pala sila sa 'kin ng pera para sa pamasahe, at panggastos ko ng isang buwan para sa pagpasok ko sa paaralan. Pero hindi ko alam kung bakit inilihim 'yon sa'kin nila mama noon. Siguro inisip nilang susuko na ako na mag-aral dahil sa ginawa nilang pagtatago ng pera sa 'kin. Dati rin palang pasaway ang kanyang ina at mahilig makipag-inuman kung kani-kanino. Muntik pa nga raw si mama ma-rape ng kaibigan nitong lalaki mabuti na lang ay may nakakita rito. Nagbago lang daw si mama nung tumuntong ito sa edad na labingwalo. "Lola, kumain na ba kayo ni lolo ng almusal?" Nakangiting tanong ko sa kanilang dalawa habang nakaupo sila sa sala at nakikinig ng paboritong balita sa DZMM. Nakapagbihis, at nakaligo na ako para handa na ako sa pagpasok sa trabaho pagkatapos kumain ng almusal. Ilang taon rin akong nag-working student para lang makamit ang pinapangarap ko. Ang makapagtapos ng pag-aaral, at maipagmalaki nina mama at papa. "Oo apo, kumain na kami ng lolo mo. Kumain ka na rin diyan bago ka pumasok. May niluto akong itlog at ham diyan sa lamesa." Sagot sa 'kin ni lola habang nakikinig pa rin sa radyo. Kahit na pitumpu't walo na si lola at pitumpu't siyam na si lolo ay malakas pa rin naman sila. Pareho silang tumatanggap ng pension at bigay na pera o grocery mula sa anim nitong anak. "Salamat lola, ano po bang gusto niyong pasalubong pag-uwi ko?" Nakangiting sabi ko kay lola habang nakatayo sa likod ng upuan nila. "Kahit wala na apo." Masayang sabi ni lola na sumulyap sa'kin saglit. "Ikaw lolo, baka may gusto ka? Prutas po?" Nakangiting sabi ko kay lolo habang ang mga mata nito ay nakatingin sa diyaryo. Ito ang libangan nila ni lola tuwing umaga ang makinig at magbasa ng balita. "Sige Autumn apo, prutas na lang ang bilhin mong pasalubong. Parang gusto kong kumain ng ubas at mansanas mamaya." Masayang tugon ni lolo sa 'kin. "Sige po." Nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa. Naglakad na ako papuntang kusina at kumain ng almusal bago pumasok sa trabaho ko bilang Manager sa Jollibee sa Pasig City. Alas sais pa lang naman ng umaga. Ang pasok ko pa naman sa fastfood ay alas siyete y media kaya walang problema kung mamaya na ako umalis ng bahay. Siguro kung hindi ako umalis ng bahay at pumayag sa gusto nila mama baka hindi ko nakamit ang pinapangarap ko na makatapos ng pag-aaral. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa kursong B.S. Secretary sa pagpa-part time job ko sa mga fast food na tumatanggap sa tulad kong gusto maging working student at siyempre sa tulong na rin nila lola sa 'kin. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na akong kumain. Kaya hinugasan ko muna ang kinainan ko bago naghandang pumasok sa aking trabaho. Kinuha ko na ang shoulder bag ko na nakalagay sa sofa na nasa sala at isinukbit na sa aking balikat. "Papasok na po ako sa trabaho.'' Sabi ko sa kanilang dalawa pagkatapos ay humalik sa kanilang mga pisngi. "Mag-iingat ka apo. Pagpalain ka ng Diyos." Nakangiting sabi nina lolo't lola sa 'kin. "Oo nga pala Autumn apo, pupunta rito mamaya ang mama't papa mo para dumalaw." Pahabol na sabi ni lola na naging dahilan para mahinto ako sa paglalakad palabas ng bahay. "Ga-ganun ba lola? Mabuti naman po at naisipan nilang bisitahin kayo ni lolo. Sige po papasok na ako." Sabi ko kay lola at naglakad na palabas ng bahay. Hindi ko alam kung ano ba ngayon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kinakabahan at natutuwa ako. Kinakabahan ako dahil baka kapag nakita nila ako ay magalit lang sila sa 'kin dahil sa ginawa kong paglayas sa poder nila. Pero kung hindi ko ginawa 'yon siguro ay hindi ko mararating ang nakamit ko ngayon. Sa kabilang banda natutuwa rin ako dahil makikita nila na nakatapos ako ng pag-aaral at may maganda ng trabaho. Maipagmamalaki nila na nakatapos ako ng pag-aaral dahil sa pagpupursige ko at sa tulong na rin nila lolo't lola. Sana kahit ngayon lang makita ko ang pagmamahal nila sa 'kin bilang anak nila. Sana ay mawala na sa isip nila na magagaya rin ako sa ate ko na hindi natapos ang pag-aaral at nag-asawa ng maaga. Nakapasok ako sa trabaho ko ng maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan. "Good morning po, Ma'am Fernandez!" masiglang bati sa akin ng mga nagtatrabaho rito sa Jollibee. "Good morning din!" masiglang bati ko rin sa kanila. Isinantabi ko muna ang mga iniisip ko para hindi maapektuhan ang pagtatrabaho ko. Ibinaba ko muna ang sukbit kong shoulder bag sa lamesa. Pagkatapos ay kinuha ko ang card ko na pang-void kung sakali ng orders ng customer pagkatapos ay inilagay ko sa kanang bulsa ng itim na slacks kong suot. Isinuot ko na rin ang i.d, nametag, hairnet at sumbrero sa ulo ko. Upang maghanda na sa pag-uumpisa ng trabaho ko. Kinuha ko ang mga nakapatong na papel sa lamesa ko saka tiningnan isa-isa. Being the manager of fast food has lots of responsibilities. From supervising staff to keeping the kitchen running to ensuring strict hygiene controls of both the staff and kitchen; fast-food managers are on their feet constantly. Alam kong mahirap pero ito ang isa sa gusto kong gawin. After three years kapag nakapag-ipon ako ng pera ay magtatayo rin ako ng sarili kong business. "Ma'am pa-void po ng counter 2." Magalang na sabi sa akin ni Ms. Corpuz. Tumango ako sa kanya. Ibinaba ko ang hawak kong mga papel pagkatapos ay sumunod counter niya. Tumingin ako saglit sa paligid pagkatapos ay nag-swipe ng card sa counter at pinindot ang code ko. Marami-rami na rin pala ang mga customers nila na kumakain at may iilang nakapila sa counter para umorder. "Thank you ma'am!" Magalang na sabi sa kanya ng crew. Ngumiti siya bilang tugon. Naglakad na ako papunta sa kitchen para tingnan ang ibang crew. Bigla ko na namang naalala ang pamilya ko nang masulyapan ko kanina ang isang pamilya na masayang kumakain. "Ano kayang magiging reaksyon nina mama at papa kapag nagkita kami mamaya?" Mahinang usal ko sa aking sarili. Binuksan ko ang pinto ng kusina at nakita kong mga abala ang crew sa kani-kaniyang ginagawa. "Good morning po Ma'am Fernandez!" sabay-sabay na bati nila saka ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa. "Good morning din sa lahat!" Nakangiting tugon ko sa kanila habang naglalakad-lakad. Pagkatapos ko mag-inspection sa kusina at makinig ng ilang concern nila tungkol sa equipments sa kusina ay bumalik na ulit ako sa opisina ko para naman umattend sa Zoom Meeting namin ng lahat ng Branch Manager ng Jollibee. Kinakabahan na nasasabik ang pakiramdam ko para mamaya sa pagkikita namin nina mama at papa. Ito na rin siguro ang tamang panahon para magkita kami. Sana maging maganda ang resulta mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD