Euan’s POV Nalungkot lang ako na hindi ako pinayagan ni Dad na mag-birthday leave ngayong araw. Pinagbuti ko pa nga ang pagta-trabaho noong mga nakaraang araw dahil nagpaalam na ako sa kanya. Nagkaroon ng problema kaya sinabi niya na kailangan kong pumasok ngayon, hindi naman ako nagdalawang-isip sa pagpayag pero hindi maiiwasan na malungkot ako. Nangako pa naman ako sa mga kapatid ko na aalis kami ngayon. Binati naman nila ako kaninang umaga at sabay-sabay kaming kumain, sinabi ko na lang na sabay-sabay na lang kaming mag-dinner mamaya. Nag-invite din ako ng kaunting kaibigan at pati sina Rosaleen pero hindi pa siya sumasagot sa messages ko, mukhang may pasok siya ngayon. Hindi man lang ako naalalang batiin ngayon. Nagpaalam nga rin ako na ako na ang susundo kay Tovee sa school pero kah

