Euan’s POV I woke up seeing Rosaleen’s beautiful and peaceful face. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa maaliwalas niyang mukha pagkatapos ay bahagya siyang kumilos. Idinilat niya ang mga mata at tumingin sa akin. Ngumiti pa siya bago isubsob ang mukha sa dibdib ko at magtago. Natawa ako sa ginawa niya kaya tinanong ko kung bakit siya nagtatago. Mahilig siyang sumiksik sa dibdib ko kapag nahihiya. “Bakit ka kasi nakatitig sa akin?” she asked, still burying her face on my chest. I hugged her. “What? Am I not allowed to appreciate a beautiful view?” Lalo pa siyang nagtago at sinabi na huwag akong bumabanat dahil ang corny ko raw ngunit nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya. We stayed in that position for a while. “What time is it?” “Nagugutom ka na ’no? It’s one in the afternoon.”

