Balisa at tulala si Clint habang nagpapahangin siya sa may beranda sa kuwarto niya. Katatapos lang niya kausapin ang isang tauhan niya. Biglang bumalik sa alaala niya ang nakaraan nila ni Nimfa. Ibinigay niya ang lahat-lahat dito, ipinaglaban niya sa kanyang mga magulang ang pagsasama nila kahit tutol ang mga ito sa relasyon nila. Kahit alam niyang simula’t-sapul ay may gustong babae ang mga magulang niya para sa kanya ngunit dahil sa matinding pagmamahal kay Nimfa ay mas pinili niya ito kaysa sundin ang kagustuhan ng sariling mga magulang. Pero sa kabila nang lahat ng sakripisyo niya ay hindi man lang siya nito nagawang ipaglaban, sila ng anak nila. At ang pinakamasakit pa sa lahat ay nagawa pa siya nitong ipagpalit sa ibang lalaki. Kaya hindi siya masisisi kung galit at poot ang namuo

