Hindi napansin ng kapatid niya na nadaanan nila sina Clint at Nimfa dahil nakatutok ito sa dinaraanan nila. Ang magandang mood niya kanina bago sila umalis sa bahay ay napalitan ng kahungkagan. “Ate, bakit ganyan na naman ang itsura mo?” puna nito sa kanya. Napansin marahil nito ang pagkabalisa niya. Matagal bago siya sumagot. Nilingon lang niya ito. “Ate?” untag nito sa kanya. Hinihintay na sumagot siya sa tanong nito. “Nakita ko sina Clint at Nimfa,” may lungkot sa tinig na sagot niya. “Ha? Saan?” salubong ang mga kilay na tanong nito. “Doon sa malaking gusali na nadaanan natin, ‘yong kulay puti,” sagot niya. “Ano’ng ginagawa nila?” usisa nito. “Malay ko. Nakatayo lang naman sila at nag-uusap.” “Hayaan mo na sila, Ate. Isipin mo na lang na hindi talaga fair ang buhay. Pero

