“Good. Dahil oras na makita kitang naglalapit pa kay Clint ay makikita mo ang kaya kong gawin sa’yo,” pagbabanta nito sa kanya. Pero hindi siya nagpatinag. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko ugali ang ipagsiksikan ang sarili ko sa isang tao kung ayaw na sa akin. Kahit paano ay may delekadesa pa rin naman ako. Hindi ko na lang alam sa iba riyan. Baka kahit hindi naman na siya gusto ay pilit pa rin nagsusumiksik sa buhay ng may buhay,” pagdedepensa niya sarili. Napansin niya ang pag-asim ng mukha nito sa sinabi niya habang mariin ang pagkakalapat ng mga labi nito at matatalim ang mga matang nakatingin ito sa kanya ng deretso at hindi makapagsalita. “Huwag kang mag-aalala. Sa iyo na si Clint. Hindi ako desperada para makipag-agawan pa sa isang lalaking walang isang salita,” patuloy niyang depe

