Maaga siyang pumasok sa opisina dahil maraming nakabinbin na mga papeles na kailangan niyang basahin at pirmahan. Subsob ang buong atensyon niya sa trabaho nang biglang pumasok ang sekretarya niya na parang aligaga ang itsura. “Sir, may isang babae pong gustong kumausap sa inyo. Sinabi ko pong ayaw n’yo magpaistorbo ngunit nagpupumilit po siya at mag-eeskandalo raw po kapag hindi ko pinapasok,” natatarantang pag-bibigay-alam ng sekretarya niya. “Sino ba ‘yon?” salubong ang mga kilay at kunot ang noong tanong niya rito. “Ayaw po sabihin ang pangalan niya dahil kilala n’yo raw po siya, Sir—” “Hello, darling.” Napatingin siya sa pinanggalingan nang nagsalita. Ganoon na lang ang pagkatigagal niya nang makilala ang babaeng nakatayo sa likod ng sekretarya niya. Ilang sandali siyang nakatit

