PILIT ISINUBSOB ni Mina ang sarili sa trabaho. Mas magandang abalahin na lang muna niya ang sarili para kahit paano ay hindi niya palagi naiisip si Clint. Kapag lagi niya kasi hinihintay ang pagpaparamdam nito ay mas lalo lang siyang nalulungkot tuwing wala naman siya natatanggap ni isang mensahe mula rito. “Mina.” Biglang lumakas ang t***k ng puso niya nang marinig ang boses ng tumawag sa pangalan niya. Kilala niya ang may-ari ng tinig na iyon. “Clint,” tawag niya sa pangalan nito nang inangat niya ang kanyang ulo upang tingnan ito. Biglang nawala agad ang mga paghihinampo niya rito nang nagdaang mga araw. Nakangiti siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap. “Bakit ngayon ka lang? May naging problema ka ba sa trabaho?” “Gusto sana kitang makausap,” mahina nitong sambit habang hawak ang

