“So, you’re Mina Montes,” anito sa tonong hindi nagtatanong kundi sa tonong nagpapahayag. “Yes. I am. Ano po ba ang kailangan nila?” tanong niya ulit dito para magkaalaman na kung ano ba talaga ang sadya nito sa kanya. “Obviously, you don’t know nothing about me. Okay, my dear. Let me introduce myself to you,” may kaartehan ngunit sosyal na sambit nito sa kanya. “My name is Nimfa Modesto.” Mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya pagkarinig sa pangalan nito. Wala siyang kilalang Nimfa Modesto. “And what can I do for you, Miss Nimfa?” naguguluhan ngunit deretsahang tanong niya. Nararamdaman kasi niyang hindi tungkol sa negosyo ang ipinunta nito sa coffee shop niya. Iba ang nararamdaman niya sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya. May ibang pakay ito na gusto niyang malaman agad. “

