Maagang nagising si Clint. Ngunit si Mina ay mahimbing pa rin na natutulog. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung isasama pa ba niya ito sa opening program o hindi na dahil alam niyang napagod ito kagabi dahil sa kanya. May munting ngiti ang sumilay sa mga labi niya nang maalala ang nangyari sa kanila nang nagdaang gabi. Lumabas siya ng kuwarto upang mag-order ng kanilang makakain. Para paggising nito ay may nakahanda ng pagkain sa mesa. “Ano’ng oras na, mahal?” “Oh, gising ka na pala, mahal, tamang-tama nandito na ang pagkain. Kumain na tayo,” yaya niya rito. Ngunit napansin niya na nakamata lang ito sa mga pagkain na nakahain sa mesa. “Bakit ang dami naman yata nito, mahal? Dalawa lang naman tayong kakain, ah?” may pagtatakang tanong nito sa kanya. “Alam ko kasi na napagod ka at na

