“Hey, love birds! Get a room,” narinig nilang sigaw ng isang baritonong boses sa likuran nila. Napalingon sila sa pinanggalingan ng tinig. Isang matangkad na lalaki at guwapo ang nakita niyang nakatayo ‘di kalayuan sa kanila. “Hey, bro!” bati ni Clint. Lumapit ito sa kanila. “Mahal, I’d like you to meet Marko. One of my cousin and business partner in this resort.” Pinsan pala ito ni Clint. Kagaya ni Clint ay guwapo rin ito, matangos ang ilong nito, maganda ang pangangatawan na medyo kulot ang buhok na bumagay sa itsura nito. “Finally, nakilala ko rin ang babaeng bumihag sa mailap na puso ng pinsan ko,” anito at inilahad ang palad nito sa kanya. Nakangiti niya namang tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kanya. “It’s my pleasure to meet you.” “Mas maganda ka pala talaga sa personal. N

