Chapter 46

1825 Words

Malayo palang sila ni Clint ay tanaw na niya ang sinasabi nitong pinasadyang tutuluyan nilang magpipinsan sa resort na iyon. Hindi nga iyon typical na hotel room kundi parang isang bungalow house. Pero hindi ganoon kalaki. “Ang ganda naman ng pagkakadisenyo nito, mahal? Ilan ang kuwarto rito?” tanong niya agad rito nang makapasok na sila sa loob. “Dalawa, mahal,” sagot nito ngunit may nakakalokong ngiti sa mga labi. “Bakit ganyan ka makangiti?” “Nothing. Masaya lang ako, mahal, dahil kasama kita.” Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. “Lalabas pa ba tayo mamaya?” Hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus ay iniba niya ang usapan. “Oo, kung gusto mo pang makita ang buong resort. Pero sa ngayon, dito muna tayo, maaga pa naman. Mamaya na lang tayo lumabas,” anito na hinahalik-halika

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD