Paulit-ulit na nakikita ni Nimfa sa balintataw niya ang dugong umagos sa mga hita ni Mina nang mawalan ito ng ulirat. Hindi niya sinasadya at hindi niya alam na buntis ito. Sobrang kaba at takot ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Kaya hindi mapuknat-puknat ang pagluha niya hanggang ngayon. She really felt guilty for what happened to Mina ang to her baby. Buong-buhay niyang dadalhin sa konsensiya niya ang lahat kapag may masamang nangyari isa man sa kanila. “I’m sorry,” paulit-ulit na usal niya habang siya ay lumuluha. Kahit hindi siya naging mabuting ina sa anak niyang si Drake at nagawa pa niyang abandonahin ito ay hindi rin naman kaya ng konsensiya niya ang pumatay ng bata lalo na ang wala pang muwang at kasalukuyang nasa sinapupunan palang ng ina nito. Nakahanda siya sa la

