Nadatnan niya sa hospital ang mga magulang ni Mina na sina Mang Manoling at Aling Ana. Parehong nakatingin lang ang mga ito sa kanya nang dumating siya ngunit hindi na kababakasan ng anumang panlalamig ang itsura ni Mang Manoling nang batiin niya ito, hindi tulad noong nakaraan. “Goodafternoon po, ‘Nay, ‘Tay.” “Ganoon din sa’yo, hijo,” ganting bati ni Aling Ana sa kanya. Sumenyas naman si Mang Manoling na lumapit siya at umupo sa tabi ni Mina. “Hindi pa po ba siya nagigising?” mahina ang boses na tanong niya dahil nangangamba siya na baka magising niya si Mina. “Hindi pa, hijo. Ang sabi ni Mela, tinurukan nang pampatulog si Mina para makapagpahinga siya nang maayos,” sagot ng tatay ni Mina. “Ganoon po ba? Maige nga po iyon para makabawi siya nang lakas,” sang-ayon niya. Halos tatlon

