Miss na miss na ni Mina si Clint. Apat na araw nang hindi sila nagkikita, puro na lang sila tawagan at text. Gumawa pa siya ng account niya sa social media para lang makausap niya ito sa video call. Kung puwede lang niyang hilahin ang bawat araw ay ginawa na niya para makauwe na ito at magkasama sila. “Nami-miss mo na siya, 'noh?” untag ni Clarise sa kanya nang maabutan siya nitong nakapangalumbaba sa counter. Kararating lang nito sa trabaho dahil closing pa rin ang shift nito. Bumuga siya nang hangin bago nagsalita. “Oo. Isang linggo siya sa business trip niya, eh.” “Ayos lang ‘yan para naman lagi pa rin kayong kinikilig at mamimis ang isa’t-isa,” ani Clarise habang nag-aayos ito sa kaha. “Sabagay, lagi naman kaming nag-uusap sa video call kaya kahit paano nakikita ko siya.” “Talaga

