Hinanap niya kung saan nakaupo si Tristan. Kumaway ito sa kanya nang makita siya kaya agad niya itong nilapitan. “Hi!” bati nito sa kanya. “Kumusta ka na?” “Mabuti naman at nakaalala kang mamasyal dito?” sabi niya na hindi na pinagkaabalahang sagutin ang tanong nito. Dahil mismo siya ay hindi alam kung ano ang tamang isasagot dahil ang totoo ay hindi siya okay. “Siyempre naman. Ano kumusta? Umiyak ka ba?” anito na sinipat-sipat ang kanyang mukha na pilit niyang tinakpan ng polbos para hindi mahalatang kagagaling niya sa iyak. “Hindi, ah! Ba’t naman ako iiyak? Napuwing lang ako kanina kaya namumula ang mga mata ko,” pagdadahilan niya. “Ganoon ba? Mag-ingat ka kasi sa susunod,” paalala nito na halatang naniwala sa palusot niya. “Kumusta na kayo?” Napasimangot siya sa tanong nito dahil

