KANINA PA NANLALAMIG ang mga kamay ni Mina dahil kanina pa siya ninenerbiyos mula nang masilayan niyang muli si Clint. Hindi niya alam kung dahil sa tuwa o sa excitement ang dahilan kung bakit hindi siya makapakali. Gusto niya malaman kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. “Here we go.” Napatingin siya sa labas ng kotse at tiningnan kung saan siya dinala ni Clint. “Ano’ng gagawin natin dito? Bakit dito sa hotel?” gulat at nagtatakang tanong niya. Ayaw niyang kumilos upang lumabas ng sasakyan nito. Naisip niya, this is not a good idea of his. Hindi pa siya desperada para pumayag sa gusto nito. “Hey! It’s not what you think it is,” tumawa ito nang bahagya nang itama nito ang posibleng iniisip niya. Nahulaan nito agad ang nilalaman ng isip niya. Ngunit sa kabilang banda ay napahiya siya

