"Coco Carson... it's rare to see you in this kind of event," maya-maya ay narinig kong pahayag ni Warren. Nabawasan ang nararamdaman kong kaba nang makitang kay Sir Coco pala ito nakatingin at mali iyong una kong akala na sa'kin ito nakatitig. Dahil naunahan ako kanina ng nerbyos ay nawaglit sa isip ko na nasa likuran ko pala itong si Sir Coco na posibleng hinahanap ng mga mata ni Warren dito sa hanay namin. "Yeah, I've my free time today," pahinamad na sagot ni Sir Coco. Hindi man lang nito itinago ang kawalan ng interes sa kausap. Hindi ko alam na magkakilala pala itong kambal at ang hilaw kong finance. Naalala ko tuloy kung paano ako nakipagsagutan kay Mommy dahil tutol ako sa pinaplano nilang ipa-arrange marriage ako rito kay Warren. Kahit hindi kami malapit sa isa't isa ay magka

