† CHAPTER 05 †

1328 Words
TAHIMIK na naglalakad si Merisa papasok ng Hanoka University. Nag-disguise siya ngayon, nakasuot siya ng long black wig at may suot pang nerdy glasses sa mata. Minsan lang niya gawin ito para hindi siya makilala ng mga fans niya sa K-pop Community. Pero iba ang dahilan niya ngayon, ayaw niyang makilala siya ng Crazy Chicks. May kutob na siyang mas tumindi ang inis ng mga ito sa kanya dahil kay Seiji. Napalabi siya nang maalala si Seiji. Matapos nitong ipakita sa kanya ang pangil nito ay bigla nalang itong naglaho sa paningin niya. Hindi niya maintindihan ang nangyari kaya hanggang ngayon ay lutang pa siya. Sa katunayan ay wala pa siyang tulog simula nung friday dahil sa nakitang paglaho nito sa harapan niya. Nagka-eye bag na nga siya gawa ng hindi pagtulog tuwing alas dos ng madaling araw hanggang mag-umaga. "Baka hallucination ko lang iyon? Sa dami ba naman ng nangyari sa akin nang araw na iyon. Baka hindi ko namalayan na lumabas na siya ng pinto. Habang ako ay tulala sa nakita kong pangil?"   mahinang sabi niya sa sarili na panay ang tango. Parang baliw na siya kung titingnan sa ginagawa niya. Sa katunayan ay hindi natakot sa pangil si Merisa. Parang gusto pa nga niya itong makita at mahawakan. Kasi bihira na may taong parang bampira ang ngipin. Naisip niya bakit hindi pina-dentist ni Seiji ang pangil nito? Kaya naman ng dentist na maipantay ito tulad sa napanood niya sa balita. 'Yung batang tinutuksong bampira na gustong ipabunot ang ngipin dahil sa pambu-bully. Imbes na bunutin ay binawasan ito gamit ang isang maliit na grinder. Hindi sumagi sa isip niya na baka bampira si Seiji. Dahil wala naman talagang bampira, sa mga movies at libro lang ito nabubuhay at hindi nage-exist sa panahon ngayon. 'Yung mga halimaw sa panaginip niya na humahabol sa kanya. Tingin niya ay epekto ng panonood niya ng mga horror movies. Madalas kasi niyang takutin ang sarili noong summer sa sobrang bored niya. Wala rin kasing mga events kaya wala siyang mapaglibangan. Hindi napansin ni Merisa na kanina pa may sumusunod sa kanya. Simula nang bumaba siya sa sasakyan hanggang pagpasok niya sa gate ay sinusundan na siya ng Crazy Chicks. "Akala mo ba hindi ka namin makikilala diyan sa pagdi-disguise mo?" Napahinto sa paglalakad sa hallway si Merisa at dahan-dahang lumingon. Nanlaki ang dalawa niyang mata nang makita ang Crazy Chicks. "Paano ninyo nalaman na ako ito?"  hindi makapaniwalang tanong niya habang itinuturo ang sarili gamit ang kanang hintuturo. "Anong akala mo sa akin tanga? Ikaw lang ang may weird na bag dito."  mataray na sagot ni Kyla na nakatingin sa kanang daliri nito. Nagulat siya nang kunin ni Sharon ang shoulder bag niya, na may palawit na laminated pictures ng mga favorite boy group niya sa K-pop. Babawiin niya sana ito nang itulak siya ni Kyla sa wall. "Ano bang gusto ninyo?"  tanong niya habang nakasandal sa wall at inaayos ang nagusot niyang uniform. Medyo nasaktan siya pero hindi nalang niya ito inintindi. "Girls, akin na 'yung binili ko kanina."  sabi ni Kyla habang nakalahad ang kamay. Nanlaki ang dalawa niyang mata nang makita ang isang transparent na plastic bag. May laman itong kamatis na tingin niya ay ipangbabato sa kanya. Mukhang hindi titigil ang mga ito sa pambu-bully sa kanya. Lalo na't hindi natuloy ang mga gusto nito nakaraan. Pero kung siya ang tatanungin mas okay na ang kamatis kaysa sa boiled eggs. Maganda sa kutis ang kamatis kaya mas pabor pa siyang ito ang ibato sa kanya kaysa sa boiled eggs. Maraming tao na ang nakapaligid sa kanila. Mukhang isang public viewing ang mangyayari ngayon. Makikita ng mga ito ang sasapitin niya sa kamay ng Crazy Chicks. Kapag lumaban ako baka mas lalo lang nila ako i-bully. Pero kung hahayaan ko sila hanggang sa makontento sila baka tigilan na rin nila ako.  sabi niya habang tinitingnan ang Crazy Chicks. Nakangiti ang mga ito habang kumukuha ng kamatis sa may plastic. "Good luck sa akin."  mahinang sabi niya na nag-sign cross pa. Inihanda niya na ang sarili at katawan sa gagawin ng mga ito. Pumikit siya nang makita ang pagbato ng mga kamatis sa kanya. Nagtaka siya bakit wala siyang naramdaman, nakarinig siya ng tili at singhap kaya mabilis niyang idinilat ang kanyang mata. Agad na nanlaki ang mata niya nang mapagsino ang taong nasa kanyang harapan. Ikinulong siya nito sa pamamagitan ng paglagay ng kamay sa wall. Corner na corner siya nito at para bang walang balak na patakasin siya kung sakali na maisipan niyang tumakbo. Iniharang niya ang dalawang kamay para hindi magdikit ang kanilang katawan. "Bakit hinahayaan mo na saktan ka nila?"  tanong nito sa kanya na nagpakabog ng puso niya na sobrang bilis. "Ayoko lang malaman ni Mama na.."  agad niyang pinutol ang sasabihin.  "May masakit ba sa'yo?"  biglang tanong niya. Kung wala siyang naramdaman at walang tumama sa kanya. Alam niya na ang dahilan kung bakit?  Nasisiguro niyang si Seiji ang tinamaan ng mga kamatis. Lilingon sana siya sa kanyang kanan nang pigilan siya ni Seiji. Hinawakan siya nito sa kanyang baba gamit ang kaliwa nitong kamay. Para siyang nakuryerte at nanlambot sa ginawa nito pero pinilit niyang mapakalma ang sarili. "Bakit hindi mo tinawag ang pangalan ko?"  pag-iiba nito. Napalabi siya dahil kakaiba ang tono ng boses nito. Para bang nag-aalala ito sa kanya pero imposibleng mangyari iyon. Bakit naman ito mag-aalala sa kanya? Sila ba? "Eh, kasi di ba ayaw mo na tinatawag ang pangalan mo?"  sagot niya nang maalala ang tanong nito. Bakit ba tinatanong pa sa kanya kung bakit hindi niya ito tinawag? Naguluhan siya sa kinilos nito, lalo na ang pagprotekta nito sa kanya. "I'm your boyfriend, kaya responsibilidad kitang alagaan at protektahan."  sagot nito na ikinagulat niya. "Boyfriend? Ikaw? Sino naman nagsabi sa'yo?"  sunod-sunod niyang tanong. "Pamilya mo."  simpleng sagot nito. Para siyang natutunaw sa mga tingin nito, nanlalambot pa siya dahil nakahawak pa rin ito sa baba niya. "Akala lang nila iyon pero hindi naman kita boyfriend. Ni hindi ko nga alam kung kailan kita naging boyfriend."  sarkastiko niyang tugon. Gusto niyang matawa dahil sa sineryoso nito ang mga sinabi ng parents niya. Porket pinagkamalan lang itong boyfriend niya ay papanindigan na nito? Hindi naman sa choosy siya pero wala pa nga nangyaring ligawan tapos may boyfriend agad siya? Tiningnan lang siya nito. Nagulat siya sa sumunod na ginawa nito na nagpahinto ng mundo niya. Pati yata t***k ng puso niya at paghinga niya ay huminto na rin. Nanlalaki man ang mga mata niya ay nagkusa itong sumara. Damang-dama niya ang malambot at mainit nitong labi. Ganito ba ang pakiramdam ng first kiss? Parang sasabog na ang puso niya na hindi niya maintindihan. Napasinghap siya nang gumalaw ang labi nito at sakupin pa ang labi niya. Sa sobrang pagka-curious niya kung totoo na matamis ang first kiss ay tumugon siya sa bawat paggalaw nito. Para siyang nasa langit nang sandaling iyon. Para bang sa kanila lang dalawa umiikot ang mundo. Ang tamis ng labi niya. May nilalagay ba si Seiji sa labi niya?  tanong niya habang dinadama at nilalasap ang halik nito. Parang namanhid yata ang labi niya matapos ang makapigil-hiningang first kiss niya. Parang nawalan siya ng hininga dahil kay Seiji. "Simula ngayon boyfriend mo na ako at akin ka lang."  mariin na sabi nito habang namumungay ang dalawa nitong mata. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanila lalo na sa sinabi nito. Mas lalong hindi siya makapaniwala sa isinigaw nito. "Subukan ninyo lang saktan ang girlfriend ko, ako ang unang tatapos sa buhay ninyo!"  pagbabanta nito matapos harapin ang Crazy Chicks. Nasa likod siya ni Seiji habang pinagbabantaan nito ang mga nambu-bully sa kanya. Napahawak siya sa kanyang labi habang nakatingin sa likod nitong  namantsahan ng kamatis. Mabuti na lang naka-vest ito ng black kaya hindi masyadong visible ang mantsa pero kitang-kita ang mga buto at balat ng kamatis na dumikit sa tela. Boyfriend ko si Seiji? Seriously? Parang mas lalo siyang naging lutang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD