† CHAPTER 06 †

2056 Words
HINAWAKAN na ni Merisa ang kanang kamay ni Seiji gamit ang kaliwa niyang kamay. Sinamantala niya ang pagkatulala ng Crazy Chicks at ng mga tao sa paligid para makaalis na sa lugar na iyon. "Saan ka pupunta?"  tanong ni Seiji habang nakasunod lang ito sa kanya. Kahit na nanlalambot ang kanyang dalawang tuhod dahil sa nakakakuryenteng kamay nito. Pinilit niya pa rin ang sarili na makapaglakad pa rin. Kumakain ba ng kable ng kuryente si Seiji?  tanong niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit nakukuryente siya tuwing hahawakan niya ito o tuwing mahahawakan siya nito. "Uuwi na."  sagot niya na napapalabi. Hindi niya maintindihan kung bakit ramdam pa rin niya ang labi nito sa kanyang labi. Napailing siya. Naisip niya na baka ganoon lang talaga kapag first kiss mo. Binilisan na niya ang lakad papunta sa car park. Dahil kung magtatagal pa silang dalawa sigurado na dudumugin si Seiji. Kitang-kita ng dalawa niyang mata ang pagkinang ng mga mata kanina ng lahat ng babae. Habang ito ay nagbabanta sa Crazy Chicks. Bakit ba kasi saksakan ng guwapo itong lalaki na ito? At paano niya ako nakilala samantalang naka-disguise nga ako? Grabe! hindi lang pala ito kakaiba, may special power din siguro ito? Pero imposible, sa mga movies at libro lang mayroon ganoon.  sabi niya sa sarili hanggang sa makarating sila sa car park. "Miss Risa."  gulat na bati sa kanya ng kanyang personal driver na agad na binuksan ang backseat. Mabuti nalang nakatayo ito sa gilid ng sasakyan habang may binabasang newspaper. "Uuwi na ako Kuya Edmon,"  sabi niya bago itinulak si Seiji papasok ng sasakyan.  "Pasok na para makapag-shower ka at makapagpalit ng damit."  sabi niya habang pinipilit itong pumasok sa loob. Pero parang ayaw nitong sumakay. "Hindi ka papasok?"  tanong nito sa kanya na mukhang nag-aalala. Nagsalubong pa ang dalawang kilay nito. Natulala siya nang makita iyon at para sa kanya ang cute nito. Pero isinantabi niya ang mga bagay na naiisip niya baka kung saan pa mapunta. Simula nang makilala niya ito ay naging active na ang imagination niya. Kulang nalang maging writer siya para isulat ang mga eksena o tagpo na tumatakbo sa isip niya. "Hindi na. Mas importante ka kaysa sa class ko. Baka magkasakit ka pa o ano, dahil sa pagprotekta mo sa akin."  tugon niya na nag-iwas nang tingin. Para siyang hinahatak papalapit dito kapag tinititigan niya ang mga mata nito. Parang may magnet ang mga mata nito. Dahil tuwing titingnan niya ang mga mata nito. May kung anong energy na humahatak sa kanya papalapit dito. May pagkakataon na parang nalulunod siya sa mga tingin nito. Kakaiba talaga ang mata na mayroon ito. Parang may iba pang kayang gawin ang mga mata nito na hindi niya alam kung ano. "Sige." Napatingin siya kay Seiji nang marinig itong magsalita. Nanlaki ang mata niya nang makita itong nakaupo na sa backseat. Bigla siyang naguluhan sa nangyari. Kanina lang ay ayaw pa nitong pumasok sa loob ng sasakyan. Tapos sandali lang siyang nalingat ng iwasan niya ito ng tingin, ngayon makikita niyang nasa loob na agad ito? Ano bang nangyari? Naguluhan siya sa inasta nito. "Pasok ka na at umupo ka na rito."  nakangiting sabi sa kanya ni Seiji na tinapik-tapik pa ang puwesto na uupuan niya. "Oh, okay."  naitugon niya na pumasok na sa loob. Pero hindi siya tumabi rito dahil may five inches pang agwat. Napahawak siya sa kanyang dibdib gamit ang kanang kamay sa bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Ang lakas ng epekto nang ngiti nito sa kanya. Parang nilipad na papunta sa malayo ang kanyang katinuan. Para bang may mga bituin kanina sa paligid nito habang nakangiti ito sa kanya. Napatingin siya sa pinto ng kanyang sasakyan matapos itong isarado ng kanyang personal driver. Sinundan niya ito nang tingin hanggang sa makapasok at makaupo na ito sa driver seat. "May problema ba?" Napalingon siya sa nagsalita. Napaisod siya palayo rito dahil sa sobrang lapit nito sa kanya. Halos tumama na sa kanyang mukha ang mainit at amoy mint nitong hininga. Mas lalong bumilis ang nagwawalang kabog ng puso niya. "May masakit ba diyan?"  tanong nito sa kanya na humawak sa kanyang dibdib. Umakyat ang dugo niya papunta sa kanyang mukha nang maramdaman ang kaliwang palad nito na nakapatong sa kanyang kamay na nakahawak sa dibdib niya. Hindi niya alam kung mina-maniac na ba siya nito o hindi nito sinasadya ang ginawa. "Wa-wala."  mabilis niyang sagot na nautal pa dahil sa kamay nitong nakapatong sa kamay niya. Hinawakan niya ang kamay nito gamit ang kanyang dalawang palad para ilayo ito sa kanyang dibdib. "Bakit?"  nagtatakang tanong nito na parang hindi alam na may ginawa itong hindi tama. Hindi niya alam kung inosente ba ito at hindi sinasadya ang ginawang paghawak. O numi-ninja moves lang ito na nauuso ngayon na kanya-kanyang diskarte para ma-score-an si crush o kahit sino. Nilingon niya ang kanyang driver na abalang nagmamaneho. Parang wala itong pakialam sa kanila dahil nakatutok lang ito sa daan. Nakahinga na siya ng maluwag kahit paano dahil hindi nito nakita ang ginawa ni Seiji sa kanya. Binalik niya na ang tingin sa katabi at ngumiti siya kahit pilit lang. "Mag-seat belt ka muna."  sabi niya na ipinaisod pa ito. Siya na ang naglagay ng seat belt habang pinagmamasdan siya nito. "Bakit ang pula ng mukha mo? May sakit ka ba?"  tanong nito kaya napaangat siya nang tingin habang hawak ang seat belt na natapos niya ng i-lock. "Ah, eh, ano."  wala siyang maisip na sabihin lalo na't ang lapit ng mukha nito sa kanya. Kaunti na lang ay mauulit ang nangyari sa kanila kanina. Naramdaman niya ang dalawang palad nito na humaplos sa magkabilang pisngi niya. Nanlaki ang mata niya sa sobrang pagkagulat sa ginawa nito. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito sa kanya. Napabitaw siya sa seat belt nang makaramdam ng sobrang panghihina ng katawan. Parang lahat ng energy niya sa katawan ay na drain dahil sa kamay na iyon. Tinanggal nito ang suot niyang nerdy glasses. "Hindi ka naman mainit at tama lang ang init ng katawan mo para sa isang mortal."  sabi nito matapos idikit ang noo nito sa kanyang noo. Nanlaki lalo ang mata niya at halos maduling habang tinitingnan ito. Nakapikit ito kaya naman nakita niya na mahaba pala ang pilik mata nito. Napakagat labi siya nang bumaba ang tingin niya sa mapulang labi nito. Oh, Lord iiwas ninyo ako sa tukso. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Bakit sobrang dami ng nangyayari? Sino ba si Seiji bakit nagkakaganito ako? Sa crush ko lang naman nararamdaman ang ganito. Hindi kaya, crush ko na siya? Kahit apat na araw ko pa lang siya nakilala?  sobrang dami ng tanong sa kanyang isipan na gusto niyang mabigyan ng kasagutan. Nang makarating na sila sa bahay ay agad siyang pumasok sa loob at umakyat na sa hagdan. Naramdaman niyang nakasunod lang ito sa kanya kaya hindi na niya ito nilingon. "S-sa kuwarto na tayo n-ni Kuya Kin, para makapag-shower ka dahil k-kompleto sa gamit si Kuya."  nauutal niyang sabi nung nasa second floor na sila. Mabuti nalang may business trip ang Mama at Papa niya kaya walang mangungulit kay Seiji. Ang Kuya Markin naman niya ay naka-duty ngayon at mamayang gabi ang uwi kaya wala ring magtatanong dito. Pagpasok nila sa loob ng kuwarto ng Kuya Markin niya ay pinapasok niya na agad ito sa shower room. Pumunta na siya sa closet para maghanap ng damit na susuotin nito pamalit. Nagi-guilty siya at the same time ay nahihiya dahil nadamay pa ito sa pangbu-bully sa kanya. Nagdadalawang isip pa siya kung ano ang ibibigay niya dito na pamalit. Kung boxer short ba o brief pero dahil wala siyang mapili ay kinuha nalang niya pareho. Mabuti nalang maraming bagong bili ang Kuya Kin niya na damit panloob kaya 'di niya maipapagamit kay Seiji ang gamit na ng Kuya niya. Pagkatapos niyang makakuha ng isusuot nito ay pumunta na siya sa pinto ng shower room para katukin ito. Sasabihin niya na ilalapag niya lang sa kama ang damit na susuotin nito saka iiwan na. Para makapagpalit siya ng damit sa kanyang kuwarto. Dahil hindi naman siya papasok. Pero bago niya pa magawang katukin ang pinto ay biglang bumukas ito. Parang nalaglag ang panga niya mula second floor papunta sa first floor ng bahay. Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil nasa kanyang harapan ang topless na si Seiji. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya. Hindi niya inakala na maganda pala ang katawan nito. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking may perfect 8 packs abs at biceps. Tao pa ba ito o anak ng diyos? Parang ka edad niya lang ito pero ang katawan ay pang 25 years old. "May problema ka ba?"  nag-aalalang tanong nito na hindi niya namalayan na nasa harapan niya na. Masyado na siyang apektado sa presensiya nito. Hindi niya alam kung tama ba ang kutob niyang nagkaka-crush na siya kay Seiji. "Magpalit ka na. Damit ito ni Kuya."  mabilis na sabi niya na agad na iniharap dito ang damit na isusuot nito. "Napapansin ko na iba ang kinikilos mo tuwing nakatingin ka sa akin,"  sabi nito na agad na tinawid ang distansyang pumapagitan sa kanila.  "Natatakot ka ba sa akin?"  tanong nito. Napayakap si Merisa sa hawak na damit na hindi nito kinuha dahil sa lapit nito sa kanya. Tumingin siya sa mga mata nito dahil triple na ang pagkakasala niya, kung mananatili siyang nakatingin sa abs at biceps nito. Para siyang natutuksong hawakan ito kaya mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa damit. Dahil kung hindi niya ito gagawin ay magkakasala talaga siya ng husto. "Ba-bakit na-naman a-ako mata-matakot?"  nagkanda-utal-utal niyang sagot na halos patanong na. "Natatakot ka nga,"  parang nalungkot ito na hindi niya maintindihan. "Hindi ako natatakot."  pag-amin niya.  "Nadi-distract ako dahil naka-topless ka. Babae ako Seiji kaya hindi ako sanay na makakita ng lalaking naka-topless. Si Kuya Kin ni minsan hindi ko nakitang nag-topless. Kahit nga sa pagligo at paglangoy namin sa dagat ay nakasuot pa si Kuya ng black t-shirt."  pag-amin niya na nakatingin sa noo nito. Hindi niya kayang tingnan ang mga mata nito dahil mauutal na naman siya. "Kung ganoon hindi ka natatakot sa akin kahit na isa akong bampira?"  tanong nito na parang natuwa kaya napatingin siya sa buong mukha nito. Nakangiti ito habang naniningkit ang dalawang mata. Kakaibang Seiji ang nakikita niya ngayon kahit nagkukulay dugo ang mata nito. "Kahit bampira ka pa o ano man, bakit ako matatakot kung napakabait mo sa akin?"  tanong niya habang nakatingin sa mga mata nito. "Bampira pa rin ako na nauuhaw sa dugo lalo na sa dugo ninyong mga mortal,"  sagot nito na nag-iwas ng tingin sa kanya. Napahanga siya sa ganda ng jaw line nito. Wala na talaga siyang masasabi pa at wala siyang malalait dito. Kung ipapa-describe sa kanya si Seiji ay isa lang ang masasabi niya. Guwapo, puwede na nga itong mag-audition sa Mr. Pogi, nasisiguro niyang ito ang mananalo dahil sa napakaguwapo nitong mukha at malakas na karisma. Itinaas niya ang kaliwang kamay at hinawakan ang kanang pisngi nito. Pinihit niya ito para tingnan siya nito. Halata sa mukha nito ang pagkagulat sa ginawa niya. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi nito ang pagiging bampira sa kanya. Dahil ba sa pangil nito? Ano naman ang masama sa pangil nito? Ngipin pa rin naman iyon, ah. Matatakot siguro siya kung mala sungay ito o 'yung katulad sa elephant. Pero sa kaso nito na sinalo na ang pagiging perpekto nung magsabog ng kaguwapuhan at kakisigan ng Diyos na mala adonis ang pangangatawan. Walang dahilan para matakot siya lalo na't pinagtanggol siya nito kanina. Pinisil niya ang pisngi nito at pinasadahan ang jaw line gamit ang hinlalaki. Nagulat ito sa ginawa niya kaya napauwang ang bibig nito. "Bampira ka man o kahit uhaw ka sa dugo. Ikaw pa rin si Seiji,"  nakangiti niyang sabi. Magsasalita na sana siya ulit para dugtungan ang sasabihin nang magsalita ito. "Na boyfriend mo Merisa Rose Lee Llorca." Nagulat siya nang sabihin nito ang buo niyang pangalan. Hindi niya matandaan na nasabi niya ang kanyang fullname kay Seiji. Merisa Llorca lang ang tanging pakilala niya. Magtatanong na sana siya nang hapitin siya nito at niyakap ng mahigpit. Nanlambot siya dahil sa topless pa rin ito, lalo siyang nanlambot nang maramdaman ang paghalik nito sa buhok niya. Why so sweet Seiji?  tanong niya sa kanyang isipan. "Because I'm yours and you are mine from the time I kissed you. I owned you and everything in you are only mine."  sabi nito na ikinasinghap niya lalo nung humihigpit na ang yakap nito. Naririnig mo ang inner voice ko? Naririnig mo mga nasa isip ko?   tanong niya kay Seiji sa kanyang isipan. "Yeah, because I'm a vampire."  sagot nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD