Minsan, ang pinakamatinding kalaban ay hindi mga armadong kriminal, kundi ang sarili mong katahimikan. Ilang araw na mula nang makalabas ako sa ospital, at sa bawat umaga na ginugugol ko sa loob ng opisina, hawak lang ang mga papel at report, pakiramdam ko’y unti-unti akong kinakain ng pagkakulong dito sa Crame. Oo, nagpapagaling pa ako. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, lalo na kapag humihinga ako nang malalim o bigla akong kumilos. Pero higit pa sa sugat ang bumabagabag sa akin. Para bang tinanggalan ako ng pagkatao sa oras na sinabi nilang “light duty ka muna, Montoya.” Nakaupo ako sa mesa, habang pinagmamasdan ang ibang kasama kong dumadaan, naka-tactical uniform, dala ang kanilang gear. Handang sumabak. Samantalang ako? Nakapirme. Para bang ako’y naging anino lang ng sarili kong

