“Good riddance!” nangingiting bulong ni Errol nang mapag-isa na siya sa office room niya. Hindi niya malaman kung maiinis siya o matutuwa sa naging takbo ng usapan nila ni Dorcas. Pero mas lamang ang tuwa dahil umaayon sa mga plano niya ang mga nangyayari bagamat nababahala siya sa magiging resulta ng panghihiya niya sa dalaga. “I almost bought this entire university and spent millions just to be near you, Dorcas Vega. Kung noon ay nagagawa mong iwasan at pagtaguan ako, puwes, ngayon ay hindi na. Ikaw na mismo ang lalapit at magmamakaawa sa akin. I’m all out to use my money and power just to get you.” Napailing siya nang maalala kung gaano kailap sa kanya ang dalaga sa hindi niya malamang dahilan. Guwapo siya, mayaman at makapangyarihan sa kanilang lalawigan. L

