“Dorcas!” Dumagundong ang boses ni Rodante Vega nang makita siyang bumaba sa hagdan. Agad siya nitong sinugod. Nanginig ang buo niyang katawan. Alam niya kung paano magalit ang kanyang ama. Kahit si Daphne na paborito nito ay nagawa nitong saktan dahil sa eskandalong kinasangkutan kasama si Stefano, siya pa kaya? “Hayaan mo siyang magpaliwanag, Rudy.” Maagap na pumagitna si mommy Elaine ngunit itinulak ito ng kanyang ama. “Daddy…” nagmamakaawang sabi ni Dorcas. Ngunit parang walang narinig si Rodante. Umigkas ang kanang kamay nito upang padapuin sa kanyang pisngi. Napabiling siya sa lakas ng sampal. Agad pumatak ang luha niya. Hindi dahil sa sakit na dulot ng pagkakasampal kundi dahil sa kaalamang ang taong inaasahan niyang magtatanggol sa kanya ang tila kaunah

