First time ni Dorcas na makapasok sa opisina ng university president. Kahit mahigit dalawang taon na siya sa PSU, ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang maluwang at makabagong silid na ito nang pinakamataas at pinakamakapangyarihang personalidad sa loob ng napakalaking pamantasang ito. Malamig sa loob dahil sa bukas na air con, ngunit mainit ang pakiramdam niya at panaka-nakang ginigitian ng pawis sa noo. Isinisi niya ito sa hindi magandang pakiramdam ng katawan mula pa kaninang umaga. Ayaw niyang isipin na ninenerbiyos siya sa paghaharap nilang muli ni Errol Mondego. Totoong bago ang eskandalo sa kani-kanilang pamilya ay muntik na silang maging magkaibigan o ‘mag-kaibigan’ ng lalaki kung binigyan lamang niya ito ng pagkakataon. Ngunit d

