Chapter 59: The Disaster! Danger City Sa loob ng abandonadong gusali ay nakahiga sa kama ang walang malay na si Danilo. Sa gilid nito ay nakatayo ang isang binata na may puting buhok at mga mata, nakasuot ito ng itim na balabal at sa isang kamay niya ay ang itim na maskara na laging suot-suot ni Rika at Riki tuwing lumalabas sila. Tahimik ang paligid, kahit ang mga ingay na nagmumula sa labas ay hindi pumapasok sa gusali kahit na sira ang mga bintana nito na maaaring pasukan ng mga tunog. Sinusuri ni Albert ang katawan ni Danilo, pero ilang saglit pa ay napataas siya ng mga kilay nang may naramdaman siyang kakaiba rito na nakapukaw ng atensiyon niya. Marami na siyang kaalaman sa lugar na ito, mayroon na rin siyang mga kaalaman sa labas ng Kaharian kaya masasabing malawak na ang kaalama

