Chapter 3

2363 Words
Chapter 3: Trouble? Nang makita ni Zac ang mga mata ng matanda ay sigurado siya sa isang bagay, sigurado siyang hindi ito nagsisinungaling. 'Hindi kaya may alam siya sa katawan ko na hindi ko nalalaman?' Isip ni Zac at naalala ang mga bagay na kakaiba sa kaniyang katawan na hindi niya malaman kung bakit. Gaya ng pagkawala ng kaniyang puso, bakit pa rin siya nabubuhay ng walang puso? pero bigla niyang naramdaman ang pagtibok ng puso niya na nagpakaba sa kaniya ng matindi noong binuksan niya ang pinto ng bahay ng nagbabantay sa Phoenix na kasama ng matandang mag-asawa. Alam niya na malaki ang posibilidad na dahil ito sa undying body niya. Pero pakiramdam niya talaga ay hindi at iba ang dahilan kung bakit ganito ang katawan niya. Matapos isipin ang mga kakaibang bagay ay ibinalik niya ang tingin sa matanda. "Huh?" Nakayuko ngayon ang matanda at ang kaninang parang wala sa katinuang mukha niya ay naglaho. Napalitan ito ng malungkot na ekspresyon na tila nalulungkot siya ng labis dahil sa isang kasalanang kaniyang nagawa. 'Wala man lang akong magawa.' isip ng matanda habang ang mga mata ay talagang napakalunglot. Pero ang lungkot sa mga mata niya ay bumalik agad sa hibang na ekspresyon niya kagaya ng kanina. Tumingin siya kay Zac at nagwika ito, "Hehe. Hihintayin ko ang oras na magkikita ulit tayo." "Ano--" Napahinto ang binata ng makita niyang naging bato ang parte ng ulo ng baliw na matanda. Mabilis na kumalat ang pagiging bato sa buong katawan niya hanggang sa maging tuluyan na siyang parang estatwa. "Sino ka?" Tanong ni Zac sa sarili at lumapit sa batong matanda tiyaka hinawakan ang ulo nito. Pagkadikit ng mga daliri niya ay naging abo ang buong katawan nito at biglang naglaho. "Anong nangyari sa matanda?" Nang makita ng adventurer ang nangyari ay naguluhan ito. Pero dahil sa wala lang sa kaniya ang matanda at gulo lang ang mga naging dulot nito ay hindi niya na pinagtuunan pa ng pansin ang nangyari. Naging matiwasay ang kanilang biyahe nitong dalawang araw. Pero inatake sila ng limang rank 1 na bandido nang dumilim na ang paligid. Mahina ang limang bandido at wala silang maayos na mga technique kaya sa huli ay natalo rin sila ng mga adventurer kahit na lamang sila sa bilang. .... Nang makalabas na ng kagubatan ang karwahe at ilang kilometro nalang ang layo sa Greyoga ay bumaba na ang dalawa sa karwahe. Kailangan nilang dumaan sa loob ng isang mas malaki at delikadong kagubatan para mapabilis ng ilang araw ang paglalakbay patungong Danger City. Maaari rin naman silang dumaan sa mas ligtas na lugar ngunit lalayo sila ng ilang kilometro at kakailanganing dumaan muna sa ilang lungsod. Kahit na medyo delikado ang malaking kagubatan na ito ay mas pinili nilang dumaan dito dahil sa naghahabol sila sa oras. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Kaito. Kahit na ginamit ni Zac ang dugo ng kaniyang Undying body ay hindi pa rin ito nagkakamalay. Ang mga kutis din ni Kaito ay medyo umiitim at baka abutin nalang ng dalawa o tatlong linggo bago tuluyang mabalot ng itim na bagay ang buong katawan niya. Unang tingin palang ay mapapansin na hindi maganda ang pagkakaroon ng itim na bagay na ito sa kamay niya. Pwedeng ito pa ang ikamatay ni Kaito at ang misyon niya sa sistema ay maglalaho, 'pag nangyari iyon ay hindi na masasagot ang mga katanungan niya tungkol sa katauhan ni Kaito. "Shi, ibibigay ko sa'yo ang rank 5 na armor at espada na napanalunan ko sa kompetisyon." Wika ni Zac at kinuha ang armor at espada sa storage space niyang singsing. Kahit na galing ito sa mortal niyang kaaway ay hindi niya pa rin ito itinatapon dahil sa may silbi naman ito. Maaaring sa iba ay itapon nila ito dahil sa dignidad nila at galit, pero iba si Zac. "R-rank 5? Sigurado ka Master? Rank 5 na mga gamit ang ibibigay mo sa'kin?" Paninigurado ng bandido. Kahit na mas malakas ang Master niya sa rank 5 na nakatapat niya ay hindi siya umaasang ibibigay nito ang mga rank 5 na napanalunan niya sa kompetisyon dahil sa taas ng halaga nito. Kaya gulat na gulat siya ng alukin ito sa kaniya ng binata. "Oo. Ibibigay ko ito sa dalawang kondisyon." Sambit ni Zac. "Anong kondisyon Master? Kahit ano pa 'yan ay papayag ako!" Ganadong saad ni Shi. "Una, hindi ka makikipaglaban kahit kanino. Kahit na sila ang magsimula ng gulo ay hindi ka makikipaglaban sa kanila maliban nalang kung napunta sa alanganin ang buhay mo. Gagamitin mo lang ang mga ibibigay ko para protektahan si Kaito." Wika ni Zac at nagpatuloy, "Pangalawa, ako mismo ang tatapos sa'yo kapag hindi mo ulit nagampanan ng maayos ang trabaho mo." At binigyan niya ng malamig na tingin ang bandido. Nakuha ng mga Goodman ang phoenix na siguradong magiging malaking tulong sana para sa kaniyang Undying body na lalong lumakas kailan lang. "Masusunod Master! Ngayon, sisiguraduhin ko na hindi ako papalya sa trabaho ko." Determinadong wika ng bandido. Kita sa mga mata niya na sinsero ang mga sinasabi niya ngayon at galing ito sa kaniyang puso. Hindi kagaya noong una na sinabi niya lang ang mga iyon para bolahin ang kaniyang Master. "Mabuti naman. Magpalit kana. Tatakbo tayo papasok ng gubat para makarating agad sa Danger City ng mas maaga. Maghanda kana rin ng mga healing potion dahil hindi kita hihintayin kapag napagod ka at nagpahinga." Paalala ni Zac. Lumakad ang bandidong si Shi ilang metro ang layo sa binata at nagtago sa likod ng puno, doon ay hinubad niya ang lumang armor at pinalitan ito ng rank 5. Nang lumabas ang bandido ay suot niya na ang rank 5 na armor at sa tagiliran niya ay makikita ang isang rank 5 na espada. Siguradong marami ang matatakot agad kahit na aura lang ng armor at espada ni Shi ang mararamdaman nila. "Tara na." At biglang tumakbo ang binata gamit ang sapat na bilis na kakayaning sabayan ng mga rank 4. Energetiko ang bandido dahil sa natanggap na mga gamit. Kaya naman ganado siyang tumakbo at ginamitan ng mana ang paa para mas bumilis. .... Ang gubat ay hindi naman talaga ganoon kadelikado para sa dalawa. Kahit na may ilang rank 5 na halimaw ang mga naninirahan dito ay kakaunti pa rin ang bilang nila at halos imposible ang makasalubong nila ang mga ito lalo na at mabilis ang kanilang paglalakbay. Karamihan sa mga halimaw na nasa gubat ay mga rank 4 lang na agad namang natatakot dahil sa aura na inilalabas ng rank 5 na armor ni Shi. Makalipas ang halos walong oras ay tuluyan na silang nakalabas ng gubat. Ilang kilometro ang layo sa kanilang harapan ay makikita ang lungsod ng Danger City. "M-master. Baka pwede namang magpahinga na tayo tutal ay nasa paningin na natin ang Danger City." Hinihingal na pakiusap ni Shi habang nakahawak ang mga kamay sa tuhod. Sa loob din ng armoy niya ay tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga pawis, paano ba naman kasi ay pwinersa siya ni Zac na gamitin ang buong lakas niya sa pagtakbo kaya kailangan ay gamitin niya ang mana sa loob ng walong oras na iyon. Kung hindi dahil sa mga mana na natatanggap sa healing potion ay baka kanina pa siya napag-iwanan sa loob ng gubat. .... Ang Danger City ay tatlong beses na mas malaki sa lungsod ng Mira. Hindi kagaya ng ibang lungsod na nahahati sa ilang distrito ay isa lang ang distrito dito. Kahit na mga kriminal ay may mga binuo pa rin silang organisasyon o faction para may proteksyon sila sa kanilang mga sarili. Ang pagkitil sa buhay ng iba ay pinapayagan sa Danger City. Kaya naman mahirap ang mamuhay dito ng mag-isa lalo na kung mahina ang tao, kung iisiping maigi ay parang kagaya lang ito sa ibang lungsod kung saan kailangang sumali ng adventurer sa faction o maging outer Elder ng Clan para magkaroon ng proteksyon. Pero hindi. Malaki ang pagkakaiba nila. Ang mga faction dito ay hindi kagaya sa mga faction ng normal na lungsod, karamihan sa mga kriminal dito ay mataas ang dignidad at hindi gusto ang nililimitahan ng mga panuntunan sa faction. Kaya karamihan sa malalakas ay hindi sumasali, pero may ilan din naman na sumasali sa faction para matugunan ang pagkaganid nila. Hapon na kaya medyo malilim na ang paligid. Ang lungsod na ito ay walang mga daanan o kalsada na gawa sa semento. Puro lupang kalsada lang ang makikita dito dahil noong pinapatayuan ito ng ilang organisasyon para gumanda ang kapaligiran sa mga negosyo nila ay mabilis din itong nawawasak dahil sa madalas na mga labang nagaganap. Kaya wala na sa mga faction ang nagsasayang ng oras at materyal sa paggawa ng kalsada. Marami ang naglalakad na mga tao sa paligid. Karamihan sa kanila ay magkakasama sa grupo. Sa loob ng isang bar na gawa sa kahoy ay maraming lamesa ang gawa sa kahoy na walang mga nakaupo ang makikita. Pero apat sa mga lamesa ay hindi bakante at bawat isa sa mga lamesang iyon ay may tatlo o apat na magkakasamang tao na nagsasaya. Bumukas ang pintuan ng Bar at dalawang pigura ang iniluwa nito. Isa ay matangkad na may kutis na kagaya ng sa snow at ang nasa likod naman nito ay makikitang nakasuot ng armor mula paa hanggang ulo. Sa balikat nito ay makikita ang walang malay na binata. Napahinto sa pagi-inom ang mga nasa loob at napunta sa bagong dating ang mga atensiyon nila, lalo na sa bandidong nasa likod ni Zac. "Rank 5 na armor? At ang espada niya ay rank 5 din." Wika ng isa at makikita ang matamis na ngiti sa labi niya. "Oo nga! At mukhang baguhan pa sila. Ngayon ko lang sila nakita." Wika naman ng isa. Kagaya ng kasama ay makikita ang pagkaganid sa mukha niya. "Kailangan natin itong ibalita sa Leader." Tumayo ang isa at walang takot na lumakad ito palabas na agad sinundan ng mga kasama niya. Malakas ang pagbigkas niya kanina kaya kahit malayo sa kanila ang dalawa ay narinig nila ang sinabi nito. Kahit na hindi nila nararamdaman ang aura ni Zac na tandang mas malakas ito sa kanila ay hindi sila natakot dahil sa nasa likod nilang faction. 'Mukhang hindi maganda ang paggamit ni Shi sa armor. Akala ko ay matatakot sila at magdadalawang-isip kapag nakita nila ito, imbis na matakot ay lalo lang nitong naakit ang pagkaganid nila.' wika ni Zac. Akala niya dahil sa nakasuot ng rank 5 ang kasama niya na mukhang tauhan niya lang ay matatakot sila, pero hindi. "Puno talaga ng mga mangmang ang faction nila. Kung ang kasama nga lang ng bagong dating ay may rank 5 na armor at espada, gaano nalang kaya kalakas ang matangkad na iyon para pumunta dito ng walang gamit na proteksyon sa katawan?" Wika naman ng isang lalaki sa kabilang lamesa. Mahina lang ang pagkabigkas niya kaya hindi ito narinig ng mga tinawag niyang mangmang. 'Minalas lang pala kami dahil sila ang nakasalubong namin dito.' isip ni Zac ng marinig niya ang sinabi ng isang lalaki sa kabilang lamesa. Kahit na mahina ito ay rinig na rinig niya ang binitawan nitong salita. Bawat angat ng rank niya ay mas lalong lumalakas ang pandama, pang-amoy, pangdinig at paningin niya. 'Saglit lang din naman kami dito. Sa oras na mapagaling ng sikat na doktor si Kaito at magawa ang mga kailangan ko ay lilisan na rin kami.' Ngayong araw palang sila dumating sa Danger City at wala siyang balak na magtagal dito. Puro negosyo lang ng mga kriminal ang nakatayo dito, walang adventurer's guild at iba pang lehitimong tindahan na siguradong tunay ang mga tinitinda, kaya naman hindi maganda para sa kagaya niya ang manatili rito. Lumapit ang binata sa bartender at nagtanong ito. "Maaari ko bang malaman kung saan matatagpuan ang sikat na matandang manggagamot?" May mga nalaman pa si Zac na mga ordinaryong impormasyon tungkol sa Danger City kay Warden. Ang una niyang ipinunta rito ay ang makahanap ng isang tao para kumalap ng impormasyon, at ang pangalawa naman ay ang hanapin ang matandang manggagamot para pagalingin sa kakaibang sakit si Kaito. "Ginoo, sa lungsod na ito ay walang libre. Limang gintong barya para sa isang katanungan." Wika nito at inihaya ang palad sa harap ni Zac. Kumuha naman ng ginto ang binata sa kaniyang storage space at inabot ito sa bartender. "Medyo malayo ang lokasyon ng matandang manggagamot kaya ilalahad ko nalang sa isang papel ang daan patungo dito." Kumuha ng isang maliit na papel ang bartender at iginuhit dito ang daan patungo sa matandang manggagamot ng ilang minuto. Nang ibigay ng bartender ang papel ay agad lumabas ang dalawa sa bar. Paglabas nila ay makikita ang kumpol-kumpol na mga tao sa labas, kung bibilangin ay nasa dalawampo ang bilang nila. Kahit na rank 3 at rank 4 ang karamihan sa kanila ay may tatlo pa ring rank 5 sa unahan na mukhang mga pinuno nila. Kung ikukumpara ito sa Mira ay siguradong magiging pinaka malakas na faction o organisasyon ang grupo nila. Ang tatlo na mga rank 5 sa unahan ay mga walang buhok na may lion na tattoo sa ulo. Medyo magkakamukha sila pero ang isa ay mukhang mas matanda habang ang dalawa naman ay mukhang magka-edad. Bawat isa sa kanila ay nakangiti na tila nakatingin sila sa isang kayamanan at hindi tao. "Kaibigan, napakaganda naman ng armor ng kasama mo. Bakit hindi mo ito ipahi---" bago matapos ang sasabihin ay biglang nanlaki sa takot ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala na bigla nalang sumulpot sa harapan niya ang walang emosyong binata. "Huh?" Naguguluhang bulalas ng pakiramdam niya ay parang dumidilim ang kaniyang paningin ng walang dahilan. Para siyang nawalan ng kontrol sa katawan kaya hindi niya maibalanse ang sarili para hindi bumagsak. 'Bakit parang bumabagsak ang katawan ko at padilim ng padilim ang paningin ko?' naguguluhan siya at bago tuluyang masakop ng walang hanggang kadiliman ang paningin niya ay nakita niya ang kambal na rank 5 na biglang sumulpot sa tabi niya. Para bang sinalo nila ang katawan niya kaya naman kumalma siya ng kaunti ng malamang nasa tabi niya ang dalawang laging kaagapay. At tuluyan na nga siyang namatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD