Chapter 5: Mortal Defying Sect!
Tahimik ang lahat sa mga naririnig. Kahit na rank 5 si Leyo ay wala siyang koneksyon sa Capital kaya wala siyang alam sa mga makakapangyarihang organisasyon doon. Ang alam niya lang ay malakas ang Royal clan at mga Noble.
"Ang Mortal Defying Sect. Dalawang daang taon na ang nakalipas simula ng maitayo ang Sect na ito. Binuo ito para maprotektahan ang iba na hindi kabilang sa mga Noble faction at Royal clan. Masiyadong delikado sa Capital kaya kahit kabilang ka sa malaking faction ay hindi ka pa rin magiging ligtas dahil sa mga noble." Paliwanag ng matandang babae.
"Kahit ang kilalang Hari ng lungsod na ito ay miyembro ng Mortal Defying Sect, isa siya sa mga Elder. Kahit na marami ang kriminal sa Sect na iyon ay mas marami pa rin sa kanila ang mga biktima lang ng makakapangyarihang tao na naging dahilan kung bakit sila napilitang gumawa ng masama at tumakas."
"Dahil sa tindi ng pagtutunggali na nagaganap sa pagitan ng Noble faction at Royal clan ay wala silang oras na nailaan para sa Mortal Defying Sect hanggang sa lumaki ito ng hindi nila namamalayan."
"Ang mga balita sa lungsod na nagsasabi sa kasaysayan na pinatay ng Royal clan ang mga Noble na parang manok ay isang malaking kasinungalingan para manipulahin at takutin ang mga nasa ordinaryong lungsod na huwag lumaban sa Royal clan. Pero kahit gayon ay totoong ang Hari ang pinakamalakas sa buong Miraven Kingdom, kung wala ang Hari ay baka matagal nang nakuha ng Noble Faction ang trono."
"Royal Clan, Noble Faction, at Mortal Defying Sect?" Ang Royal clan ay inaasahan na niya pero ang dalawa ay hindi. Lalo na ang sect kaya hindi mapigilang magulat ng binata.
"Tama. Sa taglay mong potential ay posible kang maging Elder ng Sect sa hinaharap kagaya ng kinikilalang Hari dito sa Danger City. Sa oras na maging Elder ka ay magkakaroon ka ng mas malakas na proteksyon sa Sect at hindi ka basta-basta nalang pwedeng galawin ng Noble faction kahit na magpunta kapa sa Capital." Paliwanag ng matanda.
"Elder ng Mortal Defying Sect ang Hari ng Danger City?" Tanong ni Zac para masigurong tama ang narinig niya. Tumango naman ang matandang manggagamot bilang tugon.
"Kaya nga hindi ginagalaw ng mga royalty at noble ang Danger City dahil sa pagiging Elder niya sa Mortal Defying Sect." Paliwanag ng matanda at nalaman na nga ang totoong dahilan kung bakit hindi ginagalaw ng Hari ang danger city kahit na puno ito ng mga kriminal. Kung kahit ang Hari ng Miraven Kingdom ay napipilitang huwag gumalaw, gaano kaya talaga kalakas ang namumuno sa Mortal Defying Sect?
Kahit nga ang matandang manggagamot sa harapan niya ay mukhang ordinaryong matanda lang. Wala siyang nararamdaman na aura ng mana dito para tukuyin kung gaano kalakas ang matanda.
"Isa ka ring Elder ng Mortal Defying Sect?" Tanong niya sa matanda. Masiyado itong maraming alam na impormasyon kaya siguradong hindi ordinaryo ang matanda.
"Tama, Isa rin ako sa mga Elder ng Mortal Defying Sect. Nandito ako para tumulong na dumepensa sa oras na may gulong mangyari sa buong kaharian. Dahil kapag may digmaang naganap, dito muna sa Danger City unang dadaan ang mga kalaban bago sila tuluyang makarating sa Mortal Defying Sect. Pero sa nakikita ko ay imposible naman ang magkaroon ng digmaan sa pagitan ng tatlo."
"Maraming salamat sa mga impormasyon. Maaari ko bang malaman kung paano ako makakapasok sa Mortal Defying sect?" Kung makakapasok ang binata at magiging kagaya ng matanda na maging Elder ay magkakaroon siya ng proteksyon laban sa mga Goodman. Malaki ang maitutulong nito sa kaniyang pagpapalakas hanggang sa magkaroon ng sapat na lakas para makapaghiganti.
"Mukhang magkakaroon ng problema ang isa mong kasamang nakasuot ng armor. Ang istriktong patakaran para makapasok ay dapat rank 5 ang bawat sasali para maging Outer Disciple. Kailangan din na may tatlo pataas na compatible sa mga elemento ang katawan mo." Kinabahan bigla ang bandidong si Shi ng marinig ito.
Kapag nagkahiwalay sila ng kaniyang Master ay mawawalan siya ng proteksyon laban sa mga taong nagpadala sa butler para kuhanin sa kaniya ang Phoenix. Lalo na at nilabanan niya pa sila gamit ang buong lakas, siguradong galit din sa kaniya ang mga Goodman. Kapag naiwan naman siya dito sa Danger City ay magiging ligtas nga siya sa mga Goodman pero sa mga kriminal na nandito ay hindi.
"Ano palang balita sa kalagayan ng kaibigan ko? Kaya niyo bang gamutin ang kalagayan niya?" Tanong niya sa matanda. Nang makuha niya ang binata ay hindi pa rin lumalabas ang misyon sa sistema na kailangan niyang tapusin para bumalik ang ala-ala ni Kaito. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring lumalabas at ang posibleng rason kung bakit ay ang kawalan nito ng malay.
"Kaya kong gamutin ang iyong kaibigan ngunit aabutin ito ng ilang taon. Dalawa hanggang apat na taon ang puwedeng itagal ng paggamot base sa kalkulasyon ko."
"Magkano naman ang babayaran para sa paggamot mo sa kaniya?" Tanong ni Zac at inihanda ang sarili sa posibleng malaking presyo.
"Sampong milyong gold coins. Kakailanganin ko ang mga mamahalin at rare na mga halaman para wasakin ang sumpa sa loob ng katawan niya. Siguradong aabutin ng limang milyon ang kakailanganin ko para sa mga gagamitin. Ang tatlong milyon naman ay bayad sa serbisyo ko at ang dalawang milyon ay bayad para sa proteksyon ng kaibigan mong naka-armor, kung magtutungo ka sa Mortal Defying Sect at iiwan siya. Pero kung hindi mo iiwan ang kasama mo ay walong milyon lang ang babayaran mo."
Halos umabot na sa sahig ang panga ni Leyo nang marinig niya ang presyo na hinihingi ng matandang manggagamot. Ilang beses na siyang nagpagamot dito pero ang presyo lang na pinapabayaran sa kaniya ay limampong libong ginto lang, kahit na malala ang kaniyang kalagayan ay hindi nagbabago ang presyo.
Pero pumasok din agad sa isipan niya ang kalagayan ni Kaito. Hindi nanggugulang ang matanda kahit na mahina pa ang kaniyang gagamutin na pwedeng-pwede niyang gulangan o takutin. Kaya naman malala lang talaga siguro ang kalagayan ni Kaito na umabot ng limang milyong gold coins ang kakailanganin para lang sa mga gamot na kakailanganin.
"Walong daang libong gold coins lang ang mayroon ako ngayon. Pwede bang pagbalik ko nalang ang iba? At oo, nais ko sanang iwanan sa iyo ang aking kasama, kaya siguradong babalik ako rito para bawiin sila. Pagbalik ko ay sisiguruhin kong may sapat na akong pera." Pakiusap niya sa matanda.
"Naiintindihan ko. Pero bibigyan lang kita ng tatlo hanggang apat na taon. Kapag wala kapa ay wawasakin ko ang mga mana core ng kasama mo at itatapon sila palabas, alam mo naman kung gaano kadelikado dito sa Danger City, 'di ba?" Mahinahong banta ng matandang manggagamot.
Tumango ang binata at nagpasalamat. "Maraming salamat!"
"Oo nga pala. Alam mo ba ang daan papuntang Mortal Defying sect? May mapa kabang dala?" Tanong ng matanda.
Naglabas ng mapa si Zac na nakuha kay Shi. Kinuha ito ng matanda at may iginuhit siya sa mapa gamit ang matalim niyang kuko.
"Sa lugar na ito ay makikita mo ang Mortal Defying sect. Hindi ito nakaukit sa mapa dahil sa hindi pwedeng malaman ng mga ordinaryong adventurer ang kanilang presensiya." Itinuro ng matanda ang parte ng mapa na binilugan niya. Malayo ito sa mga katabing lungsod at kailangan ngang dumaan muna dito ang mga tao kapag aatakihin nila ang Mortal Defying sect dahil sa likod ng makapal at malaking kagubatan nakatayo ang base ng sect.
Kung pipiliin nilang dumaan sa gubat para umatake ay magiging malaki ang kabayaran bago sila makakarating, kaya mas magandang sa Danger City nalang sila lumaban upang kahit may mga sakuna sa panig nila ay mababawasan din ang kapangyarihan na taglay ng kalaban, kesa sa sayangin nila ito sa mga halimaw na wala namang kinalaman sa giyera.
"Maraming salamat. Sa loob ng singsing na ito ay nakalagay ang walong daang libong gold coins." At ibinigay ni Zac ang kaniyang singsing na nakuha sa kapatid ni Leyo. Nang makita niya ang singsing ng kapatid ay mapait na ngiti ang umukit sa labi niya.
"Kung ganoon ay sisimulan ko na agad ang paglikap ng mga gamot na kakailanganin." Wika ng matanda at hinatid na palabas ang grupo nila Zac. Pero si Shi ay nanatili sa loob ng bahay para may magbabantay kay Kaito.
Paglabas nila ay huminto sa tapat ng bahay ang dalawa at pinauna na ang matandang manggagamot. Nang mawala na sa paningin nila ang matanda ay biglang nabalot ng makapal na barrier ang limang metro sa paligid nila.
"Ngayon, sabihin mo ang mga nalalaman mo tungkol sa lugar na napagkuhanan ninyo ng rank 6 healing potion." Paninimula ni Zac. Kalmado lang ang tono ng pananalita niya pero sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng takot si Leyo. Takot na nakatanim na sa puso niya kaya kahit anong gawin ni Zac ay ikakabahala niya ang mga ito.
"Ang totoo ay hindi rin namin alam kung ano ang lugar na iyon. Pero ang sigurado kami ay may mga kayamanan doon na siguradong pagkakaguluhan ng lahat. Kaya hindi namin ito sinabi kay Kuya Leyoro dahil baka lamunin siya nang pagkaganid at ito pa ang maging dahilan ng pagbagsak namin." Ani ni Leyo.
"May kakaibang lengwahe na nakaukit doon sa kuweba. Kahit anong hanap namin sa mga silid aklatan ng iba't ibang lungsod ay wala kaming nakitang mga libro na katulad ng mga letrang nakaukit sa pader. Pero sigurado ako na posibleng Trial ng rank 6 pataas ang naroon." Wika ni Leo habang nakayuko. Dapat ay para sa kanila ang Trial na sinasabi nila pero dahil hindi sapat ang lakas nila ay plinano nilang balikan ito kapag sapat na ang lakas nilang dalawa. Pero ngayon ay kailangan niyang ibigay mismo sa taong pumatay sa mga kapatid niya ang mga kayamanan na pwedeng makuha sa trial.
Ngunit alam niya na wala siyang karapatang magreklamo. Namatay ang mga kapatid niya dahil mahina sila, kung mas mahina sa kanila si Zac ay ganoon din naman ang gagawin nila, papatayin nila ang binata kahit na ibigay pa nila ang armor ni Shi para mabura ang potensiyal na puwedeng magdala ng problema sa kanila sa hinaharap.
"Trial?" Naguguluhang tanong ni Zac.
"Tama, trial?" Nang makita ni Leyo ang naguguluhang ekspresyon ni Zac ay napahinto siya at nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Makikita rin sa mga mata niya ang paghanga.
"Hindi mo alam ang trial?" Tanong niya kay Zac.
Umiling si Zac bilang tugon. Nang makita ito ni Leyo ay parang mababaliw siya. Kung walang alam sa trial ang binata ay ibig sabihin lang na hindi siya galing sa malaking pamilya, maaaring galing siya sa maliliit na lungsod na walang alam sa mga nangyayari sa kaharian. Kahit wala silang masiyadong alam sa capital ay may mga nalalaman pa rin naman silang hindi alam ng mga naninirahan sa mga ordinaryong lungsod.
'Pero paano niya natamo ang taglay na lakas kung hindi siya lumaki sa makapangyarihang pamilya?'
"Ang trial ay mga pagsubok na ginagawa ng mga rank 6 pataas kapag malapit na silang mamatay at siguradong hindi mapapataas ang rank nila para madagdagan ang lifespan. Karamihan sa mga gumagawa nito ay ang mga adventurer na walang kinabibilangang organisasyon. Naghahanap sila ng tagong lugar at kung sino ang nakatadhanang makakatuklas nun ay pwedeng sumubok na tapusin ang trial para sa kayamanan na itinabi ng mga adventurer. Pwedeng Pure mana pill o matataas na grado ng armas ang naroon, pwede ring mga libro na puno ng technique na alam nila. Kahit ano ay magiging malaking tulong para sa mga adventurer kaya naman marami sa mga adventurer ay naglalakbay para mag baka sakali na makatuklas ng isang Trial." Paliwanag ni Leyo sa binata.
Nang marinig ni Zac ang paliwanag ay napatango siya.
"Dalin mo ako sa trial na nakita niyo." Utos ni Zac.
"Ngayon na? Ang lengwahe na nakasulat ay kakaiba. Delikado ito at baka may mangyari lang na masama sa'tin. Mas maganda kung maghahanda muna tayo." Pamimilit niya kay Zac. Kahangalan ang pagbisita sa lugar na puno ng panganib lalo na at trial ito ng rank 6 o posibleng mas mataas pa na rank. Kapag sinubukan nilang puntahan ng walang paghahanda ang trial ay parang hinuhukay na mismo nila ang kanilang libingan. Kahit na ilang beses na nilang nilibot ang trial at may kaunting kaalaman na, marami pa ring panganib doon na hindi nila nalalaman.
Pero kahit ganoon ang reaksyon ay mapapansin sa ugaling pinakita ni Leyo na nabawasan ng kaunti ang takot sa puso niya nang makitang interesado ang binata, lalo na at ngayon niya lang natutunan ang tungkol sa mga trial.
Itinapat ni Zac ang palad niya sa mukha ni Leyo at dahan-dahan itong inilapit sa mukha niya para dakmain. "Sa tingin mo ay may karapatan kang tumanggi?"
Nakaramdam ng matinding presyur si Leyo na parang wawasak sa katawan niya.
'M-mamamatay ako.'
Biglang lumuhod si Leyo at malakas na humingi ng paumanhin. "Patawad! Pakiusap bigyan mo pa ako ng pagkakataon! Naging kampante ako masiyado. Hayaan mo lang akong mabuhay at gagawin ko ng walang alinlangan ang lahat ng sasabihin mo." Isinantabi na niya ang kaniyang natitirang dignidad at lumuhod sa harap ng ibang tao. Bagay na hinding-hindi gagawin ng mga rank 5 dahil mawawalan na ng respeto sa kanila ang iba.
"Sige. Lumakad kana."
Mabilis na tumayo si Leyo at lumakad ito sa unahan nang makitang nakahinto lang sa harap ang binata.
Padilim na ang paligid ng lumabas sila ng lungsod. Pumasok sila sa kagubatang dinaanan nila Zac na shortcut.
'Kailangang magtungo agad ako sa Mortal Defying Sect pagkatapos kong tignan ang trial na sinasabi ni Leyo.'
Hindi man ito pinapansin ni Zac noong una pero sa loob niya ay ramdam na ramdam niya ito. Tingin niya ay may panganib na unti-unting papalapit sa kaniya, mabuti nalang at nakahanap siya ng sagot sa Danger city.
Makalipas ang tatlumpong minutong paglalakad ay napunta sila sa harap ng isang makapal na mukhang ordinaryong puno na halos tatlong metro ang taas.
"Nandito na tayo." Wika ni Leyo.
Magtatanong na sana si Zac nang biglang hawakan ni Leyo ang puno. Tumagos ang kamay niya at lumingon sa binata.
"Papasok na ako." Wika nito at pumasok.
Nang maglaho sa harap ang lalaki ay sumunod agad si Zac sa kaniya. Alam ng binata na hindi nagsinungaling si Leyo at kapag nagdalawang isip pa siya ay magreresulta ito sa pagpasok niya ng matagal na maaaring gamitin ni Leyo para makapag tanim ng patibong para sa kaniya, kaya hindi magandang desisyon ang pagsasayang ng oras.
Nang pumasok ang binata ay napunta siya sa loob ng isang madilim na lugar. Biglang lumiwanag ang paligid ng may namuong apoy sa tabi niya kung saan nakatayo si Leyo. Makikita ang ilang parte ng pader, sahig at dingding na gawa sa bato, para silang nasa kuweba.
"Nandito ang mga kakaibang letra na nakaukit. Medyo marami sila at kung may matutuklasan ka ay mas magiging ligtas tayo." Suhestiyon ni Leyo sa binata. Ilang beses na silang naglibot dito at ang panganib ay nasa bawat paligid. Kaya isa lang ang nakuha nila dito ay dahil sa takot na pumasok pa sa ibang parte ng kuweba.
"Paano tayo makakalabas dito?" Bago magtungo sa sinasabing mga kakaibang letrang nakaukit ay tinanong muna niya si Leyo.
"Sasabihin ko lang ang daan palabas kapag maipapangako mong hindi mo ako papatayin." Determinadong sabi ni Leyo na tila kahit pagbantaan siya ni Zac ay hindi na ito magbabago. Tama lang ang desisyon niya, kapag sinabi niya kung paano makakalabas ay siguradong hindi na siya makakalabas dito ng buhay dahil malaking sikreto ang hawak niya at kapag ibinunyag niya ito sa iba ay magreresulta ito ng malaking problema para kay Zac.
Tumango ang binata at nakahinga ng maluwag si Leyo.
"Nandito ang mga salita na nakasulat sa kakaibang lengwahe." Lumakad sa unahan si Leyo hanggang mga tatlumpong metro.
Huminto siya at lumapit sa kanang pader at itinapat ang apoy na nasa kamay niya. Nang itapat niya ito sa apoy ay makikita ang mga salitang nakaukit sa pader at nang makita ito ni Zac ay nanginig ang buong katawan niya sa gulat.