Monica’s Point of View MALAPIT ng mag-alas siyete ng gabi nang makauwi kaming tatlo sa boarding house. Naging masaya ang dinner naming tatlo nina John at Chepai dahil maraming mga banat at jokes ang pinagbibitaw ng roommate kong ito kanina, na naging dahilan upang maging masaya ang gabing ito. Nasa tapat na kaming tatlo sa boarding house na tinutuluyan ko nang magpaalam na si Chepai sa aming dalawa ni John. Nauna na siya sa akin pumasok sa loob at tiningnan na lang namin siya na makapasok na, hanggang sa balingan ko na ng tingin si John na mukhang masaya naman. Biglang natahimik kaming dalawa nang magtama ang mga mata namin ng kababata ko. Nagpapakiramdaman lang kami. Hindi namin alam kung sino ang unang magsasalita. Pero dahil sa naiilang na ako, ako na mismo ’yong unang nagsalita. “P

