Chapter 26

2205 Words

Monica’s Point of View MAAYOS naman ang naging second day of school ko rito sa SJU. Medyo nahihiya pa ako sa mga kaklase ko kasi hindi naman ako ganoon ka-friendly noong nag-aaral pa ako sa high school. Saka naninibaguhan pa ako, lalo na sa pagsusulat kasi nga matagal din akong huminto sa pag-aaral. Lumipas ang isang linggo ay walang pinagbago sa daily routine ko bilang isang estudyante sa SJU. Tuwing umaga ay kasama ko si John dahil lagi kaming magkasabay umalis papuntang SJU at papauwi rin kapag wala na kaming klase. May pagkakataon na natatapos ang klase ko ng alas singko ng hapon, habang siya naman ay natatapos ang klase niya ng alas kwatro sa hapon. Kahit na sabihin ko sa kababata ko na ’wag na lang niya akong hintayin, mapilit pa rin niyang sinasabi sa akin na maghihintay raw siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD