Monica’s Point of View KINABUKASAN ay magkasabay ulit kami ni John na pumasok sa SJU. Alas sais pa lang ng umaga ay nasa labas na siya ng boarding house. Naghihintay siya sa akin. Saktong pagpatak ng alas-trenta ay bumaba na ako upang salubungin siya. Ang masayang mukha niya ang bumungad sa akin, sabay lahad ng kamay niya upang kunin ang dala-dala kong tote bag. Pero hindi ko iyon ibinigay kasi ayoko na lagi na lang siya ang nagdadala ng gamit ko. May sarili naman akong kamay. Ako na ang bahala magdala ng mga gamit ko. “Sesss! Wait for me!!!” Papalakad na sana kaming dalawa nang marinig ko ang sigaw ni Chepai habang nagtatakbo siya pababa ng hagdanan. Nang makalabas siya, hingal-hingal siyang lumapit sa akin. Basa pa ang buhok niya at kapansin-pansin na hindi pa siya nakakapag-ayos ng s

