Monica’s Point of View “IKAW?” nasabi ko na lang sa kanya nang matauhan ako sa kinatatayuan ko. Ang liit talaga ng mundo. Pati rito ay makikita ko siya, at ang nakakagulat pa ay siya pala ’yong manager ng juice bar na pinag-apply-an ko. Nakasuot si Kent ng long sleeve na itim na fit na fit sa kanyang katawan. Sobrang formal niyang nakaupo sa swivel chair niya habang nakatingin sa akin. At… oo na… mas dumagdag pa sa kaguwapuhan ng lalaking ito ang suot niya. Hindi na ako maglilihim pa. “Why are you surprise? Hindi ba nasabi ni Stephanie sa iyo na ako ang manager ng juice bar na ito?” tanong niya sa akin. Ito iyong kauna-unahang conversation naming dalawa. Lagi kaming nagkikita ng lalaking ito sa campus ng SJU. Nagtitinginan lang kaming dalawa pero hindi man lang kami nagkausap, lalo na r

