Chapter 17

2788 Words
Kent’s Point of View IT’S BEEN three days since I went to St. Joseph University to make sure na mae-enroll ako this coming semester. Next week na nga pala ang first day of school, sad to say for me. Ayoko mang bumalik sa university na iyon dahil marami akong naiwang memories kay Bianca roon, wala naman akong magagawa kasi pilit na pinapa-enroll ako ng ama ko. Nakapag-aral kasi ako roon ng 1st year ngunit natigil lang ako dahil nga sa nangyari noong nakaraang taon. My dad wanted me to stay focus in my studies this time. Kung noon ay malaya kong kinuha ang Computer Science na kurso, ngayon ay siya na ang pumili ng kursong kukuhain ko. Business Management, a boring one for me. ’Yon daw ang kailangan kong tapusin na kurso dahil sa akin daw nakasalalay ang business ng pamilya kapag mawawala na siya sa mundong ’to. Sounds corny, right? And worst, pagpapaaralin pa raw niya ako sa ibang bansa for Master’s degree in Business. At kapag natapos ko iyon, doon na niya ako papahawakan ng isang kumpanya na pinapatakbo niya ngayon. Ito na yata ang magiging kapalaran ng buhay ko. I feel like I was in a cage. No freedom, no happiness. I have no idea on how to escape from the reality. Hinihiling ko na lang talaga na sana maging patatas na lang ako. Talking about the marriage contract, wala pa rin akong ideya kung sino ang babaeng ipapakasal sa akin ng ama ko. Hindi ko pa rin tanggap ang desisyon nilang iyon. Namumuot ang galit ko sa kanila kapag naaalala ko ang marriage contract na iyan. Kung dumating man ang araw na makikilala ko na ang babaeng ipapakasal sa akin ng ama ko, wala akong magagawa kundi tanggapin ang kapalaran bilang anak ng isang Chinese business tycoon ng bansa. I have to become a loyal son as of now. Magna-nine o’ clock na ng umaga nang maisipan kong bumaba upang mag-almusal. Ginising ako ng kasambahay namin kaninang umaga pero hindi ako nakinig sa kanya dahil inaantok pa ako. Kaya hindi ko na naabutan pa sina Daddy at ’yong kabit niyang asawa na si Olivia na mag-almusal kanina. Naligo lang ako at nagsuot ng simpleng pangbahay na damit: isang blue plain t-shirt at maong na short na kulay gray. Pagbaba ko sa hagdanan, nadatnan ko ang step brother kong si Kenji na nagdo-drawing ng kung ano-ano sa malaking sala ng mansyon. Kasama naman nito ang personal yaya niya na si Manang Hilda. Nang makita niya ako na pababa, napangiti siya sa akin at saka siya napatayo sa pagkakaupo sa sahig. “Kuya Kent!” tawag niya pa sa akin habang nakabukas ang dalawang braso niya upang bigyan niya ako ng mahigpit na yakap. I was stood up on my ground when I felt his embrace. Hindi ko siya ginawaran ng yakap at poker face lang akong nakatingin sa maamo niyang mukha. Nakapamulsa rin ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng aking short. Naroon pa rin sa dibdib ko ang inis ko sa batang ito. Anak kasi siya ni Olivia. At anak din siya ng ama kong si Shan. In short, he is my little step brother. Wala akong ideya kung bakit kinasusuklaman ko itong batang ’to? Eh, wala naman siyang ginagawang masama sa akin. But I remember that his mother has. Kung ano’ng meron sa Olivia na iyon ay kinasusuklaman ko rin. Siguro iyon ang rason kung bakit ayaw ko sa batang ito. Napailing na lang ako at iniwasan ang tingin sa kanya. “Get of me,” mahina ko pang sabi kay Kenji at pilit na ngumiti siya sa akin bago niya binitawan ang pagkakayakap niya sa katawan ko. Alam niya kasing ayaw ko sa kanya kasi minsan ko na siyang sinigawan noong six years old pa siya na ayoko sa kanya. That was two years ago dahil eight years old na si Kenji ngayon. He cried at that time. Medyo naawa ako pero mas pinili ko pa rin ang galit ko sa kanya imbes na humingi ng sorry. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit parang ang bilis lang yata niya maka-move on dahil matapos ang araw na iyon, parang wala lang sa kanya ang nangyari. Papunta na sana ako ng kusina nang biglang humarang si Olivia sa dinadaanan ko. Kasama niya ang kanyang bodyguard na si Ruel, katabi naman nito si Robe na personal driver namin. Kasalukuyang nasa likuran sila ni Olivia. Simple pero magara ang kasuotan ni Olivia. May may lakad na naman yata siya. Saan na naman kaya ito magwawaldas ng pera? “Oh, gising ka na pala. Handa ka na ba?” tanong ni Olivia sa akin na ikinakunot naman ng noo ko. “Saan?” tanong ko. “Hindi ba sinabi ng ama mo sa iyo kanina?” “No.” Napabuntong-hininga siya at napairap. “Mukhang nakalimutan na naman yata ni Shan na sabihin sa iyo kanina,” dagdag pa niya. “Balak ko sanang isama ka sa juice bar. Still on renovation pa naman iyon pero gusto kong malaman ang magiging insight mo sa interior design kapag nakita mo ang actual setting. Plus, I need you to take the responsibility of this small business, sa utos na rin ng ama mo. Kapag malapit ng matapos ang renovation, ikaw ang i-in charge ko sa pagkuha ng mga tauhan. Okay lang ba sa iyo?” Kailangan pa bang tinatanong iyan? Malamang ang isasagot ko ay hindi. Pero kapag tumutol ako, malalagot naman ako sa ama ko. Kaya mabilis na lang din akong tumango ng ulo bilang pagsang-ayon sa gusto niya. “Okay. Salamat Kent. Alam ko na magiging successful ang pagpapatakbo mo ng negosyong ito. May mahalagang inaasikaso lang kasi ako.” Napansin ko ang pagpait ng mukha niya nang sabihin niya iyon. Pero kaagad naman niyang ibinalik sa dati ang hitsura. “’Di bale, parang training ground mo na rin ang juice bar, ’di ba?” Hindi ako nagsalita. Kuda siya ng kuda. Hindi ba siya naiingayan sa pinagsasalita niya? Muli siyang napabuntong-hininga at naramdaman ko na hinawakan niya ang kaliwa kong balikat. ’Di ko tuloy mapigilan na mapatingin sa kamay niyang iyon bago ko siya binalingan muli. “Kent, alam kong ayaw mo sa akin. Simula pa noong una na ipinakilala ka ng ama mo sa akin ay ramdam ko na kung gaano mo ako kinamumuhian. “Pero ayoko sana na manatili kang ganyan sa akin. Hindi rin kita pinipilit na mag-adjust. Kaya ginagawa ko ang lahat para maging mabuting ina sa iyo. Kahit pa na ayaw mo,” may hugot niyang tugon sa akin. Matagal bago ako nakapagsalita dahil pinag-iisipan ko pa ang sasabihin ko kay Olivia. As usual, walang nangyari sa sinabi niyang iyon sa akin. I still hate her no matter what at hindi na magbabago ang tingin ko sa kanya. I hate her being the second wife of my father. I hate her being the legal mistress of Shan. “This is the last chance that I will remind you again,” mahina kong tugon sa kanya. Kahit kalma ang pagkakasabi ko niyon, nararamdaman ko ang inis ko sa babaeng ito. Kaya ngayon, gusto kong sabihin ulit kay Olivia ang sinabi ko noon sa kanya. “Stop pretending yourself that you are concern with me. You are not my mother. You will never be. Understand?” Matapos kong sabihin iyon ay mabilis kong tinabig ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. Napailing ako at naglakad papuntang kusina. Hinding-hindi talaga magbabago ang pagtingin ko sa babaeng kabit na iyon dahil hindi niya deserve ang respeto ko. Manigas siya!   LULAN ng sasakyan matapos naming bisitahin ang juice bar, tahimik lang akong nakaupo sa likuran. Katabi ko naman doon si Olivia na busy kakaputak dahil may kausap ito sa cell phone. I don’t mind her either. Nakatingin lang ako sa bintana. Naputol lang ang atensyon ko roon ng biglang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone sa bulsa ng aking short. Kinuha ko ito saglit at tiningnan. Galing kay Sheila ang unang text message na nakita ko sa phone screen. Maikli lang iyon kaya hindi ko na binuksan pa. “Busy ka mamaya?” she texted. Sunod na nagreply naman ako sa text ni Sheila. “Nope. Why?” Matapos kong magreply, binuksan ko naman ’yong sunod na text message. It came from Dave, Sheila’s first degree cousin dahil ang father nito at ang mother ni Sheila na namatay na ay magkapatid. Classmate at kaibigan ko siya noong high school. Ang tagal na rin pala na wala na akong connection sa mga kaibigan kong mga lalaki. “Bro, you there? Sheila told me na dumating ka na raw sa Pilipinas. Is this true?” Hindi ako nagdalawang-isip na magreply. It’s been a long time since I had a conversation with Dave, lalong-lalo na si Larry na hindi ko alam kung ano na ang balita sa lalaking ’yon. “Yes, Bro. I’m here.” Wala pang isang minuto ay nakatanggap na ako ng reply galing kay Dave. “God! I’m so glad to have a convo with you again, Bro. Matagal na rin. Ano? Kelan tayo magha-hang out ulit?” Hindi ko pa siya nare-replayan ay dumating naman ang reply ni Sheila sa text ko sa kanya. “Can I ask you a favor?” she asked in the text. “Ano ’yon?” I replied back to her. At nakatanggap na naman ako ng reply galing sa kanya. “Practice tayo ng taekwondo mamaya. Sunduin kita sa inyo mamayang five sa hapon. Go ka?” Naputol lang ang pagmo-moment ko roon nang marinig kong nagsalita si Olivia sa tabi ko. Inutusan niya kasi si Robe na magpunta sa public market dahil may bibilhin daw ito. “Why?” naguguluhan ko namang tanong kay Olivia kaya napatingin siya sa akin. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong naman niya. “Why do you need to buy some stuff in the public market? Puwede naman sa mall.” “Doon na lang tayo sa public market dahil mas makakamura tayo roon compare sa mall. Saka matagal na rin ako na hindi nakakapunta sa matataong lugar. Nami-miss ko lang kung saan ako nanggaling noon.” Napairap ako sa sinabi niya. Ayan na naman siya. Baka magkwento na naman ang babaeng ito ng buhay niya noon. Hindi ako interesado kaya mabilis kong binaling ang sarili sa hawak kong cell phone upang ipagpatuloy ang pagre-reply sa mga text nina Dave at Sheila sa akin. Una kong ni-replayan si Dave. “Don’t know. Maybe sometimes na lang kapag nagparamdam na si Larry.” Sisimulan ko na sanang replayan ang text ni Sheila ng bigla maputol iyon nang huminto ang sasakyan sa masikip at mataong lugar. Pagtingin ko sa bintana, nakita ko na nasa public market na pala kami. Nagsalita pa si Olivia sa akin. “Sama ka?” tanong niya. Mabilis naman akong sumagot. “No.” “But you have to. Para naman ma-experience mo ang pamimili rito sa public market.” “I said no,” walang tingin na sagot ko pa sa kanya habang nakatutok ang mata ko sa screen ng cell phone. “Okay,” nasabi na lamang ni Olivia sa akin at saka niya kinausap si Robe. “Robe, ikaw na bahala kay Kent. Ikaw na rin bahala kung saan mo ipaparada ang sasakyan. Sasamahan na lang ako ni Ruel mamalengke.” “Sige po, Ma’am Olivia. Ako na po ang bahala,” tugon naman ni Robe at saka lang kumilos si Ruel na nakaupo sa front seat upang maunang bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan pa niya si Olivia ng pinto. Nang makababa na silang dalawa, naiwan lang ako sa loob ng sasakyan kasama si Robe. Saka naman ito umandar upang maghanap ng parking lot na mapaparadahan ng sasakyan. Nakahanap naman si Robe hindi kalayuan sa binabaan nina Olivia at Ruel. Binaba ko ang cell phone at tiningnan ang mataong lugar na iyon. I just remember the day when Bianca introduced me to this place. May binili siyang prutas noon at balak niyang bumili rito kaysa sa mall. She said na marami raw na murang prutas sa public market kumpara sa mall. Natatawaran pa raw kaya gusto niya talaga rito bumili. Sinamahan ko lang siya. Nakikita ko naman kung gaano kasaya si Bianca na nakikipag-usap sa mga tindera. Napaka-sociable at friendly niyang tao kaya masaya ako kung ano ang ginagawa niya. But one day, nabiktima si Bianca ng hold up. Mabuti na lang at mabilis kong nahabol ang holdaper na iyon at naupakan kaagad. Magmula no’n, hindi ko na siya pinabalik sa lugar na ito. Sobrang delikado. Ayoko na may nangyayaring masama sa kanya. Naisip ko tuloy bigla kung paano ma-hold up din si Olivia sa lugar na ’to? Kaya ba ni Ruel na protektahan ang babaeng iyon? Mukhang hindi yata. Masyado talagang delikado na pumunta rito, lalo na’t kitang-kita sa pustura ni Olivia na pangmayaman ang kasuotan nito. Kaya mabilis akong kumilos para sundan si Olivia. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang magsalita si Robe dahilan upang ikahinto ko. “Sir Kent, saan po kayo pupunta?” “Susundan ko si Olivia,” sagot ko saka ako bumaba. Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Robe. Mabilis akong naglakad papasok sa palengke upang hanapin sina Olivia at Ruel. Hindi ko namalayan na sinusundan din pala ako ni Robe. Sa pag-iikot ko sa palengke, hindi ko na pala namamalayan na nawawala na pala ako. Napahinto ako sa paglalakad at nagpalinga-linga sa paligid. Nasa bilihan ako ng mga isda kaya naaamoy ko ang lansa ng bawat isdang tinitinda ng mga tindera roon. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang alalahanin kung saan ako galing. Pero hindi ko maalala kung saan nga ba. Muli akong naglakad hanggang sa makalabas ako sa bilihan ng mga isda. Nandoon ako malapit sa tindihan ng mga prutas. Maraming tao at marami na ring nakatingin sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi naliligaw na ako. Dapat pala hindi na ako umalis ng sasakyan. Ilang segundo rin akong nakatayo sa lugar na iyon. Maya-maya, naramdaman kong may humawak sa balikat ko mula sa aking likuran. Pagtingin ko, nakita ko si Robe. “Sir Kent,” tawag pa niya sa akin na puno ng pag-alala. At saktong pagsabi niyang iyon, biglang nagkaroon ng kaguluhan sa lugar na iyon. Hindi tuloy ako nakapagsalita sa kanya. Naririnig ko ang pagsigaw ng mga tao na hulihin daw ang holdaper na nagnakaw ng bag. Nakita ko na maraming kalalakihan ang nagtangkang humarang sa dinaraanan ng holdaper na iyon hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Pero wala ni isa ang nagtagumpay dahil tinutulak naman ito ng holdaper kapag humaharang sila. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang papalapit na holdaper sa akin. Kalmang nakatayo lang ako roon hanggang sa nakita ko na humarang na rin si Robe upang pigilan din ang holdaper na iyon sa pagtakbo. Bigo siyang mangyari iyon dahil tumilapon siya sa nagkukumpulang mga sibuyas at kamatis nang malakas na itulak siya ng holdaper. Nang papalapit na sa akin ang suspect, nananatiling kalma ang pagkakatayo ko roon. May naisip akong paraan upang mapigilan siya. Humanda ako. Humanap ako ng tiyempo upang gawin ang gusto kong mangyari. Nakalapit na sa akin ang holdaper pero hinayaan ko siyang makadaan sa gilid ko. Saktong pagdaan niya sa gilid ko, doon ko ginawa ang ninanais ko—’yon ay ang sipain at harangin siya gamit ang paa ko. Mabilis akong umikot para masipa ko ng malakas ang holdaper. Sakto dahil nagawa ko iyon ng maayos. Hindi ko pa rin talaga nakakalimutan ang mga lessons ko sa taekwondo. Still, I am good at it. Tumilapon ang holdaper sa mga baskets na puno ng mga prutas at gulay. Nagsilapitan ang mga kalalakihan sa kanya upang bigyan ng sandamakmak na bugbog. Lumapit na rin ako roon at kinuha ang bag na hinoldap ng lalaki. Napalingon ako sa likuran ko nang may magsalita na babae. “Salamat. Salamat po, Kuya, sa ginawa niyo po,” sabi na lamang sa akin no’ng babae na naiiyak na sa nangyari. “Is this yours?” tanong ko na lang sa kanya sabay pakita sa kanya ng bag na hawak ko. Matagal bago siya nakasagot sa tanong ko dahil napatitig siya sa akin. “O-Opo, Kuya. Sa akin po iyan. Salamat po ulit.” Binigay ko naman sa kanya ang bag pagkatapos. Nanginginig pa ’yong mga kamay niya nang abutin niya ang bag na hawak ko. Bago ko siya iwanan, nag-iwan lang ako ng salita para sa babaeng iyon. “Don’t let yourself be involved again. Wala ako palagi para tulungan ka.” Kaagad na akong naglakad papaalis sa lugar na iyon. Sumunod naman sa akin si Robe na siyang nagbigay ng direksyon pabalik ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD