ES8: Berserk

1336 Words
Ang pobreng si Kuya Charlie ay pawisan na lumabas ng kwarto ni Sir Errol. Narinig ko pa kanina mula sa nakaawang na pinto ng kwarto ang pag-asik ng boses ni Sir. Napaismid ako at tumirik ang mata ko sa inis. Hayan na naman ang masungit na si Sir Errol! reklamo ko sa aking isipan. Pumasok ako sa kanyang silid at nanlaki ang mga mata niya. “Sir, huwag naman ninyong inaaway ang mga tauhan ninyo! Paano kung layasan kayo ng mga iyan?” Kumunot talaga ang noo ko at ipinakita sa kanya ang disgusto sa uri ng pagtrato niya sa mga tapat na tauhan. “Tauhan ka lang dito! And you don't have any right to say anything against me!” Dumagundong ang buong-buo na boses ni Sir. At dahil bahagyang nakaawang ang pinto ay malaman maririnig iyon sa buong kabahayan. Bakas sa mukha ni Sir Errol ang galit sa sinabi ko. Pero, nagpatuloy ako sa gusto kong sabihin. “Mayaman ka nga Sir, masama naman ang ugali mo! Isipin mo nga, kung hindi sa mga tauhan mo, ninyo, hindi naman lalago ang negosyo ninyo! Kaya hinay-hinay naman sa paninigaw sa tauhan ninyo. Kamag-anak mo pa man din si Kuya Charlie!” Hindi na talaga ako nagpigil sa gusto kong sabihin. Kung sisisantehin ako ni Sir Errol, aba hindi ako takot! Maraming kliyente ang maghahabol sa serbisyo ko! Padabog akong umalis sa silid niya. Bahala ka nga constipated na amo! Nagmamaktol pa rin ako at inayos ang mga gamit ko. Kailangan ihanda ko ang mga gamit ko. Mamaya palayasin na pala ako, dapat handa ako na parang girlscout. “Hindi ako manghihinayang sa iyo Sir Kahit alam ko na masarap ang jumbo hotdog na nasa pagitan ng hita mo na kailangan i-resurrect. Kung ganyan ang ugali mo, I kennat.” Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang ang mga kamay ko ay abalang nagsisilid nag mga gamit sa aking bag. “Akala mo talaga, ikaw lang ang pwede maging amo! Tse! Marami akong kliyente. Mga galante, mababait, at higit sa lahat hindi constipated!” “Iha, pwede ba tayong mag-usap?” Si Ma'am Rosemarie pala ang nasa hamba ng pinto. Pumasok siya sa aking silid at naupo sa kama. “Please Kristine. Don't leave.” Hinawakan ni Ma'am Rosemarie ang aking kamay at parang hinaplos ang aking puso. “Ikaw na lang ang huli kong baraha. At least tulungan mo siyang gumaling. Gusto kong mahawakan ang apo ko sa kanya. How am I supposed to achieve that kung aalis ka?” Kinunsensya pa talaga ako ni Ma'am. “Ma’am, naghahanda lang ako. Nag-attitude kasi ako kay Sir Errol. Kung palayasin niya ako at least isang bitbit na lang.” Dinaan ko na lang sa biro para hindi na tuluyan na umiyak si Ma'am Rosemarie. Hindi niya deserve ang umiyak dahil sa masungit niyang anak! “Talaga Kristine? Akala ko talaga iiwanan mo na kami. Nag-aalala na ako sa anak ko. Kahit masungit siya, siguro frustrated lang talaga siya na lumalala pa alalo ang sakit niya. Kung sana ay magpaopera na siya para mapanatag na talaga ako.” Napailing si Ma'am sa pag-aalala sa damulag niyang anak. Naku talaga1 May mga anak talagang matigas ang ulo. Maswerte nga si Sir at may ina pa rin siya. Samantalang ako? Wala ng mga magulang. Tanging si Lolo na lang ang tanging gumagabay sa akin. “Hindi ako aalis Ma'am. Para sa inyo, pagtyatyagaan ko na pakisamahan si Sir Errol hanggang sa gumaling siya.” Naku talaga Sir, kung hindi lang talaga kita crush, nunca ako magtyatyaga sa iyo! sigaw ng utak ko. Niyakap ako ng mahigpit ni Ma'am Rosemarie. Gumanti ako sa kanyang yakap. Pakiramdam ko ay kayakap ko ang nanay ko. Pinigil ko ang aking sarili na maiyak. Ang swerte ni Sir Errol, kung siya pinapangarap na sana ay buhay ang mga magulang ay palulugdan niya ang mga ito. Samantalang ang kurimaw na amo ay binibigyan ng sama ng loob ang ina. Hangad lang naman ng bawat ina ang ikakabuti ng mga anak. Pero bakit natitiis nila ang kanilang mga magulang. Kung mabibigyan man siya ng pagkakataon na magkaroon ng maraming kayamanan na kayang bilhin lahat, bibilhin niya ang buhay ng mga magulang. Pero, alam niyang mananatiling pangarap na lang iyon. Nang gabing iyon, hindi bumaba si Sir sa komedor para kumain. Hinatiran lang siya ni Aling Luding ng pagkain sa kwarto at malungkot si Ma'am na naghapunan. Susubo na sana ako ng pagkain ng nakarinig ako ng kalansing ng mga nabasag na mga kagamitan. Awtomatiko akong tumayo at tumakbo paakyat sa hagdanan. Naroon si Aling Luding at baka siya naman ang pinagdiskitahan ni Sir Errol. Naku! Subukan mo lang na pagalitana ang pobreng matanda, makakatikim ka talaga sa akin! Hingal ako na pumasok sa silid ni Sir at tama ang hinala ko. Mukhang nakarinig ng insulto si Aling Luding kay Sir. Tulalang nakatayo ang matanda at sa paanan nito ay ang basag na mga pinggan at mga pagkain na nagkalat sa sahig. Nanliit ang mata ko sa sobrang galit. Mahigpit kong hinawakan si aling Luding na ngayon ay mahinang humihikbi na. Iginiya ko siya palabas ng silid. Nang makalabas na siya, ni-lock ko ang pintuan atsaka hinarap si Sir Errol na namumula. Mukhang mahina ang pagkakasabi niya ng mga insulto sa matanda, pero alam kong tagos iyon sa puso. Dahil kung hindi, paanong nataranta ito at nabasag ang mga kagamitan. “Mukhang malapit ka na bumingo Sir ah! Kanina si Kuya Charlie, ngayon si Aling Luding. At sino ang susunod si Ma'am Rosemarie? Mygod, they don't deserve to be treated like a trash. Ikaw lang ang may problema tapos lahat ng tao, idadamay mo?” Napailing ako at tiningnan lamang siya na nasa kama niya. Halata sa kilos nito na hirap itong tumayo. Kung hindi ba naman kasi matigas ang ulo. May madaling paraan, gusto pa talagang pahirapan ang sarili. “Empleyado ka lang pero pakialamera ka! I want you out of my room, now!” Nanggagalaiti na si Sir Errol, halata iyon dahil ang kanyang mga ugat sa leeg ay kitang-kita ko na bumakat. Namumula siya at ang mga mata niya ay parang gusto niya akong lamunin ng buong-buo. “Aalis ako pero may sasabihin ako Sir! But pa iyong ulo ninyo sa taas matigas, kumusta naman ang ulo ninyo sa baba?” Humalakhak ako bago dali-daling lumabas sa kwarto ni Sir. Bago ko naisara ang pinto narinig ko ang sigaw niyang ‘b***h’ na dumagundong sa buong kwarto niya. Edi b***h na kung b***h! Paglabas ko, ang nag-aalalang mukha ni Ma'am ang nabungaran ko. Imbes na pumasok ito dapat sa kwarto ng anak niya. Inakay ko si Ma'am pababa para kuamin. “Ma’am hayaan n’yo muna na magtantrums na parang bata si Sir. Kapag napansin niya na balewala ang pagmamaktol niya, titigil din iyon at mag-iisip sa mali niyang ginawa. Kumain po kayo, huwag ninyong hayaan na magutom kayo. Malaki na si Sir Errol.” Malaki nga rin ang jumbo hotdog n’ya. Nais kong batukan ang sarili ko sa mga kahalayan na naiisip ko. Pero ang totoo, hinahanda ko na ang sarili ko na baka palayasin ni Sir. Natuwa namn ako na kahit papaano ay kumain si Ma'am ng hapunan. Si Aling Luding ay namataan kung sumisinghot-singhot pa rin. Ang kawawang matanda, nadamay pa sa kasungitan ng alaga niyang bakulaw! Nang matapos si Maam Rosemarie , matamlay siyang nagpaalam na mauuna na umakyat sa silid nito, Nagpaiwan ako sa komedor, at kahit ayaw ni Aling Luding ay tinulungan ko siyang maghugas ng pinggan. May sadya kasi ako sa kanya. “Aling Luding, kumusta naman ang alaga mo noong hindi pa naaksidente?” usisa ko sa kanya. “Mabait naman siya Kristine. Nag-umpisa lang talaga siyang naging bugnutin pagkatapos siyang maaksidente. Hindi naman sana malala iyon pero nang hiniwalayan siya ng nobya na si Gweneth, doon na nagsimula ang kanyang pagbabago. Palagi na siyang nagkukulong sa kwarto at bihira na pumasok sa trabaho.” Napagtanto ko, babae lang pala problema ni Sir!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD