ES9: Apologize

1430 Words
Nang lumabas na si Ma'am Rosemarie, kaagad ako naligo at nagbihis na ng pantulog. Kailangan ko maghanda at expected ko na tatawagin ako ng Sir Errol anytime. Sa tindi ng inis n’ya sa akin at sa thermal shock na pinagdaanan n’ya kanina malamang aatakehin ulit s’ya ng pulikat anytime. Mas nag ti-twitch kasi ang muscle ng tao lalo na kapag stress. Same kung strained ang muscles na nakapalibot sa mga mata, minsan ay involuntarily na gumagalaw ang mga muscle malapit sa mata. “Hmmp, ang sama ng ugali tingnan lang natin mamaya. Hindi ka rin makakatiis Sir! Mark my words!” Mga salitang binitiwan ko, kung maririnig ako ni Sir Errol wala akong pakialam. Hindi pa man natatapos ang aking mga pinagsasabi sa sarili ay tumunog nga ang intercom. “Speaking of the devil and I will come to the devil.” Tumirik ang mata ko sa inis pero duty calls. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Sir at naabutan ko kung paano siya namilipit sa sakit. Malinis na ang nagkalat na pagkain n’ya sa sahig pero may bakas pa rin ng mantsa ang carpet na binagsakan ng mga pagkain. Kaagad ko siyang nilapitan at tinagilid. Tinuwid ko ang kanyang mga paa at maingat na hinaplos ang kanyang namumulikat na muscles sa kanyang binti. Ilang minuto pa ay naging okay na ang pulikat. Sandali akong pumunta sa aking silid para kumuha ng liniement ko na may lavender essence. Mas mare-relax si Sir Errol sa ganoon. “Masakit pa po ba ang binti ninyo Sir?” tanong ko sa kanya. “Medyo okay na.” Parang nahihiya si Sir sa akin kaya naawa naman ako. “Una po Sir, gusto kong humingi ng tawad sa inyong kondisyon. Mali ang pagtawanan kayo. Sorry po at nainis lang ako. Pangalawa po, itong mga sintomas ninyo ay mas lalala kung hindi kayo makikinig sa Mama ninyo. Gusto lang naman n’ya na maging maayos kayo. Pangarap n’ya raw ang magkaapo ng marami sa inyo. Paano yan kung lupaypay ang jumbo hotdog ninyo?” seryosong saad ko kay Sir. Nanlaki ang ang mata ni Sir sa sinabi ko na huli. Pero, narinig na n’ya. “My what? Binobosohan mo ba ako Kristine?” Hindi naman galit ang nakita ko sa mukha ni Sir Errol kundi amusement at halatang pinipigilan lang na matawa s’ya sa akin. “Alangan naman Sir na maging kasinlaki ng saging na senyorita iyang sandata mo eh, Briton naman ang ama n’yo!” Nagdahilan na lang ako na nasa lahi pero syempre hindi ako namboso syempre. “Sir, magpaopera na lang kayo. Iyon talaga ang pinakasolusyon. Kasi habang pinapatagal ninyo ang operasyon mas malala ang damage at baka hindi n’yo na mapakinabangan ang gagamitin ninyo para gumawa ng apo para sa Mama ninyo, Sir.” Iyon ang sinabi ko kay Sir Errol, kinakabahan man, it's now or never. Nagulat ako na imbes mainis ay bumunghalit ng tawa si Sir. Nakitawa na rin ako para mawala ang kaba ko. “Kung sakali ba na magpaopera ako, ikaw ba ang mag-aasikaso sa akin sa hospital at habang nagpapagaling?” tanong ni Sir Errol sa akin. “Oo naman Sir! Para masulit ninyo ang sahod ko. Kahit saang lupalop kayo ng mundo magpaopera, sasamahan ko kayo. Syempre pa, sikretong malupit lang natin ito.” Feeling close na ako kay Sir. Maskin man lang mabalik ko ang kwela n’yang ugali at kawawa ang mga kasamahan dito sa bahay nila. “Mama and I will discuss the details. May passport ka na ba kung sakaling sa ibang bansa ko plano magpaopera?” tanong ni Sir Errol sa akin. “Wala pa Sir eh. Pero, pwede naman iyan lakarin kaagad kung desidido na kayong magpaopera.” Nginitian ko si Sir ng napakatamis. Please Sir! Sayang ang armas mo kung di magamit. Kagandang lahi mo pa naman, sabi ko sa aking sarili. “Okay, you can go back to your room now and rest. Tatawag na lang ako sa intercom kung kailangan kita.” Bumalik na ako sa aking kwarto and I feel so relieved. Whew! Muntik na talaga ako. Akala ko talaga masisisante na talaga ako sa nakakainsultong sinabi ko ukol sa p********i ni Sir Errol. Hindi naman pala talaga s’ya masungit. Binalikan ko ang aking mga gamit na sinilid ko sa aking bag. Ibinalik ko ang pagkasalansan ng mga iyon sa tokador. Napangiti ako at naghilamos muli sa banyo. Payapa ang aking isip na natulog ng gabing iyon. ******** Maaga akong nagising. Hindi pa man tumutunog ang alarm ko sa aking cellphone, bumangon na ako. Nag-inat ako at ginawa ang aking morning routine. Bumaba na ako at katulad ng nakagawian ko, uminom ako ng paborito kong coffee with cream. Abala si Manang Luding na naghahanda ng almusal. Kaya, naisipan ko na pumunta muna sa garden ni Ma'am. Na-enjoy akong tingnan ang mga koi fish na nasa mini pond. Mataman kong pinagmamasdan ang paligid. Napagtanto ko na nasa mas matataas nga na bahagi ang kinalalagyan ng bahay ng mga amo ko. Patunay ang layo ng agwat ng pamumuhay nila sa mga karaniwang tao. Hindi naman sila exaggerated kung sa gayak lang din ang pagbabasehan. Ninanamnam ko ang sarap ng lasa ng kape ko nang lumapit si Sir sa akin. Mas napansin ko na ang hirap n’ya sa paglalakad proof that he really has a problem. “Good morning Kristine. You will come with me to see my doctor today. And also after that, you have to fix your papers just in case I will be operated on somewhere else other than the Philippines.” Seryosong nakatingin sa akin si Sir Errol, as if assessing my reaction. “Wow, finaly Sir! Mapapanatag na ang Mama ninyo at matutupad na ang pangarap n’ya.” Halos mapunit ang labi ko sa laki ng aking ngiti. But, seriously I'm glad he finally made his decision. Sayang naman talaga ang lahi ni Sir Errol. Sige Sir , magpaopera ka na para may chance na akong makatikim ng jumbo hotdog na ’yan! Nais kong batukan ang sarili ko sa mga kalaswaan na naiisip ko. Bakit naman kasi ang gwapo n’ya eh. Normal na sa akin ang magkaroon ng mga gwapong kliyente. Pero, iba talaga ang dating ni Sir Errol sa akin. Siguro dahil snob s’ya sa akin? Na-challenge ako kung paano ko ba s’ya paamuhin. Magana kaming kumain ng almusal. Sa tingin ko naman ay okay na sina Sir Errol at Manang Luding. Mabait nga naman daw ang alaga n’ya ayon sa kanya. Siguro nga that time ay aburido lang si Sir. Binati ko si Kuya Charlie at okay naman ang kanyang approach kay Sir. Tahimik kaming nagbyahe papunta sa clinic kung saan magpapa-check up si Sir Errol. Syempre pa kasama ako sa consultation room. Mabait ang doktor na si Dr. Danny Estrella. Family Doctor na pala ng mga Reeves ito. “So Miss Acosta, tuwing kelan ba mas nagkakapulikat si Mr. Reeves?” tanong n’ya sa akin. “Kahapon po Doc, after n’ya sandaling pumunta sa cold storage doon sa fishport. Paglabas pa lang n’ya sa cold storage ay kaagad na sya nag ka cramps. Then, later that night after n’ya ma-stress sa akin kasi sinagot-sagot ko s’ya ng pabalang.” Napangiti si Dr. Estrella sa sinabi ko. Totoo naman kasi na naging salbahe ako kagabi at sinagot ko si Sir Errol ng pabalang. Tiningnan ko si Sir Errol at maging s’ya ay napangiti sa sinabi ko. Amnado naman ako sa kasalanan ko at humingi na ako ng tawad kaya okay na siguro na pag-usapan. “Well, stress can be a trigger for cramps. But, I have always advised him to undergo that surgery. That's why kakaiba ang lakad n’ya because of that pinched sciatic nerve. Halos kalahating taon ko na sinabi sa kanya and finally gagawin na n’ya.” Marami pang sinabi si Dr. Estrella sa amin pero, ang naintindihan ko lang ay Sir Errol needs to undergo a executive check up first para mas ma-assess ang kanyang overall health. Ayon sa kanya, alarming na ang frequent muscle cramps ni Sir Errol. Sinamahan ko si Sir Errol sa isang diagnostic laboratory where all of the necessary test were taken. Namamangha ang mga nakakasalubong namin na mga tao, lalo na ang mga kababaihan. Gwapo naman kasi si Sir Errol. All of his lab test went smoothly at nang lumabas na kami sa testing center ay nakita namin ang huling tao na inaasahan ko. “Gweneth.” mahinang usal ni Sir Errol. Kitang-kita ko kung paano lumambong ang kanyang mga mata. Siya ba ang ex girlfriend ni Sir na basta na lang nang-iwan sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD