ES7: Fishport

1301 Words
Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto ni Sir Errol. Siya ang amo eh at dakilang taga-pisil lang ako ng yummy n’yang katawan. Kaya, wala akong karapatang magreklamo. “What’s wrong with you? Ayaw mo ba na kinakantyawan kita?” tanong ni Sir sa akin. Ayaw ko pa rin siya kibuin kaya hinawakan niya ang mukha ko. Namilog ang mata ko sa ginawa niya at napangiwi ako kapagkuwan. Bakit kaya ayaw ako tantanan ni Sir? sigaw ng utak ko. “Hey! Stop doing that silent treatment towards me. Para ka tuloy si MIster Bean!” Muli ay humalakhak si Sir Errol na parang wala ng bukas. Parang gusto kong bugahan ng apoy si Sir Errol. Sa dami ng comparison si Mister Bean talaga ang binanggit! Nagngingitngit ako at tinikom ko na lang ang asawa aking bibig. Breath in, breath out, Kristine, amo mo iyan huwag mo na patulan sayang ang fifty thousand na sahod! iyon ang mga pakonswelo ko sa sarili. Baka kung pinatulan ko talaga itong si Sir ay umiyak! Sa bente minutos na biyahe ay hindi talaga ako umimik. Sabihin man ni Sir na may attitude ako, I don't care. Nang dumating kami sa Fish Port ay may sumalubong sa amin na tauhan ni Sir Errol. May ibinigay itong dalawang rubber boots. Protocol na kasi na dapat magsuot ng rubber boots ang sinuman na papasok sa lugar na iyon. Muling umandar ang sasakyan ni Sir para mas lumapit pa sa pinakapakay namin. “Wear these rubber boots. Huwag kang hihiwalay sa akin. I need you anytime as I am going near the cold storage. I usually have cramps whenever I go there,” sabi ni Sir. Ngayon na sinabi ni Sir Errol ang dahilan ng cramps niya, dapat nga makumbinse ko siya na magpaopera na. Baka nga talaga kasi maging permanente na ang maging damage ng pagkaipit ng ugat nito. Kahit ngayon na naglalakad kami dito sa fishport ay halata na hindi balanse ang pag-indayog balakang ni Sir. Sana lang talaga ay mabola ko siya at makumbinse. Kaya hindi ko siya pwedeng isnabin, kahit na tinutukso niya ako ay sige lang. Sumunod ako kay Sir Errol at may kinausap itong tauhan na nasa singkwenta na siguro ang edad. “Manong Kiko, si Kristine po. Palagi ko na siyang makakasama sa tuwing pupunta ako dito,” ani Sir. Tinanguhan ko si Manong Kiko at nginitian ko siya. “Let's go Kristine, I will show you around.” Naunang naglakad si Sir, pero halata nga talaga ang hindi balanse nitong lakad. Sumunod na ako sa kanya at ang mga tauhan na naroon ay nakatingin sa amin. May mga iilan na tinaas ang kamay tanda ng paggalang sa aming amo. Kumaway pabalik si Sir at ngumiti. Nakita ko kung paano natigilan ang mga tauhan. Namangha ako sa isang tila isang slide na may bloke bloke ng yelo patungo sa isang fishing boat. Ang ibang tauhan, abala sa pagbubuhat ng mga isdang sinlaki ng tao. Nakahilera sila na naghihintay sa kanilang schedule. Dumaan sila sa isang makitid na tulay na gawa sa tabla. Sa dulong bahagi naroon ang sinasabi ni Sir Errol na cold storage. Katabi lang noon ang processing plant at may ilan na rin nakaantay na reefer van na siyang magdadala ng mga choiced cuts na tuna. Ang mga scraps ay may bumibili rin sa kanilang wholesaler. Iyon yata ang paboritong bilhin ni Lolo at sasabawan lang. Sa mga canned exports sila Sir Errol talaga bumebenta ng bongga. Isa lang naman ang mga Reeves sa pamilya na nagmamay-ari ng pinakamalaking canning facility sa buong Gensan. Naaalala ko noon si Sir Errol na palaging nakikita sa mga lokal na newspaper dahil palagi itong kasama ng amang Briton na si Oliver Reeves. Kakalipat pa lang namin noon dito ay ang mga Reeves na ang namamayagpag sa canning industries. Sandaling pumasok si Sir Errol sa cold storage. May tiningnan lang siya doon sandali. Habang ako, nagkasya na lang na maghintay doon sa labas. Napakainit ng panahon para i-expose ko ang aking sarili sa extreme temperature. Minsan ito ang dahilan ng thermal shock, na masama sa mga taong may diperensya sa mga ugat. Mas malaki ang ang posibilidad na mas malaki ang pinsala na idudulot noon sa pasyente. Mukhang may narinig na magandang balita si Sir Errol dahil halos mapunit ang labi nito sa ngiti. Naglakad ito palabas sa cold storage palapit sa akin. Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Si Sir Errol ay namilipit sa sakit at natumba sa labas ng cold storage. kumaripas ako ng takbo patungo sa kanya dahil pabalik na sana ako sa sasakyan. Inalalayan siya ng checker doon na matayo pero halatang hindi kaya ng tauhan na itayo si Sir. Gusot na gusot ang mukha ni Sir. Ang kaninang malapad na ngiti ay wala na, halatang namimilipit ito sa sakit. Nilapitan ko siya at kaagad na hinubad ang sapatos niya. “What are you doing?” Kahit halos di maipinta ang mukha niya ay nakuha pa rin niyang magtanong sa akin. Hindi na ako sumagot at ginawa ko na lang ang dapat kong gawin. Diniinan ko siya sa bandang sakong at narinig ko ang mahinang paglagitik ng kanyang litid sa bandang gilid ng hita. Napahiyaw siya sa sakit ng binigyan ko ng diin ang bandang likod ng binti niya. Doon pa rin ang cramps niya. Halata iyon na tila nalukot at nanigas niyang kalamnan. Bahagya kong hinila ang kanyang paa ng paatras-abante at nang medyo lumuwag ang kanyang kalamnan tsaka ko pa iyon pinisil ng marahan. Ang mga tauhan ni Sir Errol ay tinayo siya matapos makita na nakaupo siya sa lapag. Matangkad at malaking tao si Sir kaya tatlo ang umakay dito. Nagpasya na siyang uuwi kami imbes na doon sana mananghalian. Saglit na lumapit si Manong Kiko at may ibinilin lang si Sir. Tumirik ang mata ko sa ginawa niya. Inatake na nga at lahat inuna pa ang magbilin sa tauhan kaysa umuwi. Hinugot ni Sir ang kanyang cellphone sa bulsa niya. May tinawagan ito at ilang sandali pa ay binaba niya kaagad ang tawag. “Kuya Charlie will fetch us.” Nakaupo na si Sir sa isang monobloc chair habang ako ay nakatayo pa rin. Tahimik lang ako at baka pagalitan pa niya ako kung tatanungin ko kaagad sa nararamdaman niya. Mukhang balik sa dati ang mood nitong parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakakunot ang noo nito at nakasara ang bibig. Kinse minutos lang dumating ang si Kuya Charlie. Malayong kamag-anak talaga siya ni Sir pero ayaw niyang umasa kina Ma’am kaya kinuha na lang nilang driver. “Pasensya ka na iho, mahirap din kasi makahanap ng masasakyan sa inyo,” paumanhin niya kay Sir. Inakay na niya si Sir dahil halos magsintangkad din sila. Nakasunod lang ako sa kanila at binabantayan na baka matalisod si Sir Errol. Binuksan ko ang pinto ng kotse at doon na sa front seat sumakay si Sir, katabi ni Kuya Charlie. Doon na ano sa backseat umupo at ilang sandali pa, lumarga na kami pauwi. Hindi naman ma-traffic kaya bente singko minutos lang nakarating na kami sa bahay nila. Sumalubong sa garahe pa lang si Ma'am Rosemarie. Pinagtulungan nina Kuya Charlie at ng guard na si Kuya Lito. Matatangkad naman silang tatlo kaya balanse lang ang pag-alalay nila kay Sir. Diretso sila sa kwarto ni Sir na kalapit lang ng kwarto ko. Ako na ang umalalay kay Sir Errol pero tumanggi siya. “No, please call Kuya Charlie, mas komportable ako sa kanya,” utos niya sa akin na nakasimangot. Heto na naman tayo, balik sa dating gawi! asar na sigaw ng utak ko. Tumulis ang nguso ko na lumabas ng kwarto ni Sir atsaka tinawag si Kuya Charlie. Naroon lang pala siya sa sala. “Kuya, panhik ka muna oh, may iuutos yata si Sir Errol.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD