Familia de Concepcion - 1/4

2213 Words
"Señorita, gising na! Rise and shine!" Nagising ako sa ingay ng isang babae. Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Esmeralda. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang unan dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa bintana. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog. "Uy Eliz!? Gising na!" sigaw ni Esme. Yinugyog pa niya ang braso ko. Bumangon naman akong naiinis sa kanya. "Ayaw ko pa! Gusto ko pa matulog please," saad ko sabay higa ulit. Pumikit na ako, pero hindi pa rin natigil si Esme sa pang-gigising sa akin. "Huy! Ano ba, parang hindi ka naman natutulog sa tamang oras niyan!?" saad pa niya. Nanatili lang akong nakapikit at pa-tulog na. "Kita mo pa 'yang mukha mo, dios ko! Ang laki ng eyebags mo 'te! 'Yung totoo, natulog ka ba talaga nang alas-ocho!?" panenermon niya. "Ano ba, pwede ba? Huwag mo muna ako guluhin. Gusto ko pa magpahinga, please.." pakiusap ko sa kanya saka nagtalukbong ng kumot. Narinig ko naman na bumuntong-hininga siya. "Oh sya, sige. Matulog ka na lang muna, gigisingin na lang kita kapag kakain at kailangan mo na uminom ng gamot, okay?" saad niya. Hindi na ako sumagot at natulog na lang. Ilang oras akong nakatulog nang mahimbing. Bigla akong bumangon nang makaramdam ng matinding lamig. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang nilalang na naka-itim. Nararamdaman ko pa rin 'yung lamig kaya binalot ko ang aking sarili gamit ang kumot. "Gumising ka na," utos niya. Tumaas ang isa kong kilay. At nilibot ang aking paligid. Sikat na sikat na ang araw. Sa tingin ko ay tanghaling tapat na. "B-ba't ka nandito?" saad ko nang mapansin siyang muli. "Dumaan lang ako. May susunduin pa kasi ako," casual niyang saad. Medyo natakot ako sa sinabi niyang iyon dahil ibig sabihin ay may mamamatay na naman? Tuluyan na akong bumangon at tumayo. Kahit papaano ay nakapagpahinga na rin, kahit pa bakas sa aking mata na puyat ako. Pagkatapos ng kanyang sinabi, napansin ko na lang nawala na siya na parang bula. Marahil ay umalis na ang nilalang na 'yun. At bago ko pa makalimutan nang tuluyan, isinulat ko na ang mga pangyayaring naganap tungkol sa kanya at sa nangyari kagabi. Pagkatapos kong isalaysay iyon, nag-ayos na ako ng sarili at napagpasyahang bumaba para kumain. Dumaan ako sa isang mahabang pasilyo pagkababa ko. Naligaw pa nga ako at agad na nakalimutan kung saan ang hapag-kainan. "Dito ang daan. Makakalimutin ka talaga," saad ng nilalang na naka-itim. Mabilis akong tumingin sa paligid at nakita ko siya sa aking tabi. Bigla-biglang nasulpot, masyadong nakakagitla ang presensya niya. "Ano ba? Bigla-bigla ka na lang nasulpot ah. Close na ba tayo? Parang kailan lang n'ong pilit mo pa akong iniiwasan," saad ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot na parang walang naririnig. Maya-maya ay napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din siya. Sinusundan ko kasi ang yapak niya, hindi ko rin alam kung bakit. Sabi kasi niya, alam daw niya ang daan eh. "Elizabeth," rinig kong tawag sa akin ng kung sino. Lumingon ako at nakita ko si Papá. "P-papá?" tangi kong saad. Para kasing ngayon ko lang siya ulit nakita. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Sa dining area po sana," tugon ko. "Why? Haven't you eaten earlier? At bakit wala kang kasama, nasaan si Esmeralda?" sunod-sunod niyang tanong. "Uh…" saad ko habang tinanaw kung nandito pa ba 'yung nilalang na naka-itim. Nakita ko naman siya na lumapit at tumabi sa akin. Mukhang gusto pang maki-usyoso sa pag-uusap namin ng aking ama. "Kakagising ko lang po Papá," paliwanag ko. Napansin ko naman ang katabi ko na naka-patong ang mga braso sa isa't-isa. "Si Esme naman, hindi ko po alam kung nasaan. Wala siya paggising ko, baka may ibang inaasikaso kasama si Manang Estelita?" tuloy ko. "Gan'on ba," mahina niyang saad. Naputol ang aming pag-uusap nang may kasambahay na lumapit kay Papá. "Sir, may tawag po kayo sa telepono sa inyong opisina. Mula sa munisipyo po," saad niya. Huminga nang malalim ang Papá, saka tumingin sa akin. "Kumain ka na, habang ako nama'y aalis na. Dadalawin na lang kita kapag natapos ko na ang mga gawain ko," sabi niya sa akin saka ako yinakap. Tipid lang akong ngumiti habang nakikita ko ang paglalakad nila palayo. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa hapag-kainan. "Kakain na po ba kayo?" tanong sa akin ng isang kasambahay. Tahimik akong tumango saka umupo. Napansin ko naman na nandito pa rin siya at nakasunod lang sa akin. "Oh, ba't nandito ka pa?" masungit kong tanong. Bigla kasi akong nawala sa mood. Hindi niya naman ako sinagot. Nakaupo lang din siya sa tapat ko. "Naiinis ka dahil wala nang oras ang ama mo para sa'yo?" bigla niyang saad. Napasinghap naman ako. "Ano ba? Ba't naman gan'yan ang sinasabi mo?" gulat kong saad saka napabaling-baling sa aking paligid. "Baka nakakalimutan mong ikaw lang ang nakakakita at nakakarinig sa akin," saad niya na parang nang-aasar pa yata. Napairap naman ako. Walang hiya, oo nga pala. Ako nga lang pala ang nakakakita sa nilalang na ito. "Ma'am? I-ito na po 'yung pagkain niyo," nahihiyang saad ng isang kasambahay. "Nakita ka niyang nagigitla. Tingin niya tuloy sa'yo ay nababaliw ka na," saad niya sa akin. Napatingin ako sa kasambahay. Nginitian ko siya. "Ah ate, 'yung nakita mo kanina… Wala 'yun, kasi may nakalimutan lang akong dalhin, naiwan ko kasi," paliwanag ko sa kanya. At sana maniwala na lang siya kahit pa sa tingin ko ay hindi dahil sa kalagayan ko. "G-gan'on po ba, ano po ba iyon? Gusto niyo po ba ipakuha sa akin?" saad niya. Mabilis akong umiling. "Hindi na, salamat na lang," ngiti kong saad sa kanya. Nagbow pa siya at mabilis na umalis. Sinamaan ko naman ng tingin ang nilalang na nasa tapat ko. Nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ako naiinis," pagbabalik ko sa aming usapan. Ngumisi siya, first time ko rin itong makita kaya natigilan pa ako sandali. Ang pag-ngisi niyang iyon, halatang purong sarkastiko. "Naiintindihan ko naman," mahina kong saad. Nagsimula na akong kumain, nakatingin lang ako sa pagkain. Hindi ko kasi maiwasan maging emosyonal, parang bumigat bigla ang atmosphere dito. "Maraming bagay lang na inaasikaso ang Papá," dagdag ko pa. Si Papá ang Mayor ng Las Espadas. Sobra siyang abala sa politika at mga negosyo niya. Karamihan sa mga iyon ay nandito sa hacienda. Ang Hacienda Concepcion ay matagal na, naipamana ito kay Papá. At mas lalo na itong lumalago, kaya mas naging busy pa siya ngayon. "Kita ko. Maraming alaala ang tumatakbo sa isip mo ngayon tungkol sa kanya," malalim niyang saad. Napatingin naman ako sa kanya. "Huwag mo ngang basahin ang isip ko!" saad ko. Nababagabag tuloy ako. Pero totoo naman, marami ngang alaala kasama si Papá ang aking naalala. Naalala ko no'ng mga bata pa kami ni Eleanor, palagi niya kaming sinasama sa pamamasyal sa buong hacienda at pati na rin sa opisina niya sa munisipyo. Paminsan-minsan ay itinuturo niya sa amin ang mga trabaho at gawain doon, kaya lumaki kaming may alam sa mga nangyayari dito sa hacienda. Siguro iyon na rin ang paraan ng Papá para maipamana niya sa amin ang mga gawain pagdating ng araw na kaya na namin. Dahil sa karangyaan, lahat ng luho namin ay nasusunod. Lahat ng gusto naming bilhin ay nabibili, lahat binibigay ni Papá para sa amin. Lahat binibigay niya, pantakip sa oras na dapat ay nilalaan niya para sa pamilya namin. Napangiti na lang ako nang mapait. Ngunit naiintindihan ko naman. Isa siyang Mayor at negosyante, tungkulin niyang magsilbi sa aming bayan at sa mga nasasakupan ng aming mga negosyo. Nagpatuloy ako sa pag-kain, hindi ako nagsasalita pero alam kong naririnig naman niya ang mga sinasambit ko. "Lahat pala ng gusto mo ay nasusunod, kung gan'on," saad niya. Tumingin ako sa kanya. Oo nga, pero kailangan din lahat ng gusto ni Papá ay masusunod din. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Bumuntong-hininga ako. "Hija, ngayong malapit ka nang maging legal, it's time to focus yourself with our businesses. Dahil ikaw din naman ang magmamana ng lahat," saad ni Papá. Kumunot ang aking noo. Nasa hapag-kainan ang lahat, kasama ang pamilya ni Emmanuel, ang mga Zamora. Third Anniversary na ng relasyon namin ni Emmanuel, at nagcecelebrate kami ngayon kasama ang aming pamilya. "What do you mean, Papá?" saad ko. "Well hija, napag-usapan na namin ito ng magulang mo. It's a tradition of our clans," sabat ni Tito Lorenzo, ang ama ni Emmanuel. Tumingin ako kay Emmanuel na wala man lang reaksyon. Hindi kaya alam na niya ang tungkol dito? Isa lang ang alam ko, hindi maganda ang kutob ko rito. "Ano po iyon, Tito?" curious na tanong ni Eleanor. "Marriage," kalmadong sagot ni Mamá. Mula sa pagkalito, napalitan ng reaksyon ko ang pagkagulat. K-kasal? "Seryoso po ba kayo?" mahina kong saad. Tiningnan ko ang mga tao na nandito, mukha naman silang seryoso. Tiningnan ko si Emmanuel na hindi man lang umalma. So, alam na pala niya ito? "Why do you think na magbibiro kami sa ganitong sitwasyon, dear? Haha!" saad ni Tita Rebecca, ang ina naman ni Emmanuel. Bumagsak ang balikat ko. "Tutal ilang taon na rin naman ang inyong relasyon, magiging legal ka na Elizabeth, at pagkatapos n'on ay maaari na kayong magpakasal," pahayag ni Papá. Napasinghap ako, at hindi makapaniwala. Para yata niya akong pinapamigay sa iba? "P-pero Papá, hindi po ba masyadong maaga para d'on? Masyado pa po kaming mga bata para magpakasal," pagkontra ko. Tumingin sa akin si Papá na parang napansin niya yatang hindi ako pumapayag sa gusto niya. "Ano naman? Nagmamahalan naman kayo. At kapag kasal na kayo, you can still do whatever you want nang kasama niyo na ang isa't-isa," tugon ni Papá, nakangiti pa sila. Nanatili akong tahimik sa buong oras ng pag-kain namin. Isang malaking gulo. Oo, dahil una sa lahat, hindi naman totoo ang relasyon namin ni Emmanuel. Kaibigan ko lang siya, at ang totoo niyang kasintahan ay si Esmeralda. Ngayon na may balak silang ipakasal kami, h-hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Para akong nakatali sa isang sitwasyong hindi ko na maaaring takasan pa. N'ong gabing iyon, kinausap ko si Papá. "Ayaw ko pong magpakasal," diretso kong sambit. Napatingin siya sa akin nang nagtataka. "Bakit naman?" taka niyang tanong. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "K-kasi, h-hindi pa po ako handa," tangi kong sagot. Kahit pa gustong-gusto ko nang sabihin na wala naman talagang namamagitan sa amin ni Emmanuel, ayaw kong masira ang relasyon nina Emmanuel at Esmeralda. Hindi pwedeng mabunyag iyon, baka kung anong mangyari kila Esmeralda. "What do you mean by that? Handa ka na. At kung iniisip mo ang buhay may asawa, huwag kang mag-alala, tutulungan ka naman ng iyong ina. May halos isang taon pa para matuto," kampante niyang katwiran. "Pero Papá! Hindi niyo po ako naiintindihan! May mga gusto pa akong gawin sa buhay ko! May mga pangarap pa po ako!" galit kong depensa. Itinigil ni Papá nang tuluyan ang mga ginagawa niya. "Pwede mo namang gawin ang mga bagay na 'yun nang may asawa ka na, ah? At saka ano bang problema mo? Hindi ba't gustong-gusto niyo na rin 'yan? Gayong maaga ka rin namang nagnobyo, oh ba't hindi pa kayo nagpakasal ngayon?" galit na saad ni Papá. Napasinghap ako sa mga salita niya. "Papà!? Kayo po ang tinatanong ko, bakit niyo ba ako gustong ipakasal sa murang edad? Dahil po ba ito sa mga negosyo niyo!?" diretso kong tanong. Dinabog ni Papà ang lamesa. "Magpapakasal ka sa ayaw mo't sa hindi!" sigaw niya. Natahimik ako. So, totoo ngang gusto niya lang akong ipakasal para sa kayamanan at kapangyarihan? Parang kailan lang ito sa tuwing naaalala ko. Haha, ngayon ko lang din naman ito naalala. Nakakagulat dahil malinaw ko pa itong nabalik-tanaw. Tumingin ako sa nilalang na nasa harap ko, kanina pa siya nakatitig. Alam kong pinapakinggan niya ang mga sinasabi ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang siya nagrereact. "Dahil hindi ko nauunawaan," saad niya. Kumunot ang noo ko. Walang hiya, ang haba ng kwento ko, tapos sasabihin mong hindi mo maintindihan!? "Hindi ako kabilang sa inyo, kaya hindi ko nauunawaan ang dinadamdam at sinasabi mo," saad naman niya. So, para ka pala talagang patay? "Patay? Iyon ba ang mga taong isinusundo ko na?" tanong niya. Tumango naman ako. Hindi naman na siya sumagot pagkatapos n'on. Napansin kong kanina pa pala ako tapos kumain. "Ate? Kanina ka pa d'yan, ba't hindi mo pa 'yan pinapaligpit?" rinig kong saad ni Eleanor, ang kapatid ko. "Uh, ito na. Ililigpit ko na nga eh," saad ko. Sumingkit ang mga mata niya na parang may mali akong nagawa. Tapos ay tuluyan na siyang umalis. "Sino iyon?" tanong bigla ng nilalang na nasa tapat ko. Napatingin ako sa kanya. "Si Eleanor, kapatid ko," saad ko. Nang marinig niya iyon ay napatingin siya sa direksyon kung saan tumungo ang aking kapatid. Ako naman ngayon ang nagtataka sa kinikilos niya. "Bakit, anong meron?" tanong ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. "Maiiwan na muna kita," bigla niyang paalam saka bigla ring nawala. Nagitla ako sa ginawa niya. Pero mas namangha ako sa pamamaalam niya. First time niya kasing magpaalam. Pero hindi ko pa rin alam bakit bigla siyang naging usisa sa kapatid ko. Ano kayang meron sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD