“Tsk, bata ka. Dalhin mo iyan sa ospital, Rina.” Umiling si Kuya Abel sa aking paa. Tumango ako. “Opo. Salamat po, Kuya Abel.” “Sige. Siya...” tango rin ni Kuya Abel at isang pasada pa sa aking paa na nangingitim na ang gilid ay umalis na rin. “Rina.” Tinapik ni Ava ang aking balikat. Nilingon ko ang aking dalawang kaibigan na hanggang ngayon ay naging karatula ang mga mukha dahil tanging nakasulat lamang doon ay masidhing pagtataka. “Ava.” sagot ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkainis sa sarili. Hindi ako prinsesa na dapat sundin ang bawat utos. O, isang babasagin at mamahaling kristal. Alam ko sa sarili ko at sa langit na hindi ko iyon maaabot. At wala akong balak abutin. Kina Sir Jude, Yllana, Sir Ibrahim at sa lahat. “Hindi ko alam ang gagawin

