“Alam po ni Rina!” pagmamalaki ni Genesis. “Come on, don’t push the little girl...” ani Señor Adonai. Kinagat ko ang aking labi. Pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo gawa kanina, at ang mumunting kislap ng luhang muntik nang lumandas sa aking pisngi. Kaba ang nananaig sa akin. “Oh, wala naman akong ginagawa, Adonai! I’m just asking this ‘little girl’, am I not?” Lumulutong sa taas ang tawa ni Señora Eunice. “Well, then...” “Ah, basta. Genesis, paki-dala si Rina sa theatre room. Titingnan lang naman kita, is it not okay?” Mula kay Genesis ay ibinaling ng señora ang tingin sa akin. Dahan-dahan akong tumango kahit na pailing na ang aking ulo. Pinaglalaruan ko ang mga daliri. Sa ilang taon ay napagtanto kong malaki ang pinagbago ng aking Señora Eunice. “Stop

