Pisil-pisil ko ang sugat sa aking palad na ngayon ay parang naging sariwa. Namamanhid ako. “Rina!” galaiti ni Halil. Ang kaniyang yakap sa akin mula sa likod ay hindi nakapigil sa akin sa pagmamartsa patungong banyo. Kinandado ng agaran ang pinto at sumalampak sa sahig. Ang kama ko na siyang aking natatanging sandalan para sa sakit ng puso. Si Genesis! Ang kaibigan ko! Kailan nila ginagawa iyon? Kailan pa? “Rina, buksan mo! Rina...” Pati ang boses ni Halil ay nangangalampag sa pintuan. “Tama na ‘yan, Halil. Hayaan mo na muna.” sabay ng boses ni Ava. “Kami na ang bahala ni Amaris.” Kagat-kagat ko ang labi at doo’y naghahalo ang aking dugo at luha. Iniisip ko ang magkapatong na mga katawan nina Kai at Genesis. Sila ang pang-gabi at kami ang pang-umaga. Binaon ko ang m

