Kinagabihan ay hindi ko pinaunalakan ang hiling ni James na sumama ako sa kanila sa burol. Nagkakamahog ang buong tao sa hacienda na makapunta roon dahil tulad ng isang kumalat na apoy ay naglipat-lipat sa kanilang mga bibig ang balitang dadalo rin ang Monseiur Adonai, kasama sina Sir Ibrahim at Yllana, si Kai at Gabriella at Jude. Kasama rin ang magpipinsan. “Bakit, Halil?” sabi ko nang buksan ang pintuan sa quarters. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. “Hindi ka ba talaga sasama?” sabi ni Halil. Nilingon ko ang walang taong quarters dahil pati si Nanay ay lumayas din. Nakikita ko ang malaking paghanga na lulan ng kaniyang matandang mga mata tungo sa kaniyang paboritong Adonai. “Hindi, Halil. Ikaw? Huwag mong sabihing hindi ka rin pupunta.” iling ko rito. “Oo

