Nagising ako sa makirot na parte ng aking ibaba. Namungay kaagad ang aking mga mata at pumikit muli. Ang amoy ng masarap na almusal sa hangin ay parang walang ginawa sa kirot na natatamo ko. Ang bawal ay nagawa ko. Ang sagrado ay ibinigay ko. Binigay ko ang sarili at wala akong pinagsisisihan. Bawal. Dahil hindi pa ako umibig ng ganito kalalim, dahil hindi ko inakalang kakayanin ko. Wala akong itatapon sa nangyari kagabi dahil sarili ko ang pinagbigyan. Ngunit lahat ng palugit ay may katapusan. Umibig ako at naloko. Si Kai ay may kalahati na at hindi ako iyon. Napaiyak akong saglit habang tinititigan ang mga kumplikadong desinyo sa itaas. Isang malamig na espasyo ang nasa aking tabi at parang mas kinurot pa ang puso ko doon. Bawat lukot at lokasyon ay ipininta ko na sa utak. Tu

