Kakaunti lamang ang aming panahong ibinigay sa plantasyon ng pukyutan. Ayaw kasi maglona ni Sir Kai at isa pa, tanghali na rin. Aniya’y saka na lang daw. Nagbigay naman sa amin ng isang baso nito ang namamahala, bilang kanyang kagalakan. Matapos, diretso na kaming ubasan dahil mas maraming lilim rito. Nilingon ko si Sir Kai na asar na yumuyuko dahil humahampas sa kanyang mukha ang mga ubas. Napanguso ako. Marahan ang aking mga paang nagpunta pabalik sa kanyang pwesto. Dahil hindi tulad niya, maliit ako. Saktong-sakto sa aking ulo ang tangkad ng mga ubas na ito. “T-Tulungan ko na ho kayo, Sir Kai.” nahihiya kong sabi. Sinulyapan ako nito ngunit binalik din ang titig sa mga makukulit na ubas. Siguro ay oo na iyon para sa kanya. Sa pagkakataong ililihis ko ang mga ubas sa kany

