Chapter 10
Notebook
“This is your paper for thesis proposal. May dalawang group na need ng revision sa title so I need those two groups in the faculty after your class.”
Hindi naman ako nakatingin kay Ma’am dahil iyong paper namin iyong inaatupag ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang ‘ok’ iyong nakalagay doon.
“Approved ba?” tanong ni Cupid noong lumbas si Ma’am.
Ganoon din naman iyong ginawa noong tatlo. Nag kanya kanyang punta naman iyong mga kaklase ko sa group nila.
“Approve naman. Kailangan na natin mag distribute ng gawain.” Sabay sabay na lumayo iyong tatlong kulugo.
“Kailan?” tanong naman ni Cupid.
“Sa Sabado. Mang gugulo naman kayo sa bahay, di’ba?”
Ares groaned and nudges me. Nakasimangot pa ang loko.
“Walang acads sa sabado! Nakakasira iyon ng araw.”
“E’di huwag kayong pumunta.”
“Ikaw nakakahalata na ako Psy ha,” Singit ni Priam na nakapag pataas ng kilay ko. “Hindi mo na kami love!”
“May tama talaga ‘to,” bulong ko saka nilagay na iyong paper sa bag ko.
“Sabihin mo kay Tita iyong dinner iyong specialty niya ha?” si Zeus naman ngayon.
“I-chat niyo nalang,” sagot ko naman.
“Kailangan ko bang magdala ng kahit ano?” parang lito naman na tanong ni Cupid kaya napaharap ako sa kaniya.
“Hindi naman. Kung gusto mo huwag ka nalang pumunta,” mahinahon at seryoso ko namang sagot.
Tiningnan niya lang naman ako ng masama. Inayos ko iyong bangs ko na nakukulot na dahil sa dami ng gawain. Wala pa naman akong nasisimulan pagod na ulit ako.
“Huwag mong pansinin ‘to, Cupid. Basta present ka!” sigaw ni Ares sa tabi ko.
“Nag-chat sa’kin si Asha, ang pogi mo daw.”
Nanlaki naman iyong mata ko sa sinabi ni Zeus. Natawa naman ito sa akin.
“Seryoso?” tanong ko.
“Oo,” mabilis niyang sagot. “Akala ko anong sasabihin iyon lang pala.”
“Pa’no nakita ni Asha si Cupid?” pagtataka naman ni Priam.
Napataas naman iyong kilay ko saka wala sa sariling napatingin kay Cupid na nasa akin din ang mata. Paano nga ba?
“Nag punta ako sa kanila,” diretsong sagot ni Cupid.
“Kailan? At bakit? Ikaw ha!” dumukwang na naman si Ares sa table ko. “Kumokopya ka siguro kay Psy ng assignment! Palibhasa malapit ka!”
Pinitik ko naman iyong noo niya na ikina daing niya. Seryoso namang nakatingin si Zeus na parang naghihintay ng sagot.
“May binigay lang siya,” suko kong sagot saka tumingin na sa harap dahil dumating na iyong instructor.
“Good afternoon class. I’ll have some announcement before we start,” pagbati ni Miss Rirao.
Umupo naman ako maayos at tumingin sa harap, medyo ni-wiwish pa na sana suspension iyong i-announce kahit wala namang bagyo o kahit ano.
“You will be having a new instructor sa CPAR.”
Nagkatinginan naman kaming mag kakaklase. Iyon iyong nireklamo ni Princess sa kabilang section dahil manyak daw.
“Even if you know the reason why, don’t talk about it. Next week na mag s’start iyong CPAR instructor ninyo.” Miss Rirao sighed and scan her book. “Now, let’s start.”
Personal Development iyong subject niya kaya purely discussion lang naman kami. Binigyan niya din kami ng acticity pero sa time naman niya namin gagawin. Portfolio iyon ng picture mula pagkabata. Bahala daw kami kung paanong art ang gagawin namin.
“Tara cafeteria. Wala pa naman si Ma’am,” ani Ares.
“Tara!”
“G!”
Sagot noong dalawa.
“Tara, nagugutom din ako,” sang-ayon naman ni Cupid.
Syempre ako din sasama. Hindi naman pwedeng sila kakain ako hindi. Kinuha ko na iyong wallet ko saka kami sabay sabay na lumabas. May mga kaklase din naman kaming nakatambay sa labas dahil nga wala pa naman ni Ma’am.
Nakita ko pa iyong ibang girls na nag tutulakan sa hallway habang dumadaan iyong mga STEM students. Crush pa more.
Wala naman tao sa cafeteria noong pumunta kami kaya mabilis kaming nakabili. Cream-o iyong bninili ko saka softdrinks saka junk food na rin. Iyong apat naman kaniya kaniya ding bumili.
Binuksan ko iyong cream-o habang hawak iyong plastic ng softdrinks saka kinain iyon. Nasa may braso ko naman iyong junk food ko. Makakakain ko rin ito sa room dahil dulo naman kami naka-upo.
Lumapit ako kay Zeus saka kumuha ng clover niya.
“O, mabulunan ka sana.”
Tiningnan ko namna siya ng masama pero natawa din ako.
“Damot ka ba ha?” sagot ko naman.
“Nakakuha ka na nga e.”
Umupo muna kami doon sa table sa labas ng room namin. At since mapuno naman doon, nasa silong naman kami at hindi naaarawan.
“Isa-isang chapter naman i-c’check ni Ma’am iyong sa thesis di’ba?” tanong ni Cupid.
“Can’t relate,” sagot ni Priam saka Ares.
“Oo. Ganoon daw,” sang-ayon ko.
“Introduction lang naman iyong chapter one tapos related literature saka studies na?”
Tumango ako kay Cupid habang sumisipsip ako doon sa iniinom ko. Tinapik tapik naman ni Ares iyong balikat ni Cupid.
“Honor student ka ba?” mahina niyang tanong.
Tumango naman si Cupid.
Napa ngiti silang tatlo.
“Ayos, makaka graduate tayong lahat.”
Hinila ko naman iyong patilya ni Ares na ikina daing niya. Puro kalokohan talaga. Himala lang at wala siyang girlfriend ngayon. Nadala na ata noong nakaraan.
Hindi naman na ako kumibo saka tumitig lang sa malawak na quadrangle sa harap. May iilang naglalaro ng soccer pero iyong iba nasa kabilang side ng mga tables lang din at naka tambay. Wala nang masyadong event ngayon hindi katulad last semester.
Iyong Heart Sparks na ata iyong last before kami grumaduate. Napailag naman ako noong muntik nang tumama sa amin iyong bola. Buti nalang nasalo ni Cupid iyon. Nasamid naman ako nang mapatingin sa relo ko.
“Anong oras na!” sigaw ko.
Sabay sabay naman kaming napalingon sa room saka sa paligid at napansin na wala na iyong mga classmates namin doon. Nagkatinginan naman kaming lima doon, hindi alam iyong gagawin.
“Lagot tayo!” Ares said abruptly.
“Lagot talaga,” bulong ko dahil iyong pinaka masungit na instructor pa naman namin iyong subject.
“Psyche bumangon ka na diyan!” rinig kong sigaw ni Mama.
Tinakip ko naman iyong kumot sa ulo ko saka gumulong pa sa kama. Ang aga pa! Saturday ngayon! Hindi ako bumangon kaya maya maya lang ay may kumakatok na doon sa pinto ko.
“Ate, gumising ka na sabi ni Mama. Parang sirang CD siya doon paulit ulit,” cute na sabi ni Asha pero dahil inaantok pa ako, inis iyong naramdaman ko.
“Ang aga pa, Asha!”
“Alas otso na, Ate. May iuutos sa’yo si Mama.”
Sumigaw naman ako sa unan ko saka bumangon saka tinapik tapik iyong mukha ko para magising. Tapos ay mabilis akong bumangon saka binuksan iyong pinto ko. Ngumiti naman si Asha sa akin.
“Bakit daw?”
“Kulang daw iyong ingredients niya sa baking. Bumili ka daw.”
Napasimangot na naman ako at bumaba iyong balikat. Napahilamos nalang ako ng mukha at naramdaman iyong mga muta ko doon.
Mabagal akong naglakad papuntang banyo pagkatapos. Naghilamos ako at nagtoothbrush bago ko tinali iyong buhok ko ng mataas saka bumaba.
Naabutan ko si Mama sa may kusina.
“Ma,” bati ko na may halong pagtatampo.
Ngumiti naman siya sa akin.
“Mag breakfast ka na. Tapos bili mo ako nito sa supermarket,” may binigay siyang papel sa akin.
Akala ko naman maliit lang iyon pero nakatupi pala. Napataas naman ako ng kilay at tiningnan siya na parang nahihibang.
“Ma, magpapakain ka ba sa buong barangay?”
Inismiran naman ako nito.
“Pupunta rin kasi sila Tita mo! Huwag ka nang magreklamo at mag almusal ka na.”
Lalo nang bumagsak iyong balikat ko. Tumango nalang ako at nagpunta na doon sa lamesa para tingnan kung anong pagkain. Tapos ay kumuha ako ng pinggan at nag timpla ng kape. Hmm. Bango.
Mabilis lang akong kumain kasi si Mama parang inoorasan ako doon. Hindi naman na ako nagpalit ng damit kahit pa naka pajamas pa ako. Wala namang rule na bawal ang naka pajama sa supermarket. Isa pa malapit lang naman iyon sa amin.
Nag aayos pa ako ng bangs ko na basa dahil sa paghihilamos habang naglalakad ng makasalubong ko si Cupid doon. Parehas kaming nagulat at napaatras.
“Okay na ‘yong gabi nalang sinisira mo. Muntik na akong atakihin,” sabi nito saka ako tiningnan from head to toe.
Hindi ko naman napigilan na hampasin siya.
“Tarantadong ‘to ang aga aga. Alis nga.”
Natawa naman siya saka sumunod sa akin sa paglalakad. Masama ko naman siyang tiningnan.
“Ano?”
“Saan ka pupunta?”
“Paki mo?”
“Parang isang araw lang iyong bisa noong ticket ko ah?”
Ngumuso naman ako at pinaningkitan siya ng mata.
“Tutulungan pa din kita. May isang salita ako ‘no. Pero hindi ko sinabing magiging friends tayo.”
Napakamot naman siya sa ulo. “Hindi pala tayo friends?”
“Ew, no. Priveldge ka ba?”
Napailing na lang siya habang sumusunod pa din sa akin. Napatingin naman ako sa taas noong humangin ng malakas. May iilang bulaklak kasi na nalagas doon sa puno ng narra. I held out my palms and got some of it.
“Ang linis ng kalangitan…” mahinang sambit ni Cupid.
Napatingin naman ulit ako doon nang makalampas kami sa mapunong bahagi. Totoo nga. Wala masyadong ulap doon. Kumurap ako at bumaling sa kaniya.
“Saan ka ba pupunta?” tanong ko.
“Maglalakad lakad lang sana ako noong makita kita,” sagot niya saka bumaling sa akin. “Hindi pa kasi ako pamilyar dito.”
“E bakit mo ‘ko sinusundan?”
“Gusto ko lang.”
Inirapan ko naman siya saka tumingin sa dinadaanan. Malapit na kami sa main gate.
“Mag g’grocery ako.”
“Sama!” presinta niya na may pag taas pa ng kamay.
“Ayoko nga.”
“Sasama pa din ako.”
“May pera ka ba?” tanong ko dahil wala naman siyang dala na kahit ano.
Sinuksok naman niya iyong kamay sa bulsa niya at paglabas ay may hawak ng one hundred.
“Meron naman pero ito lang. Wala naman talaga akong balak lumabas,” nakangisi niyang sabi.
Inirapan ko naman siya dahil buti nga siya may pera ako iyong kay Mama lang talaga. Hindi ko alam kung aabot ba ito pero bahala na.
Nang makalabas ng village ay nagtungo kaagad ako sa may trike doon at sumakay. Tumabi naman sa akin si Cupid na siniko ko dahil gusto ko lang.
“Aray,” angal niya.
Nag make face lang naman ako doon saka sumandal. Sobrang saglit lang ng byahe kaya mabilis lang kaming nakarating. Binuksan ko naman iyong purse na dala ko at noon lang napagtanto na wala akong barya.
Lumingon ako kay Cupid na kinakapa pa ata iyong nag iisang niyang one hundred pesos. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
“Bayaran mo iyong sa’kin,” nakangiti kong sabi.
Napailing naman siya saka inabot iyong one hundred.
“Wala kang barya?” tanong niya nang makaalis iyong trike.
“True.”
Kumuha ako ng pushcart noong makapasok kami. Nakasunod lang naman itong kulugo sa akin. Kami palang ata iyong tao doon dahil tingin ko halos kabubukas lang nito. Hindi pa rin gaanong malamig iyong aircon.
“Ano bang bibilhin mo?”
“Ewan ko ba dito kay Mama,” sagot ko habang nakatingin sa listahan. “Pinaghahandaan pa kayo.”
Cupid chuckled and push the cart instead. Hinayaan ko naman na siya para makakapaghanap ako habang tinutulak niya.
“Hindi marunong magluto si Thalia,” bigla kong sabi ng maalala iyon.
Parang nagulat naman si Cupid. I shrugged.
“Simulan na natin iyong operation: get Thalia’s heart.” I smiled. “Nalaman ko iyan kailan lang din. Noong bumisita kami sa kanila.”
Tumango tango naman si Cupid.
“Anong gagawin ko doon?” nagtatakang tanong ni Cupid.
“Malay ko.” Umiwas ako ng tingin. “Basta may sinabi ako tungkol sa kaniya.”
Pinitik naman ni Cupid iyong bangs ko na ikina kunot ng noo. Nang makita iyong cheese sa likod niya ay nilapitan ko iyon. Tiningnan ko alin iyong nasa list ani Mama at nilagay iyon sa cart.
“Panganay din si Thalia at may kapatid na lalaki. Kasing edad noong kapatid ko. Nakita mo na iyon di’ba?” paglilinaw ko dahil si Asha, nakita na siya.
“Oo. Noong pumunta ako sa inyo,” sagot niya at may itinuro. “Ito baking soda. Ano pa nga iyong nasa lista?” dumungaw naman siya sa akin para makita din iyon.
Naglakad pa kami dahil hindi namin makita kung nasaan pa iyong iba.
“Mayroon palang supermarket dito, bakit sa mall pa tayo bumili noon?” tanong niya sa akin nang lumiko kami sa kabilang aisle.
Sinungitan ko naman siya ng tingin.
“Ewan ko kasi sa’yo. Ayaw mo pang sabihin anong gagawin natin doon.”
Tumawa naman siya. “Hindi ko ‘to napansin.”
I hissed and walked further. Iniisa isa ko iyong isang shelve doon dahil hindi ko makita iyong oyster sauce.
“Psyche?”
Napaayos naman ako ng tayo nang may tumawag. Boses babae iyon kaya hindi si Cupid. Nang lumingon ako sa kaliwa ay nakita ko si Rose doon. Nakangiti siya sa akin at nag-hi. Nadako naman iyong tingin ko sa mga kasama niya. Kaklase niya at itong mga ‘to.
“May acticity na rin ba kayo sa Entrep?” nakangiti niyang tanong.
Umiling naman ako, “Ah, wala pa. Inutusan lang ako,” sagot ko naman.
“Psy, nakita ko na.” Lumignon naman ako sa likod at nakita si Cupid na may hawak na oyster sauce.
Napabaling naman ako kila Rose na nagtataka iyong tingin.
“May kamasa ka pala,” banggit niya.
“Friends mo?” tanong naman ni Cupid sa gilid ko.
“Uh…” salita ko dahil hindi ko alam sinong uang sasagutin sa kanila.
“Oo. Taga ibang section siya. ABM din,” sagot ko kay Cupid dahil napagtanto kong hindi ko alam anong isasagot kay Rose.
“Ah ikaw iyong transferee?” nakangiting tanong ni Rose. “Cupid, di’ba?”
Tumango naman si Cupid at ngumiti din.
“Sikat pala ko,” he said and chuckled.
Hindi ko naman alam paano magpapaalam doon. Iyong tingin naman kasi noong mga kasama nhi Rose parang… hindi maganda. Tiningnan pa ako noong isa mula ulo hanggang paa. May problema kaya sila sa pajamas ko?
Natahimik kami noong walang nagsalita. Parang may gustong itanong si Rose pero hindi naman bumubuka iyong bibig niya. I pursed my lips and cleared my throat.
“Uh, una na kami?” mahina kong sabi.
“Ah, oo,” Rose chuckled awkwardly. “Mauna na din kami. See you sa school!”
Tumango lang naman ako doon at naglakad na. Ako na din iyong nagtulak sa pushcart.
“Friends mo ba iyon?” tanong nitong kasama ko.
“Oo. Kasama ko sa Heart Sparks. Iyong nagsasalita lang.”
“Ba’t ang awkward niyo?”
Napahinto naman ako at tiningnan siya.
“Hindi niya kasi maitanong kung bakit tayo magkasama ang aga aga. Sa supermarket pa.”
Napataas naman kilay ni Cupid at parang napaisip.
“Bakit kaya hindi niya maitanong?”
Umiling nalang ako at naglakad na ulit. Medyo mabilis naman kaming natapos dahil dalawa kaming naghahanap ng bibilhin. Kung ako lang iyon baka hindi pa ako nakangalahati. Tinulungan ako ni Cupid hanggang makarating ng bahay.
Binuhat niya iyon papasok sa loob kaya medyo nagulat si Mama noong makita siya.
“Good morning po, Tita.”
“Cupid? Bakit bitbit mo iyan?” nagtatakang tanong ni Mama.
“Sinamahan klo po si Psyche mamili. Nagkasalubong po kami kanina sa labas noong paalis siya.”
Malisyosa naman akong tiningnan ni Mama bago ngumiti kay Cupid.
“Naku, halika muna. Kumain ka na ba?”
Hindi na ako umangal sa alok ni Mama dahil tinulungan naman ako ni Cupid kaya sige. Mabait muna ako sa kaniya. Umakyat naman ako sa taas para may kunin. Nagpalit din ako ng shorts dahil naiinitan na ako.
Nang makababa ay nakita ko si Cupid sa may sala at nakaupo doon kausap si Asha.
“Mabait iyon si Ate, moody lang,” bulong bulong pa ni Asha.
“Parang baliktad. Moody iyon si Ate pero mabait naman,” bulong din ni Cupid.
Pasalampak naman akong naupo sa tabi ni Cupid kaya halos mag-bounce siya doon. Nakangisi naman siyang tumingin sa akin.
“Sinisiraan mo pa ako sa kapatid ko,” madin kong sabi saka sinipa siya doon.
Natawa naman siya saka umilag.
“Ano yan?” kalaunan niyang tanong. Tinutukoy iyong notebook na hawak ko.
Pinakita ko naman iyon sa kaniya. Iyong iyong sinend ko sa i********: sa kaniya. Iyong ‘thing to know’. Kapag siya hindi nagustuhan ni Thalia after ng effort kong ‘to, ewan ko nalang.
Natawa lang naman siya sa akin at sumunod noong maupo ako sa lapag. Pinatong ko iyong notebook sa center table saka binuklat iyon. Nilingon ko si Asha na busy sa iPad niya saka binalik ulit kay Cupid iyong pansin.
“Dito natin ilalagay ng lahat ng tungkol kay Thalia…” paliwanag ko. “Tapos dito sa half-part, iyong mga strategy mo naman.”
Nag-lettering muna ako ng pangalan ni Thhalia doon. Saka iyong half-part ng notebook. Nilagyan ko pa ng design iyon para maganda tingnan. Tumingin naman ako kay Cupid nang matapos ako at natagpuan ko iyong mata niya sa akin.
“Nakikinig ka ba?”
He inhaled and nodded, “Oo.”
Tumango ako at nagpatuloy. Nilagay ko iyong information na sinabi ko sa kaniya kanina. Nilagay ko din iyong personal information ni Thalia. Iyong birthday niya pero iyong address niya hindi. Saka na iyon.
“Walang address?” taka ni Cupid.
“Swerte ka? Mamaya bad ka pala e’di mapapahamak iyong pinsan ko.”
Hindi naman alam ni Cupid kung ma-o’offend siya o tatawa.
“Nakaka hurt ka ha,” kalaunan niyang sagot.
Natawa nalang din ako. Pero seryoso akong tumingin sa kaniya pagkatapos.
“Pero seryoso. Baka may masama kang intensyon sa pinsan ko?”
He groaned. “Ayos lang kung ayaw mo akong tulungan.”
Bumalik naman ako sa pagsusulat, natatawa. Narinig ko naman iyong footsteps ni mama kaya lumingon ako.
“Oh, ito, snacks ninyo. Ano ba iyan? May schoolworks kayo?” tanong ni mama noong nilapag iyong pagkain.
Nilipat ko naman kaagad ng page iyong notebook na hawak ko at umayos ng upo.
“Nag-uusap lang kami about sa thesis, Mama,” sagot ko na ikina-tango ni Mama.
“Oh, siya, magluluto na ako doon.”
Tumango lang ako saka kumuha noong apple bago lumingon kay Cupid na kumuha din doon.
“Nag breakfast ka na ba?” tanong ko. Bakit ko ba nakalimutan itanong iyon?
Tumango naman siya.
“Kanina sa bahay,” sagot niya.
Sumandal naman ako sa sofa at ini-stretch iyong legs ko. Inabot ko rin iyong remote para manood ng TV. Ganoon din naman ang ginawa ni Cupid at feel at home. Parang iyong mga kulugo din.
Himala ata. Hindi ako kinukulit ni Ares ngayon sa chat. Dati kapag ganito chat na nang chat iyon. Kinuha ko iyong cellphone ko para tingnan pero wala ni isa sa kanila. Mga tulog pa siguro.
“Napanood mo na ba ‘yan?” tukoy ni Cupid sa TV.
Nasa Netflix iyon at nakatapat sa isang show.
“Ano ‘yan? Partners in Justice?” Umiling ako. “Hindi pa.”
“Maganda ‘yan!”
“Sure ka?” sigurado ko pa.
“Oo. Promise!”
Umirap naman ako sa ka OA-yan niya.
“Tungkol saan?” tanong ko.
“Justice.”
Hinampas ko sa mukha niya iyong unan. Hindi niya inaasahan kaya sapol iyon. Natawa lang naman siya saka ako tinulak.
“Basta maganda ‘yan. Prosecutors saka autopsy.”
Pinaningkitan ko naman siya ng mata bago bumalik iyong tingin ko sa TV. Nag scroll pa ako doon bago ko binalik doon sa sinasabi niya.
“Dalawang season?” tanong ko pa.
“Oo. Maganda nga kasi.”
“Siguraduhin mo lang.”
Tumingin naman siya sa akin at ngumisi. “Walang sigurado.”
I rolled my eyes as I say, “Stop.”
Tawa niya lang naman iyong namutawi doon at iyong intro noong series.