Chapter 11

3360 Words
Chapter 11 Moon Umuwi si Cupid bago mag lunch. Bukod sa ayaw niya doon kumain dahil nahihiya pa ata ang loko, hindi pa siya naliligo. Ako din naman. Nagalit pa nga si Mama noong umalis si Cupid at hindi ko sinabi sa kaniya. Dapat doon na daw pinag-lunch. Sus. After lunch ay pumanhik ako sa kwarto ko para ayusin iyong thesis namin. Nag distribute lang naman ako ng gawain para mamaya masira iyong gabi nila kapag binigay ko. Kami ni Cupid iyong sa introduction dahil tingin ko ay may ibubuga siya doon. Nang dumating na ang hapon ay noon lang ako naligo. Nagsoot lang ako ng shorts saka semi-crop top na shirt na may nakalagay na San Francisco kahit hindi ko naman doon binili. Sa online shop lang. Nag chat si Ares sa group chat namin nang malapit ng mag alas kwatro na papunta na daw sila. Nag reply naman ako. Ako: Early bird yarn? Priam: True. Ako: Stop. Zeus: See you, hihi. Cupid: Tumatae pa ako. Ako: Ew. Ares replied to Cupid: Sama! Tumayo naman na ako sa pagkakahiga sa kwarto after ko i-back iyong group chat namin. Mabilis akong bumaba ng hagdan at nagpunta sa kusina. “Papunta na sila Ares, Ma…” pagpapa-alam ko kay Mama. Tumango naman ito. “Sinabi nga sa akin ni Pia. Pero sila mamaya pa.” Ngumiti si Mama sa akin saka bumalik sa ginagawa. Lumakad naman ako palapit sa kaniya saka pinanood siya doon. Nakaluto na siya ng para sa dinner at naglalagay na ng icing doon sa ni-bake niya. “Wala ka magawa? Ayusin mo iyong sala,” bulong ni Mama. “Sila Ares lang naman iyon Ma. Sanay na iyon dito.” Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya wala akong nagawa kundi pumunta ng sala at ayusin iyon. Hindi naman makalat pero iyong mga cushion kung saan saan na napunta. Matapos kong ayusin iyon ay pinagpagan ko na iyong sofa ng very light lang. Ni-open ko na din iyong aircon dahil baka mag reklamo silang mainit. Maarte pa naman iyong mga ‘yon. Hindi pa nag iinit iyong pwet ko sa pag-upo, narinig ko na iyong tawag sa labas. “Psyche!” malakas na sigaw ni Ares. Napabuga naman ako ng hangin at tumayo na doon. I changed my slippers and run towards the gate. Kumpleto naman silang tatlo doon na mga nakangisi. Parang mga aso. Pero dahil friends ko sila, iyong cute na aso. Chihuahua gano’n. “Ang tagal ha! Ang init!” reklamo ni Ares. Oh di’ba? Kung hindi ba naman mga walang hiya. “Sipain ko mukha mo diyan e,” sagot ko saka sila pinapasok. Mga nagmamadali naman silang tumakbo sa loob. “Iyong tsinelas niyo!” sigaw ko. Bawal iyan sa loob dahil extra linis pa ‘yan. “Nand’yan iyong mga pambahay.” Turo ko doon sa cabinet sa gilid ng pinto. Isa isa naman silang nag tanggal ng soot na tsinelas, si Ares naka sapatos pa akala mo naman ang layo ng pupuntahan. “Hi, Tita!” rinig kong bati ni Zeus. Ang bibilis talaga. “Lamig!” sigaw naman ni Priam. “Nandiyan na pala kayo! Naku! Na-miss ko kayo,” bati ni Mama. Sumunod lang naman ako sa kanila doon sa dining. Favorite talaga ni Mama itong mga ito. Siguro dahil wala siyang anak na lalaki, love na love niya itong mga kulugo na ‘to. “Bake na ‘yan, Tita? Patikim!” maingay na sabi ni Ares saka lumapit doon sa ginagawa ni Mama. Napangalumbaba nalang ako doon sa kitchen island. May nakita akong cupcake doon na may icing na. Pinaka titigan ko muna iyon bago ko kinuha ng index finger iyong icing. Nakalapit na iyong daliri ko ng may tumapik. Nag angat naman ako ng tingin kay Zeus. “Ang baboy,” madrama niyang sabi na inirapan ko lang. Pahid ko ‘to sa mukha niya e. “Sarap, Tita!” OA na sabi Priam. “The best ka talaga! Si Mama charcoal flavor ata iyong laging ni b’bake,” tuloy tuloy niyang sabi na ikina-tawa ko. Siraulo talaga. “Susumbong kita kay Janice!” natatawang sabi ni Mama. “Joke lang, Tita. Sarap kaya ni Mama mag bakeng charcoal,” mabilis na bawi ni Priam. “Sus, sabi mo nga napipilitan ka lang kainin,” singit naman ni Zeus. Natawa nalang kami doon dahil hindi naman talaga marunong mag bake si Tita Janice, pero gusto niyang matuto kaya syempre support lang kami. Tinutulungan naman siya ni Mama dahil sabi niya nga, basta tama iyong measurements and nag b’bake ka with love, magiging masarap iyon. “Nasaan nga pala si Cupid?” tanong ni Mama saka bumaling ng tingin sa akin. Nagkibit balikat ako at humarap sa mga kulugo, “Nasaan nga ba?” Nginuya naman ni Ares iyong kinakain niya. “Pupunta na ‘yon. Chill lang kayo diyan. Baka nag papapogi.” Tinaas taas niya pa iyong kilay niya na parang nang-iinis pero hindi ko nalang pinansin. “Dapat kasi hindi mo na pinauwi, Psyche,” sabi na naman ni Mama habang kinukuha iyong last batch ng cupcake niya. “Huh? Bakit? Nandito iyon kanina?” tanong ni Priam. “Oo. Sinamahan niya kanina si Psyche sa supermarket dahil inutusan ko.” Lumingon naman si Zeus sa akin. “Hindi ko alam na close na kayo?” sabi niya. Sumimangot naman ako. “Hindi ‘no. Nagkasalubong lang kami diyan sa labas. Nagpumilit lang sumama. Pero okay na din, ang daming pinabili ni Mama.” Natawa naman si Mama sa akin noong lumingon siya at makitang masama iyong tingin ko. “Sinamahan ka nga pero hindi mo naman pinakain. Apple lang.” “Buti nga may apple pa.” Natawa naman si Ares saka tinapik iyong balikat ko. “Ayos ka talaga.” Lumingon ito kay Mama. “Sa sala muna kami Tita,” paalam niya saka ako tinulak papuntang living room. Patalbog na naupo si Priam doon. “Chat mo nga si Cupid, Psy,” sabi nito. “Utos,” bulong ko. Natawa naman siya doon. Naupo ako sa tabi niya saka kinuha iyong phone ko. Wala naman chat sa group iyong si Cupid. Sa i********: ko nalang siya ni PM dahil mukhang mas active siya doon. Ako: Tae mo pang isang linggo. Hindi naman kaagad niya sa seen iyon. Ilang minutes pa bago siya maka-reply. Cupid: Bad. Ako: Nasaan ka na ba? Cupid: Ito na. Huwag ka na malungkot. Makikita mo rin ako. Aba gago. Nagt’type palang ako may chat na naman siya. Cupid: Partida, nagkita pa tayo kanina. Ito na palabas na ng bahay. Ako: Madapa ka sana. Nag send lang naman siya ng emoticon na sad face. Hindi ko na siya pinansin saka nilagay iyong phone sa center table. “Na-chat mo na?” tanong ni Zeus. Tumango naman ako. “Nandiyan na.” Mabilis naman na tumayo si Ares saka tumakbo sa pinto. Muntik pang madulas ang bata dahil naka medyas pa. “Masubsob ka pa d’yan,” habol ko. Nagmamadali lang naman siyang lumabas. Narinig ko iyong pagtawag niya kay Cupid. “Ikaw nanonood nito?” tanong ni Priam habang nakatingin doon sa TV. Nakita ko naman iyong pinanood namin ni Cupid kanina. Maganda nga iyon. Natatawa pa ako kasi ang sungit noong bida pero maganda nga. Nakaisang episode palang kami pero sure akong papanoorin ko iyon. “Oo. Sabi ni Cupid maganda daw. Pinanood namin kanina.” Tumango naman si Priam at naghanap pa ng iba doon. Mauubos lang oras niya kakahanap. Ganyan ako madalas e. Browse ako ng browse ng pwedeng panoorin pero sa huli wala naman akong napapanood. Lumingon naman ako sa pinto dahil hindi pa din pumapasok sila Cupid doon. “Psy, muntik ko ng makalimutan…” Lumingon ako kay Priam. “May nanghihingi ng number mo sa STEM,” seryoso niyang sabi tapos ay ngumisi ng malaki pagkatapos. “Uupakan kita kung binigay mo.” “Binigay ko.” Nanlaki naman iyong mata, “Seryoso?” Natawa siya, “Oo. Kilala ko naman iyon saka pinagsabihan ko din.” Napatingin ako kay Zeus na napailing nalang bago ko hinampas si Priam. Dumaing naman siya. “Bakit mo binigay?!” naiinis na tanong ko. “Hiningi e.” Napa-ungol nalang ako sa inis saka tiningnan siya ng masama. “Gwapo iyon, Psy.” “Paki ko?” sigaw ko pa saka siya binalibag ng unan. “Aray naman!” Tumayo siya saka lumayo sa akin pero hinagis ko pa din iyong unan. Sakto naman na pumasok iyong dalawa pang kulugo doon. “Ginagawa niyo?” tanong ni Ares. “Si Priam! Pinamigay iyong number ko!” naiinis kong sabi. “Ah iyong sa STEM?” mahinahon na sabi ni Ares. “Ah?” ulit ko sa reaksyon niya. “Alam mo ‘yon?” Napakurap naman si Ares. “Oo, pero tutol ako. Si Priam iyong nagbigay,” pa-inosente niyang sagot. Tiningnan ko sila ng masamang dalawa. Umiwas ng tingin si Priam at si Ares naman inatupag iyong TV. Naramdaman ko naman iyong pag-upo ni Cupid sa tabi ko na kapapasok lang. tinusok tusok niya pa ako. “Ano?” Ngumisi naman si Cupid. “Huwag mo ‘kong babanatan ng na-miss kita. Uupakan kita,” pauna kong sabi. Natawa naman siya saka lumayo. “Nasaan si Tita? Mag h’hi lang ako.” “Nandoon sa kitchen, kanina ka pa hinahanap.” “Tapusin natin iyong fear street! Three na!” Priam said loudly na ikina-lingon ko. “Hindi ko pa natapos iyong pangalawa!” angal ni Ares. “Kasalanan mo na ‘yon. Natulog ka,” sagot naman sa kanya ni Zeus. “Tama yung pangatlo na! Bilisan mo Priam bago mo ‘ko mainis!” sigaw ko din. Mabilis naman na hinanap ni Priam iyong pangatlong part. Si Ares naman pinaandaran na naman kami ng simangot niya saka pout. Sarap talaga ingudngod. Tumabi naman ulit sa akin si Cupid nang makabalik. Nakakalahati lang kami doon sa movie bago kami tinawag ni Mama na tulungan siyang mag-ayos sa labas. Sabay sabay naman kaming tumayo doon at kaniya kaniya ng labas. Nahuli ako dahil pinatay ko pa iyong TV saka tinapon iyong mga kalat namin na junk foods. Nang makalabas ay nakita ko doon si Cupid saka Zeus na inaayos iyong portable na mga lamesa sa may garden. Si Ares naman saka Priam ay iyong mga upuan iyong nilalabas. Papalubog na iyong araw kaya hindi na masyadong mainit. Halos magmistulang kahel na iyong paligid at kung titingnan ay parang natural na kahel ang kalangitan dahil sa araw. Lumapit ako kay Cupid saka Zeus para ilagay yung mga place mats doon sa table. “Kasama ba sila Tito na pupunta?” tanong ko kay Zeus. “Hindi ata. Sila Mama lang.” Tumango naman ako at saka nagpatuloy sa ginagawa. Napalingon naman ako kay Cupid na tahimik lang doon. “Wala pa rin ba sila Mama mo?” mahina kong tanong. Late pang lumingon sa akin si Cupid nang mapagtanto na siya iyong kinakausap ko. Umiling siya. “Wala pa. Baka before pa mag finals iyon.” “Dapat pala sa inyo tayo tumatambay!” singit namna ni Ares na chismoso. “Ikaw lang doon, kung gano’n?” Tumayo naman ng diretso si Cupid nang maayos na iyong isa pang lamesa saka nag pag pag ng kamay. “Oo.” “Bakit hindi ka nag-iimbita? Nakakatampo ha,” malungkot na sabi ni Priam. Lumakad naman ako para maglagay din ng place mats sa kabilang table. Tinulak ko naman si Cuid para lumayas doon. “Magulo sa bahay. Walang laman.” “Ano naman? Hindi naman kami kukuha ng laman. Sabihin mo lang kung ayaw mo, lulusot ka pa e.” Natawa naman ako kay Ares lalo na noong sinamaan siya ng tingin ni Cupid. Si Ares talaga iyong mas close ni Cupid sa tatlong ito. Hindi naman siya awkward doon sa dalawa pero napapansin ko na lagi silang mag kausap. “Wala to, nagpapakilala,” bulong bulong ko. Lumapit naman sa akin si Ares saka sinukbit iyong braso niya sa akin. “True, no?” nagmamaktol pa niyang sabi. Tinulak ko naman iyong noo niya palayo saka ako naglakad paalis doon. Tawa naman ni Ares iyong huling narinig ko noong pumasok ako sa bahay. “Ma? Ayos na iyong sa labas! Tingnan ko lang kung gising na si Asha!” sabi ko kay Mama habang tumatakbo papanhik sa taas. Kumatok muna ako sa pinto nang makarating doon bago ko dahan dahan na binuksan iyong pinto. Napanguso naman aklo ng makitang tulog pa ang kapatid. Naka-taas pa iyong dalawang kamay niya doon. Bumaba na ako pagkatapos. Naabutan ko naman si Mama na may kausap sa phone. Binaba niya rin iyon noong makita ako. “Papunta na daw sila Tita mo. Iyong ilaw ba sa labas naayos na?” Umiling naman ako ng sunod-sunod. “Hindi pa bukas lahat. Bubuksan ko na.” Tumango naman si Mama habang inaayos iyong mga barbeque na i-g’grill. Mabilis akong tumakbo palabas. Inaayos nila Ares iyong ihawan nang makalabas ako. Nagtungo naman ako doon sa switch ng ilaw noong mga halaman. Iyong nasa ground. Tingin ko sayang lang iyon sa kuryente pero kapag may bisita lang din naman binubuksan iyon para maganda tingnan. “Anong ginagawa mo?” Gulat naman akong napatingin kay Cupid. Nasa may gilid ng bahay iyon. Nandoon lahat ng switch ng ilaw sa labas na pang decor lang. Inaalala ko saan iyong sa mga halaman. Iyong iba kasi sa lamp sa taas. Wala naman tao doon kaya hindi naman kailangang buksan. May switch din ito sa taas. “Inaalala ko saan iyong ilaw sa mga halaman. Nabuksan ko na iyong sa lamp,” sagot ko saka inisa-isa na iyon. Nabuksan ko naman iyong iba pero iyong maliliit hindi. Hindi ko kasi makita. “Ako pipindot tingnan mo doon,” suhestyon ni Cupid. Mabilis naman akong tumango saka lumakad palayo. Umiling ako sa una niyang pindot habang nakatingin sa lapag kung nasaan iyong ialw na natatabunan na ng d**o. Pwede naman sigurong hindi naman buksan? Umupo ako sa tabi noon. Nanlaki naman ng bahagya iyong mata ng umilaw iyon. Nakangiti akong bumaling kay Cupid. “Ayos na!” malakas kong sabi saka tumayo na doon at naglakad papunta kila Ares. Sakto naman na lumabas si Mama sa may pinto. Tinulungan ko siya doon sa tray na dala niya na puno ng barbeque. “Ako na,” mahinang sabi ni Cupid at kinuha sa akin iyong tray. Kinuha ko naman iyong natira kay Mama. “May ilalabas ka pa?” “Meron pa. Halika tulungan mo ‘ko.” Tumango naman ako at lumingon kay Cupid. “Cupid!” sigaw ko. Mabilis naman siyang lumingon sa akin. “Tara dito! Tulungan mo ‘ko!” Nginisihan naman niya ako saka lumapit. “Ayos ka mag-utos ah?” I made face and went inside. Sumunod lang naman siya sa akin. Pinalabas na ni Mama iyong mga pagkain. Inisa-isa naman namin ni Cupid iyon para dalhin sa labas. Pinatong namin iyon sa isang table na separate sa kainan. “Meron pa sa loob?” tanong ni Zeus. “Meron pa, kunin niyo na please.” Natawa naman siya at tumango. Sumunod din naman si Ares. “Birthday ba ni Tita?” mahinang bulong ni Cupid na ikinatawa ko. “Normal lang iyan. Tingnan mo bukas papadalhan ka niya ng tira.” He chuckled and looked at Ares who’s jogging towards us. “Mamaya na kayo mag kwentuhan. Tulungan niyo kaya ako?” sarcastic niyang sabi habang hawak iyong tongs at pinatunog pa. Hindi naman na kami nagreklamo ni Cupid at pumunta na doon sa ihawan. “Alam mo bang may manliligaw na si Psy?” mahinang sabi ni Ares kay Cupid kaya binatukan ko siya. Muntik naman na siyang masubsob doon sa iniihaw siya. “Grabe naman, Psy!” mukhang disappointed pa iyong mukha niya. “Nag-kw’kwento lang ako…” “Ayusin mo,” medyo nang gigigil na sabi ko. Pinigilan naman niya iyong tawa niya saka humarap kay Cupid na naka kunot na iyong noo ngayon habang naka tingin sa akin. “Ano?” malakas kong tanong. “Sino nanliligaw sa’yo? Bakit hindi ko alam?” pagseseryoso niya sa sinabi ni Ares. Hindi ko alam anong nakakatawa pero kung makahagalpak ng tawa ‘tong si Ares akala mong nasisisraan. “Hindi iyon truth. Itong kulugong ‘to, saka si Priam, pinamigay iyong number ko!” Natatawa pa rin naman si Ares noong lumingon kay Cupid. “Single naman si Psy kaya ayos lang iyon. Mukhang maganda naman intensyon ni Kurby.” “Kurby?” nagtataka kong tanong. “Oo. Kilala mo?” “Member iyon ng Heart Sparks,” mabagal kong sagot. Iniisip kung nakapag-usap na ba kami noong Kurby na iyon. “Bagong member lang iyon ngayong taon.” “Oh edi ayos pala! Doon ka siguro nakita! Kaya sumali.” Inirapan ko naman si Ares sa kalokohan niya. “Saan siyang department?” tanong pa ni Ares. “Singing.” “Magaling?” tanong niya pa. I pursed my lips and simply nodded. Inaalala na napansin ko iyon dahil magaling ngang kumanta. “Oo.” Bumagsak naman iyong tongs nahawak ni Cupid doon sa mini table doon kaya napatingin kami sa kaniya. “Sorry.” Ngumisi siya. “Sundan ko lang sila Zeus sa loob.” Hindi na niya kami hinintay magsalita at umalis na doon. Sinundan ko siya ng tingin tapos ay nag kibit balikat. Paglingon ko naman kay Ares ay malawak ang ngiti habang binabaliktad iyong iniihaw niya. Malaki talaga tama nito. Naging maingay noong dumating sila Tita. Tita Sally- Zeus Mom, Tita Pia- Ares’Mom, and Tita Janice- Priam’s Mom. Madilim na ang paligid at hindi na masasagi pa ng mata ang kahit anong sinag ng araw nang dumating sila. Nagmano naman ako at binati sila Tita. Cupid did the same. Isa lang naman ang tanong nilang tatlo. “Bago ka ah?” Natatawa nalang si Cupid. Maingay talaga sila pag nagsama sama. Lalo na siguro noong kabataan nila. Natatawa nalang din ako kapag nagk’kwento sila. “Hoy Sally! Iyong anak mo, pinapaiyak iyong unica hija ko!” malakas na sabi ni Tita Sally tinutukoy iyong Ate ni Zeus na si Ate Hestia. “Bakit ako? Malay ko sa dalawang batang iyon!” sagot naman ni Tita Pia habang kumakain kami sa labas. Mag boyfriend-girlfriend kasi si Ate Hestia- iyong Ate ni Zeus, saka si Kuya Peter- iyong Kuya ni Ares. Alam ko matagal na rin sila. Sa aming apat, ako saka iyong kulugo, si Priam lang iyong only child. Si Cupid? Malay ko at paki ko. “Lagi ngang wala sa sarili si Peter nitong mga nakakaraan…” kwento pa ni Tita Pia. “Kung ipapainom ko shampoo doon iinumin e. Lutang yarn.” Hinampas naman ni Tita Pia si Ares nang sabihin iyon. Nginitian lang naman ni Ares si Titan ang pang-uto. “Ate, akin nalang cupcake mo,” mahinang sabi ni Asha sa tabi ko. Nilingon ko naman siya saka kinuha iyong cupcake ko at inabot sa kaniya. “Hindi rin noon matitiis ang isa’t isa! Manang mana kaya si Peter kay Pia! Pa-baby. Mamimiss din noon si Hestia.” Totoo naman iyong sinabi ni Tita Janice. Parehas naman ng ugali si Ares saka Kuya Peter pero itong si Ares papunta na sa hindi normal. “Gusto mo pa?” tanong ni Cupid sa tabi ko, tinutukoy iyong barbeque. Mabilis naman akong tumango kaya natawa siya. “Ang lakas mo kumain,” bulong niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata. “May problema ka ba doon?” Tumitig naman siya sa akin at hindi sumagot. Para siyang inaantok sa pag pikit noong mata. Saglit pa akong napatingin sa langit kung may buwan ba dahil parang nag s’spark iyong eyes niya. Gusto ko din ng ganoon. “Isa lang ang problema ko sa buhay,” kalaunan niyang sagot. Napakunot naman ang noo ko at bumaling ulit ng tingin sa kaniya. “Kapag sinabi mong ako don’t worry coz I can relate.” Lumawak naman iyong ngisi niya at bahagyang umiling. “Talagang ikaw.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD