Chapter 12
Help
“Gusto mo?” alok ko kay Thalia noong kinakain kong cupcake.
Nandito kami sa studio para sa practice ng Heart Sparks, miyerkules noong sumunod na linggo. Umiling naman si Thalia sa akin saka ngumiti.
“Hindi ako mahilig sa sweets,” parang nahihiya niya pang sabi.
Okay, noted.
“Bakit? Sarap kaya,” pagpapahaba ko noong usapan.
“Ewan. Para ‘kong nasusuya.”
Lumingon naman ako sa pinto ng pumasok na iyong ibang dancers. Nagkaroon kasi kami ng break dahil hinihingal na kaming lahat. Ten minutes lang pero mag f’fifteen minutes na wala pa sila.
“Saan ka pala mahilig?” tanong ko pa.
Napalabi naman siya at parang nag-iisip. Ako naman ay tumingin lang sa kaniya doon.
“I’m fine with anything naman. Hindi ko alam kung ano talaga hilig ko sa pagkain pero mahilig ako sa bulaklak,” tuloy tuloy niyang sabi at natawa.
I chuckled and finished my food.
“Kaya madaming bulaklak sa bahay niyo?”
Tumango naman siya. “Oo. Ako nag-aayos no’n.”
Napatango naman ako at medyo namangha.
“Dami mong time ha.”
Ngumiti naman siya sa akin. Ngayon ko lang naramdaman iyong aircon dito dahil medyo humupa na iyong pawis ko.
“Malapit na iyong concert ah?”
Mabilis naman akong napangiti dahil kinikilig talaga ako kapag iniisip ko iyon. Makikita ko si Shawn! In real life! I cannot talaga! VIP pa iyong ticket ha. Kaya dapat maging si Cupid talaga saka Thalia!
“Totoo, girl! Excited na ako! Nasabi ko bang may ticket na ako?”
Nanlaki naman ang mata niya.
“Akala ko naubusan ka?”
Tumango naman ako nang naka-ngiti pa din. Iniisip ng slight kung anong sasabihin tungkol kung paano ako nakakuha ng ticket.
“May friend akong nakabili. Hindi na daw kailangan dahil pinabili lang iyon sa kaniya tapos hindi na kinuha.”
“For real?” gulat na sabi niya. “Ang swerte mo!”
“Di’ba? Excited na talaga ako!”
Uminom naman siya ng tubig niya dahil tinatawag na din kami ni Franch para matapos na kami. Isa isa naman kaming nagsitayo doon. Madali naman na kaming nakasunod sa mga steps hindi kagaya noong mga una naming practice.
Gabi na ulit kami nakauwi after noon. Madilim na salabas at iyong ilaw nalang sa school at mga lamp post sa labas ang nag-silbing liwanag sa amin. Wala na rin gaanong tao sa campus kundi kami nalang.
“Una na ako, Psy…” paalam ni Thalia.
Tumango naman ako at ngumiti habang inaayos iyong pagkaka-sukbit noong bag ko sa aking likod.
“Ingat ka! Hindi ba mahirap mag-bus pag gabi?”
“Mahirap!” napalabi naman siya. “Madami naman dumadaan pero madalas puno pero okay na rin.”
I chuckled softly before waving and bidding my goodbye. Mabagal naman akong naglakad tungo sa mga trike doon. Kinuha ko naman iyong phone ko nang makasakay. Nakita ko naman iyong text ni Cupid doon.
Cupid:
Nasa bahay ka na ba?
Pasalamat siya at may load ako. Kapag ganito kasing ginagabi ako, nag papa-load ako para na-t’text ko si Mama.
Ako:
Wala pa.
Mabilis namna siya nag-reply kahit pa kanina pa iyong chat niya.
Cupid:
Alas otso na ah?
Ako:
May orasan din phone ko.
Nag send naman siya ng angry emoticon kaya natawa ako. Hindi ko na siya ni-replyan at tumingin nalang sa labas. Malamig pa din ang simoy ng hangin pero hindi kagaya noong mga nakakaraan. Pabago bago din naman. Minsan magigising ka nalang na para kang nasa Baguio.
Mabilis naman akong pumanhik sa kwarto nang makarating sa bahay. Maliligo muna ako bago kumain dahil nanlalagkit na ako. Nang matapos ay ginawa ko naman iyong night routine ko na ang feeling lang tapos ay bumaba na ako para kumain.
Mag-aalas nuebe na kaya tulog na siguro sila Mama. Hindi ko na rin nakita si Asha kaninang pagdating ko, si Mama lang iyong sumalubong sa akin.
Noon ko lang naman binasa iyong text ni Cupid. Sunod-sunod pa iyon.
Cupid:
Anong oras ka uuwi?
Psyche.
Nasa school ka pa?
Di’ba bawal ‘yan?
Pati sa text naiinis ako nito e. Ni-replyan ko naman siya sa i********:.
Ako:
Mas bawal iyong text ka ng text.
Mabilis naman siyang nag-reply.
Cupid:
Nasa bahay ka na?
Ako:
Paki mo? May kailangan ka ba?
Cupid:
Patulong si BF
Sabi na e. Nginuya ko naman iyong pagkain ko at pinilit na huwag na siyang pansinin. Kunwari pang conern may kailangan lang naman. Buti nalang hindi ako madaling mawalan ng gana sa pagkain.
Ako:
Stop.
Cupid send GIF na sad. Mahilig talaga siya doon. Tinapos ko naman iyong kinakain ko saka hinugasan iyon pagkatapos. Matagal pa akong tumitig sa refrigerator para tingnan kung may makakain ba ako doon.
May nakita naman akong chocolate na para kay Asha talaga pero sisters naman kami kaya dapat walang madamot. Kinuha ko iyon saka pumanhik na sa taas para gawin iyong homeworks ko. Business Finance lang naman ata iyong may pa assignment kaso computation kaya matagal gawin.
Cupid:
Chat mo ako kapag gumagawa ka na.
Chat na naman ni Cupid saka sinend iyong answer niya. Ni-seen ko naman siya saka nag-chat ng like emoji. Kinuha ko na iyong bag ko saka nagpunta doon sa study table ko kung saan madalang akong mag-study.
I pulled out my notebook and book and went to the page necessary. Nakita ko palang iyon ay nahilo na kaagad ako. I stretch my back and hands before getting some scratch to do it. Matagal ko naman bago natapos iyon. Siguro mag aalas sonse na. Ang dami ko pa kasing commercial na ginagawa.
Mali talaga ang nasa tabi ang phone kapag may ginagawa. Kung saan saan ako napupunta kapag ni-c’check ko iyon. Tiningnan ko naman iyong conversation naming ni Cupid. Hindi na siya online pero nag-chat pa din ako kasi may manners naman ako.
Ako:
Ito sagot ko. Mali iyong dalawa mo. Or mali ako who cares, tho
Cupid:
Don’t
Napairap ako sa reply niya. Bwisit talaga ‘to. Hindi ko na siya nireplyan pa pagkatapos noon at natulog pa dahil maaga pa iyong pasok bukas.
Nagpractice na kami ng PE naming after class kinabukasan. Kailangan na namin may masimulan kahit papaano. Saglit lang din naman iyon dahil ayaw naman naming gabihin. Kami nila Ana iyong nagtutulong tulong para maituro iyon.
Napapansin ko lang na kanina pa nag-uusap usap sila Ares, Zeus, Priam at Cupid at hindi ako belong. Tahimik din si Zeus saka Priam kanina boong may klase. Si Ares hindi naman natatahimik iyon. Hindi ko alam kung anbong pinag-uusapan nila na bawal ata sa akin.
“May tinatago ba kayo sa’kin?” tanong ko sa kanila noong naglalakad kami palabas.
Napaubo naman si Ares pero tahimik si Priam. Si Zeus naman iyong umiling.
“Anong klaseng tinatago ba iyan?” tanong niya na nakangisi.
Naningkit naman iyong mata ko.
“Ayusin niyo ha. Alam ko kapag may tinatago kayo,” mahina kong sabi.
Umakbay naman sa akin si Ares.
“Si Priam natatae na. Kanina niya pa gustong sabihin sa practice.”
“Siraulo,” sagot naman ni Priam.
Napalingon naman ako kay Cupid na nag-kibit balikat lang. Zeus gave me a reassuring smile. Siguro, babae iyong pinag-uusapan nila.
“Ikaw, baka may girlfriend ka na naman?” tukoy ko kay Ares saka siya siniko.
Ngumuso naman siya at tiningnan ako na parang nagtatampo.
“Wala. Ang busy kaya ngayon…”
“Ah talaga lang? Kung hindi?”
“Meron siguro,” parang inosente pa niyang sagot.
Napabuntong hininga nalnag ako at napailing dahil wala naman talaga siyang matinong sagot sa akin.
“Psyche!”
Napalingon naman ako sa tumawag. Napahinto kaming lima doon. Hinihingal naman na lumapit sa amin si Kurby. Napakurap ako saka dahan dahang tumingin kay Ares na nakangisi.
“Psyche, right? Pinapatawag ka ni Ma’am Torres,” nakangiti niyang sabi habang hinihingal. “Galing ako sa room niyo pero kanina pa daw iyong end ng class niyo. Buti nakita kita dito.”
Mabagal naman akong tumango. “Ah… Kurby, di’ba?” tanong ko. “Nasaan si Ma’am?”
“Nasa faculty. Doon mo daw siya puntahan.”
Tumango naman ako saka lumingon sa mga kaibigan. Nag hi-five pa si Priam saka Kurby. Ganoon din si Ares pero tahimik lang si Zeus. Si Cupid naman mukhang nagtataka lang doon na nagmamasid.
“Mauna na kayo?” sabi ko.
“Sasamahan kita,” mabilis na sagot ni Cupid. “May itatanong din ako kay Ma’am about sa Form 137 ko…”
Mabilis naman akong tumango.
“Tara na. Hoy umuwi na kayo ha?” banto ko doon sa tatlo.
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at naglakad na. Ang layo na ng faculty dahil halos malapit na kami sa gate. Bakit ba ako naabutan pa noon.
“Kurby?” parang tatakang tanong ni Cupid. “Di’ba iyon iyong nanliligaw sa’yo?”
Lumingon naman ako kay Cupid na may masamang tingin.
“Hindi!”
“Iyong pinag bigayan ni Ares ng number mo?”
Umirap naman ako. “Ewan ko doon kay Ares kung totoo iyong sinasabi. May pagka-saltik ulo noon.”
“Hindi ka ba ni-t’text?”
“Hindi.” Lumingon ulit ako sa knaiya. “Bakit ka ba tanong ng tanong diyan?”
Tinanggal ko naman iyong sukbit ng bag ko sa kaliwa kong balikat para may makuha sa bag. Binigay ko kay Cupid iyon. Iyong notebook namin na tungkol kay Thalia.
“May bago?” tanong niya.
“Oo. Nagkausap kami kahapon sa practice. Mukha isasabuhay ko nang makipag-usap sa kaniya.”
Natawa naman ng mahina si Cupid saka binuklat iyong notebook habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
“Bulaklak?” mahina niyang sabi. “Allergy ako doon.”
Bahagya naman nanlaki iyong mata ko.
“Seryoso ba?”
Tumango naman siya ng sunod-sunod.
“Lagi ako nag-s’sneeze o kung malala nahihirapan akong huminga.”
Napabuntong hininga naman ako na parang nadismaya.
“Ekis ka na agad!” medyo malakas kong sabi. Hindi ko naman alam bakit naka-ngisi siya.
“Mahilig din naman ako mag-travel. Gaya ng nakasulat dito. Marunong naman ako mag drive.”
“Really?”
Tumango siya parang proud talaga.
“Pero wala akong sasakyan.”
Muntik ko na siyang masipa.
“Alam mo, malala ka na.”
Tawa lang naman ang sinagot niya sa akin. Lumiko kami sa may pasilyo doon para makarating ng faculty. Tatlo iyong faculty room dito. Sa elementary and high school. Iyong college doon na sa building ng mga college.
“Hindi rin ako marunong mag luto kagaya niya.”
“Oh my gosh. Wala kayong pag-asa na dalawa.”
“Tingin mo?”
Lumingon naman ako sa kaniya saka huminto.
“Pero magagawan naman natin ng paraan iyan. Love conquers all, remember?”
Nakangisi naman siyang tumango. I smiled and went to the door of the faculty room. Bumati ako sa mga teachers doon. Iyon lang talaga iyong nakakahiya sa faculty parang bawal kang pumasok kahit pinatawag ka naman ng teacher. Lahat pa sila nakatingin sa’yo.
“Good afternoon, Ma’am…” bati ko kay Mrs. Torres.
Ngumiti naman ito sa akin saka may inabot na papel. Kunwari naman akong interesadong tumingin doon. Gusto ko na talagang umuwi e.
“Wala ako bukas sa time niyo. Ito iyong gagawin niyo bukas. You need to write these on the board and collect the notebooks also. Dalhin ninyo dito sa faculty after. Magpatulong ka nalang sa mga kaklase mo…”
Tumango tango naman ako dahil isa akong mabuting estudyante. After noon ay mabilis din naman akong lumabas. Nandoon pa din sa Cupid at nakasandal. Umayos lang nang tayo noong makita ako.
“Okay na?” marahan niyang tanong na tinanguan ko.
“Wala daw siya bukas.” Sumilip naman si Cupid doon sa papel na hawak ko. “Bawal. Activity ‘to para bukas.”
“Ay unfair. Bakit ikaw?”
“Syempre ako ‘to.”
Sinabi naman ni Ma’am na okay lang kung sasagutan ko na dahil wala naman siyang magagawa kung gagawin ko nga since sa akin siya nagsabi about dito. Pero bukas nalang. Papanoorin ko mamaya iyong ni-suggest ni Cupid.
Si Cupid naman iyong sumunod na pumasok dahil may kukunin daw siya kay Ma’am. Iyonng letter of request ata niya iyon para sa Form 137 niya.
“Oh tabi mo na ‘to,” sabi ni Cupid saka inabot iyong notebook noong makalabas siya.
“Lagay mo,” sagot ko naman saka naunang maglakad sa kaniya para mailagay niya iyon sa bag ko. “Kunin mo nga iyong lip tint ko diyan.”
“Saan?”
“Sa bulsa-”
“Saan ka ba pupunta?”
Ni-wiggle ko naman iyong bag ko.
“Uuwi. Bakit? Bawal mag lip tint kapag ganoon?”
Narinig ko naman iyong pagsara niya ng bag ko.
“Oh, ito na. Gagalit ka agad diyan.”
Kinuha ko naman sa kaniya iyon saka kinuha sa bulsa ko iyong cellphone ko at ginawang salamin iyon.
“Pwede ba sa lalaki iyan?”
“Pwede kung may tama ka.”
He groaned.
“Sasagot lang ng maayos, Psy.”
“Basta sinagot.”
“Pahingi nga ako.”
Huminto naman ako sa paglalakad saka siya tiningnan. Medyo inayos ko pa iyong lips ko bago siya binigyan ng pansin ng buo.
“Anong trip mo?”
“Wala lang. Baka lalo akong gumwapo.”
“Asa ka.”
“Dali na. Madamot ka ba?”
Mapairap naman ako. Hindi ako alam kung matatawa o maiinis ako sa mga banat niya.
“Sa finger mo lang! Iyong laway mo kadiri.”
“Ay wow ha?”
Nilagay ko naman iyon sa daliri niya. Dinamihan ko para cute.
“Oh lagay mo,” sabi ko saka tinuro kung paano. “Hindi. Ganito,” kinuha ko iyong finger niya saka pinahid doon sa lips niya. “Ito oh.”
Binuksan ko naman iyong camera ng phone ko saka hinarap sa kaniya iyong front camera.
“Ang dami!” reklamo niya na ikinatawa ko. “Ang pula!”
“Oh. Ginusto mo ‘yan.” Tinago ko naman na iyong phone ko. “Tara na!”
Mabilis akong naglakad palayo doon. Mababa na iyong araw. Ang bilis pa ding dumilim ngayon. Kahit na wala pang alas sais akala mo sobrang gabi na.
“Hintayin mo ‘ko!” sigaw ni Cupid.
Hindi maalis iyong tingin ko kay Priam kinabukasan. Biyernes, huling araw ng klase. Hindi kasi siya gaanong nagsasalita saka parang may something. Hindi ko lang alam kung ano. Sa tagal ko silang kasama, alam na alam ko na kapag may mga ganyan sila.
Hindi ko naman sinabi iyon kaagad dahil baka sabihin napapraning lang ako. Normal naman na maingay si Ares saka si Zeus. Si Cupid ay ganoon din. Ayoko naman magtanong kay Ares dahil kung may tinatago itong mga ito, magtatakipan lang sila.
Lunch nang mahuli akong pumasok sa room. Nagpasama ako kay Cupid na dalhin iyong mga notebook sa faculty. Iyong mga activity kay Mrs. Torres.
“Cupid,” tawag ko nang naglalakad kami pabalik.
“Hmm?” Lumingon naman siya sa akin.
“Mahilig si Thalia sa magaling kumanta. Saka mag gitara.”
“Talaga?”
“Oo. Marunong ka?”
Mabagal naman siyang tumango.
“Paano mo nalaman?”
“Nakita ko sa story niya. May Korean na kumakanta tapos nag gigitara. Naka caption, ideal.” I shrugged after. “So pwede mo siyang haranahin.”
“Uso pa ba ‘yon?”
Napa kunot naman iyong noo ko.
“Kung tingin mong magugustuhan ng gusto mo… kailangan ba uso?” parang dismayadong tanong ko pa.
Hindi ko alam bakit medyo na off ako sa sinabi niya. I mean, di’ba nga kahit gaano ka-corny iyong isang bagay, nagagawa dahil love mo iyong tao? I don’t like cheesy things pero I don’t judge those who does. I understand them.
Ngumisi naman si Cupid kahit pa naka kunot iyong noo ko. Umiwas ako ng tingin. I looked around and sighed.
“Hindi. Sa tingin ko doon mo malalaman kung gusto mo ba talaga iyong tao,” kalaunan niyang sabi na ikina lingon ko.
Nagtaas ako ng kilay. Hinihintay pa iyong sasabihin niya.
“Kung willing kang gawin iyong isang bagay na hindi mo nakasanayan para sa taong gusto mo. Ibig sabihin gusto mo talaga siya. Hindi mahalaga kung uso?”
“Tama!” sang-ayon ko. “May pag-asa ka.” Pag-approve ko pa.
Natawa naman siya kaya kinuha ko iyong oportunidad para magtanong.
“Ayos lang ba si Priam?” mahina kong tanong.
Hindi ko masyadong pinahalata na eager akong itanong iyon. Tumingin tingin pa ako sa paligid.
“Bakit?” tanong niya.
I shrugged. “Wala naman. Ang tahimik kasi. Baka may sakit?”
“Ah. Iyon iyong pinag-uusapan nila sa group chat tungkol kay Aila-” napahinto bigla si Cupid saka dahan dahng tumingin sa akin. “Bawal ko iyon sabihin.” Parang nagugulat niya pang sabi.
“Group chat? Aila?” tumataas ang boses kong tanong.
“Shhh. Secret iyon! Malalagot ako!”
“Malalagot ka talaga. Tungkol saan iyan? Bakit nakasama na naman si Aila?”
Bumuntong hininga naman si Cupid saka tumingin sa paligid bago ibalik ang mata sa akin.
“Bawal ko talagang sabihin iyon sa’yo.”
“Malalaman ko din iyan, Cupid. Sabihin mo na.” Nakakunot na iyong noo ko doon.
Aila is Priam’s ex-girlfriend. Marinig ko palang iyong pangalan na iyon, nag-iinit na iyong dugo ko.
Cupid bit his lip before he looked at me firmly.
“Pinag-uusapan nila iyong Aila. Nagkikita daw ulit sila ni Priam. Ang alam ko lang ex-girlfriend ni Priam iyon? Nagkakaproblema ata sila.”
I huffed. Hindi makapaniwala. Really, Priam?
“Bad mood si Priam. Nag-away ata sila kagabi. Hindi sinabi ni Priam iyong details pero galit siya.”
Napirap ako bago napapikit. Hindi ko na pinansin si Cupid at naglakad nang mabilis paalis doon. Humabol naman siya sa akin bago hinila iyong sleeves ko.
“Ano?” galit kong sagot.
“Mamaya mo na kausapin,” seryoso niyang sabi.
Inalis ko naman iyong pagkakahawak niya. Hinintay kong makadaan iyong iilang estudyante doon bago ako nagsalita.
“Kailan pa nagsimula iyon?”
“Two weeks ago?” he licked his lips. “Noon lang nila ako sinali sa gc. Ah. Last semester pa ata. Parang nabanggit ni Ares iyon.”
Napaayos ako ng bangs saka lumakad muli. Malilintikan talaga ito sa akin. Nakakunot ang noo akong pumasok sa room. Tiningnan ko si Priam pero naka dukmo lang iyong kulugo.
“Oh napano ka?” tanong ni Ares nang makaupo ako pero hindi ko siya pinansin at pinanatili ang tingin sa nakadukmong si Priam.
Napansin ko naman sa gilid ng mata ko iyong pagtatanong ni Ares kay Cupid. Hindi pa din ako nagsalita doon. Fine. Mamaya siya sa akin. Hindi talaga nadadala itong lalaking ito. Ano ba mayroon sa babaeng iyon? ‘
Feeling ko ang tagal ng oras after noon. Hinihintay ko talaga maglabasan dahil doon ko kakausapin si Priam. Magtatanong lang naman ako.
Nang mag dismissed iyong instructor nakaayos na iyong gamit ko. Ganoon ako ka-excited mag uwian. Nang tumayo s Priam ay ganoon din ang ginawa ko.
Mabilis siyang naglakad palabas kaya ganoon din ang aking ginawa. Nakasunod naman sa amin iyong tatlo.
“Priam,” tawag ko. “Priam!”
Huminto naman siya. Nakakunot ang noo pero kita ko kung paano niya pinipigilan iyon. Lumapit naman ako sa kaniya.
“Ano na naman ang mayroon kay Aila?” diretso kong tanong.
Naramdaman ko kung paano napatigil si Ares saka Zeus. Si Cupid naman ay nakamasid lang. Priam on the other hand, creased his eyebrows more.
“Ayokong pag-usapan.”
“Talagang may namamagitan na naman sa inyo? At tinatago mo sa akin?”
Umiwas naman siya ng tingin at bumuntong hininga. Hindi na siya nagsalita at tinalikuran ako doon pero hinarang ko.
“Really?”
“Gusto ko nang umuwi, Psy,” madiin niyang sabi.
I bit my lip and inhaled. Alam ko na itong ganito. Alam na alam ko na.
“Psy…” mahinang tawag ni Zeus pero hindi ko pinansin.
“Huminahon muna tayo, oo,” singit naman ni Ares.
“Nagtatanong lang ako, Priam,” mahinahon kong sabi.
“At sagot ko, ayokong pag-usapan!” sigaw niya.
Napakurap ako doon. Humarang si Cupid sa gitna namin pero hindi ako nagpatinag doon.
“Priam,” tawag ni Cupid na parang inaawat itong kulugong ito.
“Fine. Then don’t call me if you need help,” madiin kong sagot. “Dahil sawang sawa na rin akong pag-usapan ‘yan.”